E

3.5K 130 7
                                    

Dearest Glaiza,

First of all gusto kong humingi nang tawad sa kasalanang nagawa ko. Alam ko galit ka sa akin, hindi ko hihilingin na patawarin mo ako ngayon pero sana darating ang panahon na mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan sayo.

Glai, huwag mong isipin na binayaran ko ang pagkatao mo dahil may cheque na kasama itong sulat ko. Gusto ko lang na gamitin mo ang halagang nakasulat diyan para makapagsimula kang muli, dahil pareho nating alam na ako ang dahilan kung bakit nasira ang career mo, ako ang dahilan kung bakit nawala sayo ang pangarap na matagal mo nang pinaghirapan upang makamit ito.

Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa gabing iyon dahil sa maniwala ka man o sa hindi ay matagal na akong may gusto sayo or let me say na gusto kita simula noong aksidente mo akong nabangga. Simula noong araw na iyon ay lagi na kitang hinahanap. Simula noong araw na iyon ay lagi na kitang napapaginipan.

Siguro nga masyado pang maaga para masabi kong mahal kita pero isa lang ang masasabi ko sayo special ka para sa akin.

Glai, kung hindi mo pa din matatanggap ang cheque na ito. May iaalok ako sayo. Sinced we both lost our career bakit di mo pag isipan yung offer ko sayo na sumama ka sa akin sa New York at doon tayo magsisimulang muli. Ako na ang bahala sa lahat pagdating mo doon. Please pag isipan mong mabuti bago pa ako umalis. May oras ka pa para mag isip dahil ngayong gabi na ang flight ko.

Baka isipin mo na masyado naman akong nagmamadali, yes! Dahil masyado ng nasasayang ang mga araw natin dahil sa mga paparazzing umaaligid sa bahay mo at sa bahay ko.

Hihintayin ko ang text o tawag mo kung nakapagdesisyon kana. Nasabi ko na sayo ang lahat ng gusto kong sabihin. Please pag isipan mong mabuti ang offer ko. Again I'm so sorry.

Rhian

Ilang beses ko nang binasang muli ang sulat na ito ni Rhian, hindi ko alam kung bakit pero namimiss ko siya. Nakapagtataka dahil unang una hindi ko pa naman siya nakasama ng matagal para makaramdam ako ng pangungulila sa kanya.

Siguro nakalipad na ang eroplanong sasakyan niya noong tinatawagan ko siya dahil cannot be reached na ang numero niya ng mga oras na iyon.

"Dude, okay ka lang ba? Tanong ni Chynna.

"Dude, napag isip isip ko na sana pala sumama nalang ako kay Rhian sa New York. Atleast doon makapagsimula akong muli." Sagot ko.

"Sana hindi ka nagpakipot that time dude, mabait namam palang tao yung Rhian na yon. Siguro nga nadala lang siya sa kalasingan niya kaya niya nagawa yon." Sabi niya.

Bumuntong hininga ako.

"Huli na ang lahat dude, nakaalis na siya. Ayoko ding gamitin ang perang yan, mas gugustuhin ko pang sumama sa New York para maghahanap ng trabaho kesa sa tanggapin ang perang yan. Hindi ako ganun pinalaki ng mga magulang ko." Sabi ko.

"Gusto mo ba talagang pumunta ng New York?" Tanong niya.

Tinititigan ko siya dahil naguguluhan ako.

"Dude, ano gusto mo ba o hindi?" Ulit niyang tanong sa akin.

"Oo gusto ko dude pero pag iipunan ko pa yan, saka ko na iisipin yan. For now focus nalang muna ako sa coffee shop." Sagot ko.

"May aaminin ako sayo." Bigla niyang sabi.

Kumunot ang aking noo.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko.

May kinuha siya sa kanyang drawer at ibinigay niya sa akin ang isang numero.

"Ano to numero ng lotto? Alam mo naman hindi ako nagsusugal." Sagot ko.

Tumawa naman si Chynna.

