Chapter 42: Sick Feeling

11.9K 346 18
                                    

"Maaga pa. Gusto mo date tayo?" Blaise whispered to me pagtapos kumain. Napatingin ako sa kanya.

"Mayroon ka bang gusto puntahan?" I asked back. Tinignan ko ang wrist watch ko at tama nga siya. It's just six thirty. Pwede naman ako magpaalam kay Kuya GD kung gusto niyang may puntahan pa kami.

He crinkled his nose as if he's shy sa kung ano man ang sasabihin niya. "Uhm.. I am just wondering if we can play arcade" he said in a low voice.

"Yun lang ba? Walang problema. Anyway, matagal na rin akong hindi nakakapunta sa ganun" sagot ko and that's the truth. Kung tama ang pagkakaalala ko si Maven pa nga ata ang huli kong nakasama nung pumunta kami dun. And also, it's time for me and Blaise to create memories together already.

"Arya, dalaw ka naman sa school minsan. We will tour you. Hindi ka magagalaw dun tutal girlfriend ka ni alpha. You will be practically a queen there" Lennard said. Kung hindi ko lang naagapan ang sarili ko malamang nabulunan ako sa sinabi niya na yun.

"Uhm.. no problem. I will make time for it" sagot ko

Inakbayan naman ako ni Wayne which surprised me dahil ito ang unang beses na ginawa niya yun. So aside from Kurt, may isa pa palang clingy na kaibigan si Blaise. "Kapag pumunta ka dun, ipo-protect kita. No one must touch you!" he said in a slightly high pitched tone and even mimicked a knight. Natawa na lang kaming lahat. Sa palagay ko talaga ibang tao ang Hunter Fourteen kapag wala sila school.

"Besh pwede ba si Blaise na lang maghatid sa'yo? May pupuntahan kasi kami ni Russel" Trina said na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Buong duration kasi nang pag kain namin hindi naman sila sumamang dalawa sa'min kaya medyo nagulat ako sa pagsulpot nila ni Russel ngayon.

I narrowed my eyes "Saan naman kayo pupunta?" I asked woriedly. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano itong tumatakbo sa utak ng kaibigan ko. I know her for years pero hindi ko talaga alam kung ano ang pinaplano niya ngayon.

Russel stepped forward and faced me "Don't worry, Arya. You can trust me. Wala akong gagawin na masama sa kaibigan mo" he said

I shook my head "Hindi ko naman sinasabi na may gagawin ka sa kanya. I am just worried that you just met tapos saan na kayo pupunta. Isn't it too early?" tanong ko

"Kayo nga ni Blaise kakakilala lang, naging kayo na. We're good. It's not as if we'll have sex or what" pasok ni Trina

Napatutop na lang ako sa noo ko. God, my friend here doesn't really know when to use that tactless mouth of hers. Of all the places where she'll crack sex jokes, dito pa talaga sa harapan ng labing apat na lalaki na ang karamihan ay malamang mga babaero.

---

Supposedly, dapat nage-enjoy ako dahil ito ang first arcade date namin ni Blaise pero hindi talaga mawaglit sa isipan ko si Trina at Russel. Saan kaya sila pupunta na dalawa?!

"Medyo nagseselos na ako misis. Ako tong kasama mo pero ibang tao ang iniisip mo" Blaise said in a sad voice. Agad naman akong ngumiti at yumakap sa kanya as I watched him na sunod-sunod i-shoot ang bola sa basket.

"I'm sorry. Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trina" I admitted

He sighed pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya. Mataas na rin kasi ang stage na naaabot niya at malaki na ang points niya.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon