Chapter 10: Brandon Garcia

14.3K 359 27
                                    

Damn, kanina ko pa gustong ibato ang cellphone. I've spent the whole morning researching on Google ang official website ng Herondale High but I can't seem to find anything. Aside from news articles and William Herondale, wala na akong makitang iba pa na tungkol sa kanila. Not even blogs or whatsoever. Hindi ko alam kung wala lang bang nag-aabala na magsulat para sa kanila or I just can't simply find anything.

Kung nandito lang si Rennan I am sure he can help me.

May naramdaman ako na kumalabit sa akin mula sa likuran ko kaya napalingon ako. Only to find my classmate na si Angelo staring at me. He motioned me to remove my earplugs na ginawa ko naman.

"Ano yun?" curious na tanong ko. Magkaklase kaming dalawa yet hindi naman kami gaano nag-uusap so it's a wonder why he approached me out of the blue.

Lumapit siya sa akin at idinikit ang labi niya sa tainga ko "Kanina ko pa napapansin na panay ang search mo tungkol sa Herondale High. I am curious why" sabi niya

My eyes widened at that and I think quickly of a good explanation. "Ah yung pinsan kasi ni Trina nagpapatulong sa'kin. He said if I could help him look for Herondale High's website if there is any" sagot ko and I wish and wish that I am believable. Bukod kayla Trina, Gail, at posibleng sa kapatid kong si Rennan, wala na akong balak na sabihin pa sa iba ang plano ko. I can't fail gayong hindi ko pa man nauumpisahan ang plano ko.

Based on his looks more likely there is a chance na hindi niya ako pinapaniwalaan but he doesn't say anything more about it.

"Well, if you're really that keen to find their website then you're looking in the wrong place. Nasa black site ang website ng Herondale. Hence the reason why you can't find it. These websites in black site just exist on an encrypted network so they're not searchable through those traditional search engines"

My brows shot up at that. Okay, alam ko naman na medyo may pagka nerd tong si Angelo kaya nga hindi kami gaano close yet I never thought na mayroon siyang kaalaman tungkol sa mga black sites na yan.

"How did you know na nasa black site ang website nila?" mahinang bulong ko dahil ayoko naman na marinig kami ng iba. Mabuti na nga lang at abala si Trina at Gail sa pakikinig sa teacher namin so they don't pay attention to us.

Angelo smirked "Sa dami ng ilegal na nangyayari sa loob ng Herondale do you think they will expose it? Actually if you notice, wala kang mabasa na blogs about them. It's because as soon as a bad article come out, binubura na nila agad yun. Herondale maybe is is known for its delinquent students pero marami doon ang may talent sa pagha-hack. One more thing, I was the one who created the site. Ipinasa ko na lang sa kaibigan ko nun before I left" sabi niya

Hindi ko itinago ang pagkagulat "You were a student there?" tanong ko

He nodded. "Yes. So if anyone here knows Herondale the best, then it's me. Anyway, do you want my help?"

Tumango ako dahil hindi ko talaga tatanggihan yun. Actually kung hindi nga siya nag-offer, I will still ask him for help.

"Sige mamayang lunch time punta tayo sa library. Lucky for you, I brought my laptop today.

---

Nagtataka man ang mga kaibigan ko kung bakit hindi ako sasabay sa lunch, hinayaan ko na lang sila. Pagdating ko sa library, hinanap ko kaagad si Angelo. I found him in the periodic section kung saan siya lang ang nandoon. Well, commonly naman talaga dito sa library, ang periodic section ang hindi dinarayo.

Hindi niya napansin ang pagdating ko dahil abala siya sa laptop niya. I waved my hand in front of him at doon lang niya ako napansin.

"Come, I have it prepared for you" sabi niya sa akin at pinaupo ako sa tabi niya. When he showed me his laptop nasa school website na ito ng Herondale High.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon