Epilogue

4K 108 23
                                    

Pagkatapos ng kanilang kasal ay sa Paris sila naghoneymoon dahil niregaluhan sila ng trip to Paris ng Daddy ni Rhian. Masaya silang dalawa sa mga sandaling iyon, bawat araw ay hindi nakalimutan ni Glaiza na ipadama sa asawa niya kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya kasaya sa piling ng asawa.

Bumalik sila ng New York para simulan ang pinaplano nilang pagbubuntis. Gusto ni Rhian na siya ang magdadala sa magiging anak nila kaya naman walang nagawa si Glaiza kundi ang sundin ang asawa niya kahit na natatakot siya dahil alam niya hindi biro ang magbuntis.

Naging matagumpay ang in vitro fertilization na ginawa nila matapos ang ilang attempts and ngayon ay masaya silang pareho habang lumalaki ang tiyan ni Rhian. Kasabay ng pagbubuntis ni Rhian ay ang pagsikat muli ni Glaiza. Mahirap man para sa kanya pero pinag sabay niya ang kanyang career at ang pagiging ulirang asawa. Nagtatrabaho siya para sa kinabukasan nila ng magiging anak niya kahit na sinabi na ni Rhian na pwedi na siyang hindi kumayod ng husto dahil sapat na ang naiipon nila para matustusan ang pangangailangan nilang pamilya. Pero hindi ayon si Glaiza sa gusto ni Rhian dahil para sa kanya habang makakaya pa niyang magtrabaho ay magtatrabaho siya alang alang sa kanilang mag ina.

Di tumagal ay iniluwal na si Rhian ang kanilang first baby at ito ay isang cute na babae. Sobrang saya ng Mommy ni Rhian habang kinakarga niya ang kanyang apo, at ganun din si Nanay Cristy. Sa katunayan nga ay sabay pa silang mag lola na lumipad papuntang New York para maalagaan ang anak at apo nila. Pinacancel naman ni Glaiza ang kanyang concert dahil gusto niyang nasa tabi siya ng asawa niya kapag nagalalabor na ito.

Lumipas ang ilang buwan at ang buwan ay naging taon. Lumaki na si Aziah, yan ang pangalan ng anak nila. Hands on si Rhian sa pag aalaga sa kanyang anak at sa kanyang asawa dahil gusto niyang damhin ang pagiging isang ina at responsableng asawa. Wala ng mahihiling pa ang mag asawa dahil sobrang blessed na sila sa buhay nila ngayon, kaya naman noong nag limang taon na si Aziah ay nagdesisyon si Rhian na magtatrabaho din siya dahil gusto niyang makatulong kay Glaiza.

Pero bago siya pinayagan ni Glaiza na magtatrabaho ay pinatapos muna niya ang kurso ni Rhian at sa kauna unahang pagkakataon kay Glaiza ginamit ni Rhian ang natutunan niya sa kanyang pag aaral. Gumawa sila ng Music vedio na si Glaiza ang singer at si Rhian naman ang compser at producer. Isang malaking success ang first project nilang iyon kaya naman sunod sunod ang offer na natanggap ni Rhian.
Pero sa kabila ng kasikatan nila sa New York ay may bumabatikos pa din sa kanila sa Pilipinas dahil daw sa hindi naayon sa utos ng Dios ang ginawa nila pero malaki ang pasasalamat ng mag asawa dahil madami silang kaibigan na tv personalities ang nagtatanggol sa kanila.

Si Aziah naman habang lumalaki ay nalilito siya kung bakit dalawa ang Mommy niya at wala siyang Daddy. Noong una ay nahihirapan silang mag asawa na iexplain sa anak nila ang kanilang sitwasyon, pero isang araw habang nasa living room si Aziah at tanging si Glaiza lang ang naiwan sa kanya ay sinubukan niyang kausapin ang kanyang anak at ipinaintindi niya kung bakit ganun ang pamilya nila. Kinakabahan man si Glaiza pero hindi niya ito ipinapakita sa anak niya. Akala niya ay hindi maiintindihan ni Aziah ang paliwanag niya pero laking gulat niya nang bigla nalang itong yumakap sa kanya at sinabing napakaswerte niya sa kanyang mga magulang dahil bukod sa mababait sila ay ramdam niya kung gaano siya kamahal ng mga Mommy niya. Kaya sinabi niya kay Glaiza na kahit ano paman ang sasabihin ng ibang tao sa kanila ay hindi mawawala ang respeto at pagmamahal niya sa mga magulang niya.

