Chapter 44: What The Hell

10.2K 382 40
                                    

I told Blaise that we should've went here later kapag malapit na ang uwian nila Arya but sadly the man won't just listen to me. My bestfriend is fucked big time. Tangina. Akala ko pagtapos ni Maoi wala na siyang magiging girlfriend but here he goes.. Fucking crazy with another girl again. Though damn, I want it more this way dahil atleast, masaya siya. After what he's been through with Maoi he deserves to be happy. Kaya naman nung sinabi niya sa'kin nun na mahal niya na si Arya at totoo na ang relasyon nila, masaya talaga ako.

"Anong oras na ba? Fifteen minutes na lang uwian na di ba?" he asked as he looked carefully at the bouquet of sunflowers he's intending to give to his girl. Damn yes, may plano siyang sorpresahin si Arya kaya hindi siya sumasagot sa mga tawag nito at texts. Dinamay niya pa ako dahil nahihiya siyang pumunta rito mag isa. Ayan tuloy pareho kaming absent because we spent the whole morning in a flower shop and did some stuffs.

"Oo malapit na uwian nila" sabi ko pagkasilip ko sa phone ko at binuksan ang text galing kay Charles na pinapupunta kami sa school dahil may nakarating daw sa kanilang balita na may babae sa loob ng school bukod pa doon sa dalawang galing ng St. Claire's. Nagreply ako sa kanila na huwag na lang pansinin ang balitang yun dahil napaka imposible na mangyari yun since in the first place bakit naman may isang babae na gugustuhin pumasok sa school namin di ba? Baliw lang ang gustong gumawa nun o yung tipong hindi na niya mahal ang buhay niya. Walang nakakapasok na outsider sa school. Kung meron man, I am afraid that he or she won't make it out unharmed.

Napatingin ako kay Blaise who uneasily breathed. Napangisi ako. I've seen that face before. When he first visited Maoi in St. Claire ganito rin siya. Hindi mapakali at para bang mahihimatay anytime. Damn, my bestfriend doesn't back off when it comes to fights pero pagdating sa babaeng mahal niya nata-tanga talaga siya ng husto. He feels so insecure na kung minsan nga napagsasabihan ko siya na huwag masyadong mag-isip nang masama. Lalo na ngayon after what happened between him and Maoi? It took a toll on him. Kahit hindi niya sabihin nang direkta alam kong natatakot siya na maulit yun.

I just sighed as my mind flash backed at that phase of Blaise's life. Yung hirap niya kay Maoi nun.. Yung tangka niya na wakasan ang buhay niya through overdosing, his confinement in hospital dahil sa depression niya. And it sucks to think na nung mga panahon na yun hindi pa kami nakakahalata na depressed na siya. When he's with us wala naman gaanong pagbabago sa kanya bukod sa naging tahimik lang siya wala naman ng iba kaming napansin nun. Hindi namin alam na kapag mag-isa na lang siya may ginagawa siya sa sarili niya. I don't know if Arya has already noticed but Blaise actually has a deep scar on his wrist because he tried to cut open a vein.

Nung makita siya ni Kristel sa kwarto niya na duguan, naisugod naman siya agad sa ospital and that's when he was diagnosed with depression.

Kahit ata hanggang pagtanda madadala ko yun. Kung nagkataon talaga na namatay ang kaibigan ko nun, malamang mapapatay ko ang mga Santiagos. Especially Maoi's dad. Hinding-hindi ko sila mapapatawad maging ang sarili ko for failing to notice it. But anyway, that's the thing about depressed people isn't it? They're hard to predict. They're seem okay when they face other people but when they're alone that's when negative thoughts will start to set in. Nakakatakot. It's not something I can wish for someone to happen kahit sa kagalit ko pa.

"Labasan na nila. Let's wait for her already dahil anytime lalabas na yun. I'll call her" Blaise said cutting my thoughts. Like what he said, labasan na nga dahil nakabukas na ang gate ng St. Agatha and students started to go out. May mga napapatingin pa sa amin at napapahagikgik. Mabuti na lang pala at hindi kami naka uniform para medyo bawas atensyon. In other times okay lang naman sa'kin kaya lang I am dating Arya's bestfriend. Kailangan kong umayos dahil ayoko naman na magka problema si Blaise at Arya dahil sa'kin. Ayokong sirain ang kasiyahan ng kaibigan ko.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now