Chapter 13: Stabbed

12.8K 428 40
                                    

Hunter fourteen? What the hell is hunter fourteen?

"Hey.." yung lalaking puti ang buhok ang unang lumapit sa akin. Kinamayan niya ako then he pulled me to him for a hug. Ang bango niya. He smells so masculine. Yet medyo nakakairita lang na medyo feeling close siya.

Kung hindi pa tumikhim si Blaise hindi pa niya ako hihiwalayan. Nahihiya naman siya na ngumiti sa akin. I just smiled back.

"The name's Russel anyway. Russel Howard Cabrera" pagpapakilala niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Parang pamilyar sa akin ang pangalan niya.

"Ikaw yung kapatid ni Rihanna?" tanong ko sa kanya. He seems surprised by it pero tumango naman siya.

"Masyado ka nang matagal nagpapakilala sa kanya, Russ" Blaise said at pumagitna na sa amin ni Russel. Natawa na lang ako. Medyo may pagka- territorial siya samantalang hindi naman kami. I wonder kung gaano siya ka istrikto kay Maoi nun. Kung sa akin nga na fake girlfriend niya ganito na siya paano pa sa totoong girlfriend niya?

"This is my pack" Blaise said at inilahad ang kamay niya sa mga kaibigan niya na kumaway naman sa akin.

"Drake" pagpapakilala nung nasa pinaka gilid

"Bryan" sabi naman nung katabi niya and they proceeded to introduce themselves according to their seat.

"Lennard" kumindat pa ito sa'kin. Hinampas tuloy siya sa balikat nung babaeng naka-kandong sa kanya.

"Charles" this one is a serious type

"Jayden" so is this one also

"Prince" lalo na ang isang to

"Hello. Ako nga pala si Wayne Marco Domingo" I looked at Wayne. There's something off about him but I can't tell what.

"Hi! Terrence!" masiglang sabi naman nung lalaking katabi niya sabay akbay sa kanya.

"Hellooo. Ako si Kurt Stephen Sambilay" my eyes widened. I even adjusted my eyes to see him clearly.

He has a down syndrome?

"Arkin" the guy beside him said at ngumiti sa akin.

"Kyle"

"Aaron" finally natapos na sila.

I stopped for a moment para tignan sila isa-isa and made sure na natandaan ko ang pangalan nila. Kung tama ang bilang ko there are thirteen of them maliban pa sa apat na babaeng kasama nila at kay Blaise.

"Hi. Ako si Arya" pagpapakilala ko kahit na nga ba kilala na nila ako.

"You're beautiful. Totoo sinabi ni Blaise" sabi ni Wayne. Nagtawanan naman ang lahat. Napailing lang naman si Blaise.

"Hahaha. Bagay kayong dalawa!" Terrence exclaimed at napapalakpak pa.

Napa iling naman si Kurt "Wag ka nga ingay!" sabi nito kay Terrence.

Napangiti na lang ako. I don't know but my heart feels so happy with what I am seeing right now. Blaise's circle of friends is diversed and I think it's beautiful.

"Did you meet Maoi's parents, Ari?" tanong sa'kin ni Russel kaya napatingin ako sa kanya. May hawak siyang goblet na may laman na alak sa loob and sipped from it slowly.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant