Chapter 61: Closure

10.1K 263 20
                                    

I know I promised Kuya GD na uuwi rin kami kaagad ni Jackson yet I really want to stay.

So it's a blessing in disguise na naroon pa rin sa computer lab si Jack at nagsasagot ng entrance exam. He texted me last time na nahihirapan siya sa social science. Hindi naman na nakakapagtaka yun since ilang taon siyang nawala. Natural lang na talagang manibago siya.

Though I am really thankful that he's willing to go here at samahan ako kahit hindi naman niya ito responsibilidad. Thanks also to Tita Joanna who's been supportive of him.

"Hindi ako komportable na naglilibot ka mag-isa so you're going to sit in my class" Blaise said. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon at magkahawak ang kamay. No one is around since classes are going on.

"Hmm, is that okay? Pwede ko bang gawin yun?" I asked unsurely. He looked at me in a manner na para bang joke ang sinabi ko.

"Of course, why not? Kung ako ang masusunod I prefer that we are in the same class. Kaya lang si daddy kasi ang principal so I can't force him that" natatawa niyang sabi na tinawanan ko na rin. Nandito na kami sa harapan ng classroom nila. When he opened the door, Hunter Fourteen looked at us in unison. Bakas sa mga mukha nila ang gulat but eventually napangisi na lang sila. Halata kay Kurt na gusto niya akong lapitan pero pinipigilan siya ni Russel at Wayne dahil nasa kalagitnaan ng pagle-lecture si Sir Pascual.

Apparently kahit nasa isang classroom lang ang Hunter Fourteen, nakahiwalay pa rin pala si Blaise. And instead of armchair, siya ay may sariling mesa na malapad na nakapwesto rito sa pinaka likod. Maayos na nakapatong dito ang mga libro niya at iba pang gamit.

Kumuha siya ng extra chair at nilagay yun sa tabi ng upuan niya.

"Sit" sabi niya sa'kin na sinunod ko naman. Umupo na rin siya sa tabi ko and started browsing his English book dahil yun ang subject nila ngayon.

"Mister, bakit nakahiwalay kayo sa mga schoolmates natin? Is it really like this?" curious na tanong ko

He nodded "Yeah. Kahit dati ay ganito na rito since as you can see, there are things that my pack and I talk about that we can't let anyone just hear"

"But have you ever experienced na magkaroon pa ng ibang kaklase bukod sa kanila?"

"Oo naman. Noong elementary ako sa Phylisse Academy ako nag-aaral. Co ed sila roon. I don't like having girls as classmates because I am not comfortable that they keep on gawking at me as if I am a food. Ayoko nang ganun kasi nadi-disrupt ang klase"

Akala ko nagbibiro lang siya so I waited for him to laugh but it didn't happen. Kungsabagay, gwapo nga pala siya. I mean, saksakan ng gwapo.

"How about me? Paano kapag naging magkaklase tayo?" I asked teasingly

He smiled "I can manage" he answered

Kinuha ko ang kamay niya and entwined it with mine

"How about here?" tanong ko muli

"Of course yes nung hindi pa ako Alpha pero saglit lang yun. If I am not mistaken, three months lang yun" he answered. Huminto muna ako sa pakikipagkwentuhan sa kanya dahil nagpapa-recite na si Mr. Pascual. Sa totoo lang, hindi ko akalain na ganito sila. Usually yung mga estudyante na may pagka gangster ay yung mga walang pakialam sa pag-aaral nila at walang respeto sa teacher dahil wala silang kinakatakutan. Yet Blaise and his friends here are quite different.

Noong si Wayne ang tinawag at nakasagot hindi ko mapigilan mapabilib. He answered the question accurately. And looking at Mr. Pascual halatang impressed din siya.

Noong si Kyle ang tinawag natawa ang buong klase dahil panay ang biro niya. Nasagot naman niya ang tanong pero nagpatawa muna siya.

"Well, hindi ba't dapat kayo ang star section? Seriously feeling ko lahat kayo rito ay magagaling. Ang linis pa ng classroom niyo at walang nag-iinuman. Noong first day ko rito nun as Brandon ay pinatagay ako ng alak nun sa room. Nag-iinuman ang mga kaklase ko" I said

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now