Chapter 57: Nothing To Lose

10.1K 323 49
                                    

Nakatunganga lang ako as I slowly processed what Tito Franz said. Gaya nang palagay namin ni Blaise, may away nga silang dalawa. And it's because.. My mom is Tito Franz' ex girlfriend.

My mom.

Tito Franz tsked so I am snapped back to my senses. Kumawala siya sa pagkaka-kwelyo ni daddy sa kanya at inayos ang polo niya na medyo nagusot.

"Naging kayo ni mommy dati?" I started "So what does it have to do with us? Ano naman po ngayon kung mag-ex sila?" baling ko kay daddy. At that, he narrowed his eyes at me.

"Do you think I will allow you na makipagrelasyon sa anak ng taong nagpahirap sa pagsasama namin ng mommy mo?" he snapped

Tito Franz chuckled teasingly at that kung kaya't nilingon siya ni daddy. "Seriously, Armando? Do not give me that shit. We both know na minahal ako ni Alenna ng husto. We were quite doing well until you came. Kaya wag na wag mong ipapakita sa mga bata na ako ang masama. Alam ng lahat yan.." nakangisi niyang sinabi yun but obviously he's not messing around dahil sa mga mata niyang seryosong naghahamon kay daddy.

Walang naging tugon doon si daddy kung hindi ang pagtingin lang nang masama kay Tito Franz. Kita ko rin ang panginginig ng kamao niya. I know that. Gusto niyang sapakin muli si tito but he's damn trying to restrain himself.

"What exactly happened? Bakit kayo naghiwalay ni mommy?" I asked to tito

He rolled his eyes at umiling. "Why don't you ask your dad? That's the phase of my life na ayaw ko na balikan. One thing for sure is, your dad ruined my life" marahas niyang sabi

"Kaya ka gumaganti, ganun ba? Kaya ba kahit na alam mong nagpanggap ang anak ko na maging lalaki at pumasok sa impyernong escuela na ito ay wala kang pakialam?" dad scowled at him

"Kung paghihiganti lang naman, sana sa'yo ko na lang ginawa. I can shoot you now, if I want to. Pero hindi ako ganun. At kung pwede lang, wag mong sisihin sa'kin ang kalokohan ni Arya dahil nung kailan ko lang nalaman yun. Isa pa, alam naman niya ang ginagawa niya. Stop making other people responsible dahil sa kapabayaan mo"

Mabilis akong lumapit kay daddy dahil na foresee ko na ang susunod na mangyayari. Nahawakan ko na siya before he could even move.

"Dad please.." may bahid ng pagmamakaawa na ang boses ko. Thankfully sumunod naman siya.

I heard Blaise sighed. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap kami sa mga tatay namin.

"No matter what happened between the two of you, labas na kaming dalawa ron. Kung ano man ang naging gulo niyo, gulo niyo yun. It is just wrong to hold it against us" Blaise said

Marahas na huminga si daddy at tinignan nang masama si Blaise. "Do not hold it against you? Do you even know what happened? Nalaman sa escuela ng anak ko ang ginawa niya and she was expelled! Kung sana ay ipinaalam mo sa'kin o sa mga kapatid niya ang ginawa niya na yun, hindi na sana umabot pa sa ganito!"

Blaise eyes widened at that at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"Is that true? You were expelled?" he asked. Marahan naman ako na tumango.

He faced dad again "If that's the case, we're willing to accommodate her here" seryosong sabi niya

Ang akala ko ay magagalit si daddy sa sinabi niyang yun but to my surprise he laughed at that. Though his laugh is a sarcastic one.

Dinuro niya si Blaise sa dibdib "Anong akala mo sa'kin? Tanga? Why would I even want my daughter to study here? I don't even know if this school is really a school or just a place para sa mga tarantadong katulad mo at ng tatay mo. I'd rather have her home schooled kaysa ipasok siya rito!"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now