Chapter 52: Rights

11.2K 299 22
                                    

Ang magaling kong kambal ay halatang tuwang-tuwa sa reaksyon ko dahil talagang nakangisi siya.

"What twin sis? Hindi mo man lang ba ako ipapakilala dyan sa kasama mo?" tanong niya sa mapang-asar na boses though his eyes says that he really mean na makilala si Blaise.

I swallowed hard and looked at Blaise na nakatingin lang sa'min magkapatid. Kinuha ko ang kamay niya.

"Rennan, this is Blaise, my boyfriend. Blaise, this is my twin brother, Rennan"

My brother just smiled slightly habang si Blaise naman ay bumitaw sa'kin at inabot ang kamay niya sa kambal ko. Akala ko hindi tatanggapin ni Rennan yun but eventually naglahad din siya ng kamay.

"Hindi mo man lang ba siya papapasukin sa loob para ipakilala kay daddy? Kilala na siya nila kuya?" tanong sa'kin ni Rennan.

I shook my head "Actually.. talagang plano ko naman siya ipakilala kayla kuya but that's kapag dumating na kayo. Though Kuya GD already knows that I have a new boyfriend" sabi ko at hinawakan si Blaise who massaged my hand. Siguro ay nararamdaman niyang nate-tense ako.

Hindi naman ako kinabahan na ipinakilala ko siya. it's just really awkward na naabutan kami ng kambal ko sa ganun na lagay.

"Well, sa tingin ko sa Saturday na lang because dad is already asleep. We just arrived two hours ago. Isama mo siya sa family dinner natin" my twin said and smiled at Blaise.

I nodded "Okay then" tipid kong sagot

Iniabot niya ulit ang kamay niya kay Blaise "Nice to meet you, bro. Alagaan mo tong kambal ko ah? Matigas ang ulo niyan pero mabait naman yan"

Blaise laughed at that at tinignan ako nang makahulugan bago muling tinanggap ang kamay ng kambal ko.

"Well finish up already kung ano man ang ginagawa niyo. Pumasok ka na kaagad, Arya. Magpasalamat ka at hindi si Kuya CL ang nakakita sa inyo"

Tumalikod na ang kambal ko at pumasok na ulit yet he left the gate open.

I looked at Blaise na ngayo'y nagkakamot ng ulo. Damn, pakiramdam ko ang pula-pula ng mukha ko dahil ang init ng pakiramdam ko.

"Nung hinarap ko nun ang daddy ni Maoi at tutukan pa ako ng baril, hindi ako nakaramdam ng takot. But last time when your brother saw us, for a moment there I wish for the ground to open up and just swallow me whole" sabi niya na tinawanan ko na lang.

"Well.. narinig mo naman kanina di ba? It's time for you to meet them on Saturday. So pagtapos ng game namin you need to go home and suit up" sabi ko

He nodded at that "Uhm.. anyway, nakalimutan ko pala sabihin sa'yo, misis. Tomorrow is Russel's birthday. Magce-celebrate siya sa Club Scarlet. Trina is also joining"

I shook my head "Hindi ako pwede bukas mister. It's game day on Saturday at bukas magpapahinga ako. Tell Russel my greetings though. Pwede ka naman pumunta dun, hindi kita pagbabawalan" I said. Kung wala lang sana kaming game on Saturday sasama naman ako kaya lang, ayoko naman na maglaro on that day na may hangover.

"You sure about that? There are girls there" nakangising sabi niya

I rolled my eyes "Ano naman? I know you. Hindi mo ako ipagpapalit sa mga ganun" confident na sabi ko na ikinangiti niya lang.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now