Chapter 36: For Real

11.8K 404 91
                                    

This isn't the first time na maglalaro ako sa harapan nang maraming tao but I don't know why it feels unnerving this time.

Kungsabagay, nasanay ako na ang team ko dati ay walang nakukuhang suporta mula sa school. Siguro naninibago lang ako ngayon na marami ang nanonood na mga schoolmates at classmates namin and they are even cheering, chanting our names.

Even Hunter Fourteen is here. Nasa gitnang parte sila ng bleachers at nasa gitna nakaupo si Blaise. Napapikit na lang ako as I remember what he said nung nakaraan sa bahay. That I am more beautiful than his ex and he can't fucking wait to kiss me again. Pagtapos niyang sabihin yan nun hindi na ako nakapagsalita. He just smiled at nagpaalam na bago umalis. Kahit si Trina at Gail ay natahimik din nun. Nung makabawi sila saka lang nila ako pinutakte ng mga tanong kung ilang beses na kaming naghalikan ni Blaise.

My eyes widened nung magtagpo ang mga mata namin. Automatically naman na umiwas ako and looked at captain instead na nag-uunat ng katawan. He's smirking. Mukhang kanina pa pala niya ako tinitignan.

"You're giving yourself away, Brandon" nang aasar na sabi niya. I just shrugged my shoulders at nag-unat na lang din.

Escuela De Paulina ang kalaban namin ngayon. So far sila ang nasa bottom dahil wala pa silang naipapanalo. Yet hindi pa rin sapat yun para maging kampante ako dahil kahit paano lalaki pa rin itong mga kalaban namin. Ang laro ng mga lalaki ay iba kumpara sa laro ng mga babae. Kapag lalaki ang naglalaro usually mabilis mamatay ang bola dahil malakas ang paluan unlike in girls that sometimes umaabot pa ng ilang minutes ang rally

Lalong lumakas ang hiyawan when the referee whistled at sumenyas na lumapit na ang dalawang captain for toss coin. We players also lined up dahil siguradong tatawagin na rin kami pagtapos para makipagkamay before the game starts.

Captain jogged his way pabalik sa'min at may hawak siyang ballpen at papel. More likely para yun sa positioning ng first six.

"Brandon, you will be on zone five. Alalayan mo si Elijah sa pag receive" captain said referring to our libero as he filled out the paper at ibigay na yun sa referee.

Lalong nadagdagan ang kaba ko. Akala ko ay bench warmer lang ako today. Hindi ko ine-expect na kasali ako ngayon sa first six.

Captain then looked at me and pulled me closer to him.

"Galingan mo. Give your all. Dahil kung papalpak ka ngayon I swear I am going to tell Gandia everything after the game" bulong niya sa'kin. I just nodded. Kahit naman hindi niya ako pagbataan gagawin ko naman talaga yun. Hindi ko isinugal ang pagkatao ko just to make myself of a fool sa harapan nang maraming tao.

Tumunog na ang buzzer. A sign that the game will already start. We bowed to the audience and bid our good lucks to our opponents.

"Let's go wolves!" captain yelled as we circled ourselves at makipag high five sa isa't isa.

The referee whistled at tinawag na ang mga players na nakasulat doon sa paper. Kami ang first ball. Si Reed ang magse-serve ng bola at nagpalakpakan kami nung maka ace siya. I kept my focus on the ball when the rally started kahit na nga ba maingay. Si captain panay ang puri sa'kin kapag nagagawa ko pa rin buhayin yung bola dahil sa pancakes na ginagawa ko.

Ahead kami ng nine points pero yun nga lang pinapagod na ako ng mga kalaban dahil sinisigurado nila na palaging sa'kin malapit ang punta ng bola nila. Mabuti na nga lang at nandyan si Elijah. Gumaganti naman sa kanila sila captain dahil kapag sinet ni Reed ang bola, papaluin naman ng husto yun ni captain to the extent na nahihirapan silang i-receive at kung nare-receive man nila, lagi yun pumupunta outside.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu