Chapter 35: Just This Time

10.5K 399 56
                                    

"Brandon" tawag sa'kin ni captain "Come here" he said

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko and slowly make my way to their direction. I keep my head low at tumabi ako kay captain who's looking at me.

"May kinalaman ka ba rito? Do you know this girl?" marahan niyang tanong at kinuha ang ID ko, I mean ni Arya mula kay Blaise at ipinakita sa'kin.

Come on, Bran. Think.

"Don't even try to lie about it. I have watched the CCTV and I saw na nalaglag mo yan nung ipinasok mo sa locker yung bag mo" Blaise said

I mentally slapped myself for being that reckless. Damn. Sa sobrang pagmamadali ko kanina dahil hinihintay ako ni Chesca, I didn't even notice na may nalaglag pala ako.

"I know her. I met her yesterday. Nung pauwi kasi ako I saw her na nakikipag away sa tatlong lalaki. I helped her with that pero umalis siya kaagad pagtapos magpasalamat sa'kin. Paalis na rin ako when I noticed that na nasa sahig. Plano ko naman po isauli yan mamaya"

Blaise tsked "That brat" mahinang sabi niya

"Okay na ba, Alpha?" nang aasar na tanong naman sa kanya ni captain

"He better be telling the truth cause when his story and my girlfriend's story will not coincide, I swear na walang magagawa ang pagiging captain mo kapag may ginawa ako sa kanya" he answered at tumalikod na.

Nung makalabas na siya saka ko lang pinakawalan ang hininga ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Why didn't you tell him na kilala mo si Fonacier dahil galing ka sa St. Agatha?" captain asked curiously when we have seated. Mataman din siya na nakatingin sa'kin.

I shrugged my shoulder "Nakakatakot siya eh" I just said lamely. Natawa naman siya.

"He really is kung kasinungalingan ang sinabi mo sa kanya kanina"  

---

Break time na. Nagpaalam ako kay captain na susunod na lang sa gym dahil kailangan ko mag banyo. Nang makapasok na ako sa cubicle inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko and like what I expected may mga missed calls and messages from Blaise.

Fake bf: Kahit ba for once lang Arya, hindi mo ba sasagutin ang tawag ko? How true na may mga lalaki kang nakaaway kahapon at may tumulong sa'yo na taga Herondale High?!

I let out a heavy sigh first bago magtype ng reply

Reply: Yup that's correct! Paano mo nalaman? By any chance, nasa kanya ba ang I.D. ko? Nawawala kasi eh. Malamang nahulog ko kahapon. Please also tell my thanks to him dahil kung hindi niya ako tinulungan malamang pinaglalamayan na ako ngayon.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader sa mga sinabi kong yun dahil hindi kapani-paniwala yun. Si Arya yung babae na tipong may palag pa rin kahit lima pa ang kaaway niya. But now I have to make her look stupid to save Bran.

Isasauli ko na sana sa bulsa ko ang phone ko nung tumunog ito. Blaise is calling. I pressed the answer button tutal ako lang naman ang nandito sa CR dahil nasa cafeteria na silang lahat.

"Hello" salubong ko sa kanya

"Nasaan ka at bakit nage-echo?"

"Nasa CR ako. Nagpaalam lang ako sa teacher ko. So ano na? Nasa'yo ba ang I.D. ko?" tanong ko

"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa'kin na napaaway ka? You should've called me!" he snapped

"Kaya ko ang sarili ko Blaise Rafaelo Gandia!" I snapped back

He laughed sarcastically "Ah ganun ba? Kaya pala may tumulong pa sa'yo na taga Herondale. Yes babe, kayang-kaya mo nga ang sarili mo" nang-aasar na sabi niya

Kissed by Fire (Fire Series #1)Where stories live. Discover now