Y

2.1K 75 12
                                    

Flashback....

"Congrats G." Bati sa akin ni Bianca.

"Salamat Bianca." Sagot ko habang masaya akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Rhian.

"Congratulation love. I'm so proud of you." Bati niya sa akin habang hinalikan ako sa labi.

"Thank you love. Hindi ko marating ang lahat ng ito kung hindi dahil sayo." Sagot ko habang niyakap ko siya ng mahigpit.

Naging emosyonal ako sa mga sandaling ito. Oo aaminin ko masaya ako dahil sa wakas nakamit ko na ang pangarap ko pero may kulang eh. At yon ay ang pamilya ko, si Nanay wala dito si Nanay.

"Hey! Alam ko hindi ka lubusang masaya dahil alam ko gusto mong nandito ang pamilya mo. I tried to contact them pero hindi kasi talaga pwedi si Alcris love. Kaya here, tanggapin mo to ito yung graduation gift ko para sayo." Sabi ni Rhian habang may iniabot siya sa akin na isang brown na envelop.

Kinuha ko ito, binuksan at binasa. Isa itong plane ticket pauwi ng Pilipinas.

"Rhian, kalabisan na ang lahat ng ito. Hindi mo naman kailangang gawin sa akin ito eh." Sabi ko.

"It's okay love. Gusto ko na masaya ka. Tanggapin mo yan. Tama lang ba ang petsa niyan? O baka naman gusto mong palitan natin." Sabi niya.

"No, okay na to. Nasettle ko naman lahat ng dapat kong isettle sa school eh." Sagot ko.

Tumango lang siya. Tiningnan kong muli ang plane ticket oneway ticket lang ito. Kaya nagtataka ako. Napansin ko naman na nakatingin si Rhian sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.

"Love, okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Yes love, so lets go na? Magcelebrate tayo." Sabi niya habang naglakad siya papalapit kay Bianca.

Sinundan ko siya ng tingin. Alam ko may mali, alam ko may itinatago si Rhian sa akin at yon ang aalamin ko.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Bianca ay tahimik lang si Rhian, habang palipat lipat naman ang tingin ni Bianca sa aming dalawa.

"You guys are okay? Bakit para kayong hindi magkakilala diyan?" Tanong ni Bianca.

Ngumiti si Rhian pero alam ko na hindi yon totoong ngiti, alam ko hindi yun galing sa puso niya.

"Sorry guys, napagod lang siguro ako sa byahe." Sagot niya.

"Love, kung pagod ka pwedi namang sa bahay nalang tayo ni Bianca magcelebrate." Sabi ko.

Tumingin siya kay Bianca na para bang may gusto siyang iparating.

"Actually may date ako mamaya G so kayo nalang ni Rhian ang magcecelebrate ha? Hindi ko kasi pweding hindi siputin ang kadate ko kasi malayo pa ang binyahe nun para lang makita ako." Sabi ni Bianca habang kinikilig.

"Okay lang naman talaga sa akin na sa bahay lang tayo eh." Sabi ko.

"Glaiza, it's your big day kaya dapat magcelebrate tayo." Sabi ni Rhian pero kita ko kung paano para siyang nasasaktan habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

Narating na namin ang bahay ni Bianca. Agad na bumaba si Rhian, naiwan kaming dalawa ni Bianca sa loob ng kotse niya.

"Ma..may problema ba si Rhian?" Tanong ko.

Umiling naman si Bianca.

"Baka naman pagod lang yon G. Intindihin mo nalang." Sabi niya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