Chapter 48: First Round

11.3K 348 44
                                    

"Mamamatay na ba tayo?" umiiyak na tanong ko sa kambal ko pero hindi siya sumagot kung kaya't mas lalo akong naiyak.

Nasaan na ba kasi sina daddy at kuya? Napapagod na ako at nilalamig. Wala akong makita sa paligid kung hindi ang napakalawak na tubig at madilim na kalangitan. Hindi ko rin alam kung gaano kalalim itong tubig dahil panay ang padyak ko para mapanatili ang sarili ko na nakalutang at wala rin akong planong alamin pa.

Sa tantya ko ay ilang minuto pa lang naman kami ng kambal ko rito sa tubig pero para sa'kin na nasa bingit ng kamatayan ay matagal na to.

Kasalanan ko to. Kapag may nangyari sa'kin at sa kambal ko wala akong ibang sisihin kung hindi ang sarili ko lang. I dragged him to this. Kung hindi ko sana siya niyaya na maglaro kami malapit sa seashore hindi kami tatangayin ng alon at mapupunta rito sa gitna.

"Arya.. Pagod na ako" dinig kong mahinang sabi ni Rennan. Nanlaki ang mga mata ko.

"No, don't say that!" buong lakas kong sabi at mas lalong pumalahaw ng iyak. Nasaan na ba kasi sila daddy?! Hindi pa ba nila kami hinahanap ni Rennan?!

"Hindi ko na kaya.. my muscles hurt. Ang dami ko na rin naiinom na tubig I feel so queasy"

"No! Don't let go!" sigaw ko pang muli sa kanya and this time conjured all the energy left in me para sumigaw. Yet, I am not successful dahil sa palagay ko ay kinain lang ng hangin ang boses ko dahil sa lawak nitong dagat. I can even hear static in my ears.

When I looked at my twin brother I am shocked to see na wala na siya. Panic started surging inside me.

"Rennan?!" I called out but no one answered. Nilalamig na ako dahil sa tubig pero mas lalo akong nilamig dahil sa naisip ko.

My twin just disappeared.. Isa lang ang ibig sabihin nito. Lumubog siya!

Pagod na ako pero kailangan kong kayanin kaya hindi ako nagdalawang isip na lumubog. Through the darkness I tried sharpening my eyes to search for my brother. He can't leave me. No..

Lumangoy pa ako nang lumangoy pababa until I saw him sinking. Binilisan ko ang pagpadyak until I caught him by the wrist.

Napadaing ako dahil sa bigat ng kambal ko. Kahit nasa ilalim ng tubig gusto kong maiyak when I realize na pareho na kaming lumulubog.

At hindi na rin ako makahinga. Kapag hindi ako bumitaw sa kambal ko mamamatay ako pero kapag binitawan ko siya, siya naman ang mamamatay.

If Rennan could just hear me right now, isa lang ang gusto kong sabihin sa kanya. I am sorry.

***

"Arya!" napatalon ako when Blaise snapped his fingers in front of me. Doon ko lang din na realize na nagpipigil pala ako ng hininga kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Blaise eyes widened at mabilis akong dinaluhan "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong

Mabilis naman ako na tumango at napasapo sa noo ko. "Uhm yeah. Anyway, aalis na ako. Kailangan namin mag-usap ni captain" sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis kong tinungo ang pintuan at lumabas.

Binagtas ko ang daan papunta sa banyo. Aware ako na maraming nakatingin sa'kin pero hindi ko na lang pinansin. When I reached the comfort room pumasok ako kaagad at ni lock ang pintuan.

Saka ko lang pinakawalan ang hingal ko. Humawak ako sa dibdib ko dahil sunod-sunod ang pagtambol ng puso ko.

Just picturing the image of a swimming pool is making me shake in fear already.

Sa dinami-rami ng papel na nasa loob ng fish bowl na yun bakit yun pa ang nabunot ni Blaise? Damn it, mas gugustuhin ko pa na makalaban siya sa loob ng ring kaysa sumugod sa tubig. It will be the death of me. But then, hindi ko naman pwedeng sabihin yun. Hindi ako makakapayag na matalo sa isang laban na hindi pa nagsisimula.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now