"Anong numero ng lotto yang pinagsasabi mo? Numero yan ni Rhian sa New York. Nagkita kasi sila ni Kean sa isang coffee shop noong hinintay ni Kean ang mga kabanda niya kaya, hindi na siya nagdadalawang isip na kunin ang number ni Rhian." Paliwanag ni Chynna.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya na naramdaman ko sa mga oras na ito habang tinititigan ko ang papel na nasa aking mga kamay.

"Ano? Tititigan mo lang ba yan? Dude tawagan mo na. Alam ko naman na namimiss mo din siya eh." Panunukso ni Chynna.

"Ewan ko sayo." Sagot ko sabay lakad papalayo sa kanya.

"Balitaan mo ako dude ha?" Sabi niya habang abot tenga ang ngiti.

Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay kinuha ko ang aking cellphone at dinial ko ang numerong binigay sa akin ni Chynna. Nagcoconect na ang call ko sa kanya nakailang ring muna ito bago niya sinagot.

"Hello ,who's this?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Hey, si Glaiza to. Is this Rhian?" Tanong ko.

"Ya..yeah Glaiza Galura? Tama ba ako." Paninigurado niya.

"Yup." Tipid kong sagot.

"Hey, napatawag ka, anong maipaglilingkod ko sayo?" Tanong niya.

"Hey baby, I have to go." Dinig kong sabi ng boses lalaki sa kabilang linya.

Bigla nalang nag init ang ulo ko dahil sa narinig ko kaya naman pinutol ko ang tawag.

Itinabi ko muna ang aking cellphone at pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Nang biglang nagring ang aking cellphone at nang tingnan ko ito ay numero ito ni Rhian. Hinayaan ko nalang na magring ang aking cellphone hanggang sa mamatay ang battery nito.

Bakit ba nasasaktan ako sa narinig ko kanina. Bakit parang umaasa ako na magiging kami ni Rhian? Hindi ako tomboy alam ko yan sa sarili ko, pero bakit pagdating kay Rhian ay hindi ko masabing hindi ako tomboy. Ano ba tong ginagawa mo sa akin Rhian, bakit binabaluktot mo ako gayong isa akong tunay na babae.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag iisip ko sa kanya. Nang  may biglang kumatok.

Bumangon ako para buksan ang pintuan at nakita ko si Chynna kasama ang secretary ni Rhian na si Rachel.

"Dude, pinapunta ni Rhian si Rachel dito dahil hindi ka na raw makontak." Nakangiting sabi ni Chynna.

"Ah, ganun ba nag empty kasi ang battery ko and hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." Paliwanag ko.

"Naku pasensya kana Glaiza ha, akala kasi ni Rhian na nagalit ka sa kanya kaya mo pinatay ang tawag." Sabi ni Rachel.

"Wala naman akong dahilan para magalit sa kanya." Sagot ko.

Nagkatinginan silang dalawa ni Chynna.

"Bakit? May masama ba akong nasabi?" Tanong ko sa kanila.

"Eh, kasi dude tinataasan mo kami ng boses. Akala ko ba hindi ka galit?" Panunukso ni Chynna.

Hindi na ako sumagot.

"By the way Glaiza baka daw nagbago na ang desisyon mo at gustuhin mong pumunta sa New  York tawagan mo lang ang numero ni Rhian yan ang sabi niya sa akin at iparating ko daw yan sayo." Sabi ni Rachel.

Tumango ako.

"Don't worry one of these days tatawagan ko siya. Salamat nga pala sa pagpunta mo dito." Sabi ko.

"No problem, basta utos ni Rhian gagawin ko yon. So, I guess uuwi na ako, sasabihin ko nalang sa kanya na nag empty battery mo ha?" Sabi niya.

"Okay." Tipid kong sabi at isinara ko na ang pintuan.

Strange, dahil kay David dati hindi ako nagseselos ng ganito. Nagseselos nga ba ako? Siguro galit lang ako dahil ayoko ng may sumisingit kapag may kumakausap sa akin. Hindi ito selos dahil babae ako at hindi ako pweding mahulog sa kanya dahil walang puwang sa pamilya namin ang magmahal ng kapareho mo ng kasarian.

Yan ang itatanim ko sa aking utak. Na dapat ang mamahalin ko ay isang lalaki at hindi ang kagaya ni Rhian.

A/N:

Goodnight guys! Thanks for voting.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now