Chapter 3: Gray

18.7K 487 57
                                    

"Please naman Rennan. Huhu nagmamakaawa ako sa'yo. It's just a date. Harmless. Hindi naman niya sinabi na buntisin mo siya o ano so please lang pumayag ka na" halos lumuhod na ako sa harapan ng kambal ko ngayon na wala namang ginawa kung di tawanan ako. Alam kong nage-enjoy siya na makita ako ngayon na nahihirapan dahil sa amin magkakapatid, ako ang pinaka spoiled. Lahat ng gusto ko at hilingin nasusunod. Ngayon lang ako nahirapan dito sa bahay namin ng ganito.

"You don't know what you're asking, twin sis. Alam ko na yung ganyan eh. Kapag pinagbigyan ko siya for sure she will demand for another one dahil nga napagbigyan ko. And if that happens he will cling on me like a leech" Rennan said seriously.

"Then reject her. Anyway isang date lang naman ang hinihingi niya. Rennan.. Kuya please naman pagbigyan mo na ako for the sake of my team"

Buhat doon ay natawa nang malakas ang kambal ko. Napasimangot na lang ako. Damn, he's really enjoying seeing me like this.

"Yan lang naman ang hinihintay ko na marinig eh. Yung tawagin mo akong kuya. Tss. Okay then. Tell that Kisha that I will date her on Friday. Susunduin ko siya sa room nila" he said.

I blinked twice at that. Tama ba ang narinig ko? Pumayag ang kambal ko?!

"Whoa!"

"Yehey thank you so much, Kuya Rennan! From now on hindi na kita bubullyhin!" sa sobrang tuwa ko nayakap ko pa siya. Yes, buo pa rin ang team namin! This will be hard but atleast we can still make it this year! Kahit na palagi kaming talo okay lang basta lalaban pa rin kami. This is not yet the end for St. Agatha School of Mount Carmela's Women's VBT!

---

Pagtapos ng usapan namin ng kambal ko bumalik na ako ulit sa kwarto ko para tawagan si Gail at Trina through video call at sabihin sa kanila ang magandang balita.

"Oh my god, napapayag mo si Rennan?" hindi makapaniwalang tanong ni Trina

"Yeah, why not? Nilambing ko lang ng kaunti then ayun bumigay na" buong pagmamalaki na sabi ko.

"Hindi ba mukhang binebenta mo ang kapatid mo, Arya? And hello, hindi mo ba alam kung gaano ka ganid yan si Kisha sa mga lalaki? Ngayon pa lang naaawa na ako sa kambal mo" Gail said

"Tsk hayaan niyo na si Rennan. Kayang-kaya niyo yun parang di niyo naman alam kung gaano kaba-babaero ang hunghang na yun" sabi ko. Sa totoo lang nagtataka talaga ako kung bakit maraming nagkakagusto sa kambal ko na yun. Sure he's handsome pero mabaho rin naman ang tae niya kagaya nang mga karaniwang tao kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit marami ang nababaliw sa kanya. I don't know if it's because of his personality o isa siyang Fonacier. Our older brothers are legends here.

"Oo nga. Ang importante makakapaglaro tayo this year. I really want to make a difference. Kahit sana isang panalo man lang bago tayo grumaduate noh?" hopeful na sabi ni Trina on which I silently agreed.

"Oo nga. Para naman may maipagmalaki tayo sa school. Ugh they've been bullying us since sophomore year nakakasawa na rin" sabi naman ni Gail

"Don't worry mga besties, this is our year!" sabi ko sa kanila and altogether we cheered for that.

---

"Okay habang naghihintay tayo sa pagsisimula ng second set let's do a quick background check here. St. Agatha School of Mount Carmela joined us two years ago sa pangunguna ng team captain nila na si Arya Astrid Fonacier. And to all our fans na sumusubaybay sa women's volleyball, you perfectly know na simula nung sumali ang SAS ay wala pa silang naipapanalo na laro kahit isa. Not even a single set"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now