Chapter 53: Wolves

11.1K 375 40
                                    

Muntik ko pa maging problema ang kambal ko. Nandito na nga pala siya kung kaya't hindi na ako malaya na pumunta kung saan-saan. Nagawan naman namin ng paraan yet I felt really bad na nasira ko ang diskarte niya. He told me before na isekreto kay Gail ang pagdating niya dahil susurpresahin niya nga but since I am in a hopeless situation, iba ang nangyari. Nasabi ko kay Gail na nandito na siya. Instead na si Gail ang ma surprise, ang kambal ko tuloy. Pinuntahan siya nito sa bahay and Gail really planned to spend the whole day with him para wala sa'kin ang atensyon ni Rennan. It worked anyway.

"You ready?" tanong sa'kin ni Blaise and he sat beside me. I automatically put my arm on his shoulder kahit na nga ba mas matangkad siya.

I nodded sabay iling. "Ready na hindi. Bigla akong kinabahan" I said and that is the truth.

Ngumisi siya at mahinang pinitik ang ilong ko. "Kayang-kaya mo yun. You came this far already. Don't screw things up" sabi niya

Hindi ko mapigilan ang pagngiti sa sinabi niya na yun though somewhat I feel off. Is this even normal? Pakiramdam ko kasi ay parang napakaluwag niya sa'kin. Or sadyang nasanay lang ako kay Maven na palaging may say sa mga actions ko kung kaya't naninibago lang ako?

I mentally slapped myself for that. I really need to flush out Maven out of my system. Hindi pwedeng ganito na palagi kong ikinukumpara si Blaise sa kanya kahit na nga ba alam kong mas nakakahigit ito sa kanya sa maraming bagay.

Napatingin ako kay Blaise when he hugged me sideways and kissed my forehead as we watched my team mates na nagbibihis na ng mga jersey nila. Hindi naman sila awkward panoorin dahil pang itaas lang naman nila ang hubad.

"Hindi ka man lang ba napapa-cringe kapag nakakakita ka ng mga lalaking naghuhubad sa harapan mo?" tanong niya sa'kin bigla

I shook my head "Sanay na ako. I have three brothers"

Natawa siya "Eh bakit nung nakita mo yung ano ko, napasigaw ka?"

My eyes widened at that. Damn, pakiramdam ko rin namumula ako.

"Syempre iba naman kasi yun!" depensa ko kaagad. Mariin akong napapikit as I picture that something big between his legs. Out of all the things na pwede niya banggitin bakit yun pa kasi di ba?!

Mukha siyang satisfied sa reaksyon ko dahil grabe ang tawa niya. I just rolled my eyes at umusog palayo sa kanya pero tatawa-tawa siyang lumapit sa'kin.

"Namumula ka ha. Mukhang kung saan-saan na nakarating imagination mo ha" pang-aasar niya and even poked my cheek.

"Damn, stop it" asik ko sa kanya at hinawi ang kamay niya.

"But honestly, muntik na akong bumigay sa'yo nun. Kung lasing din siguro ako katulad mo nun, malamang nakagawa tayo ng bagay na pareho natin pinagsisihan. Baka nagkaroon pa ng laman to" he said at hinawakan pa ang tyan ko na favorite niyang part ng katawan ko.

I sighed at that. Thinking kung ganun nga ang nangyari. God, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Papatayin siya ni daddy at ng mga kapatid ko or pagpapakasalin kami if they didn't kill him.

"The shuttle is ready. Let's go" sabi ni captain sa'kin. Hindi siya maglalaro yet naka uniform naman siya dahil sasama pa rin siya.

I looked at Blaise "See you later, love" paalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya before going with the team.

---

Buong buhay ko ngayon ko pa lang mararanasan makapaglaro sa ganito na sobrang dami ng tao. If I remember it clearly, last year hindi naman ganito karami ang tao. Kapansin-pansin din ang mga nagkalat na security everywhere.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now