Naging emosyonal si Glaiza sa mga sandaling iyon dahil sobrang saya niya sa sinasabi ng anak . Lumaking matalino si Aziah, competitive siya sa paaralan lahat sinasalihan niya kaya naman sa murang edad niya ay tunog na ang pangalan niya sa buong New York. Suportado naman ni Rhian at Glaiza ang bawat desisyon ni Aziah. Pero mas supportive ang lola Clara niya dahil hindi nito pinapalagpas ang bawat event na sinasalihan ng apo. Minsan nga ito ang sumama kay Aziah ng maglaban ang team nila sa Brazil dahil hindi pweding icancel ng mag asawa ang schedule nilang iyon na kapareho ng schedule ng laro ng anak. Naintindihan naman sila ng anak nila pero hiniling nito na pati Nanay at Tatay ni Glaiza ay gusto niyang sumama sa kanila ng lola niya sa Brazil kaya naman walang nagawa ang mag asawa kundi sundin ang kahilingan ng anak nila.

Mahal na mahal ng mga magulang ni Glaiza ang anak nila ni Rhian, para sa kanila isa itong anghel na bumaba mula sa langit kaya ganun nalang ang pag alala nila noong nagkasakit ito. Halos buong angkan ng Galura ang pumunta ng New York para alagaan si Aziah at ganun din si Mommy Clara at Nadine kaya naman nagmistulang family reunion ang nagaganap sa mga panahong iyon.

Ngayon, malaki na si Aziah at dahil sa matalino siya ay nakapasok siya sa Ivy League isang prestigious school kung saan naroroon ang mga matatalino at magagaling na mag aaral. Again nabalita ulit sa Pilipinas ang nagawang iyon ni Aziah pero kahit na ganun ay nanatili parin siyang mapagkumbaba at mabait, hindi nawawala sa kanya ang pagkamagalang at masunurin sa magulang dahil iyon ang laging itinuturo sa kanya ng mga Mommy niya.

Hindi na sinubukan ni Rhian at Glaiza na magkaanak pang muli dahil busy silang pareho sa mga career nila pero kahit na ganun ay hindi parin nila nakalimutang ipadama kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hindi nila nakalimutang magkaroon ng oras para sa pamilya nila dahil para sa kanila mas mahalaga ang pamilya dahil ito ang pinapangarap nilang buohin noon.

Isang araw habang nasa kuwarto ang mag asawa ay biglang tumunog ang cellphone ni Glaiza at tiningnan niya kung sino ang tumawag. Ang kaibigan niya itong deriktor sa Pilipinas kaya naman sinagot niya ang tawag at nalaman niya na gusto daw nito na gawan ng pelikula ang kwento ng buhay nila para ipamulat sa mga tao kung ano ang tunay na pag ibig. Gusto daw nito na ang kwento nila ang magiging daan para maiintindihan ng mga manonood ang maling paniniwala nila tungkol sa lgbt. Matagal bago nagdesisyon si Rhian at Glaiza, tinanong muna nila ang kanilang pamilya kung okay lang ba sa kanila na ipapalabas sa tv ang kwento nilang dalawa. Hindi naman tutol ang mga pamilya nila kaya naman huling tinanong nila ay si Aziah, akala nila ay hindi ito papayag pero dahil nga matalino ang anak nila, pumayag siya at nagrequest na kapag magkaroon ng presscon ang mga magulang niya ay sasama siya sa mga ito dahil gusto niyang ipaalam sa mga ipokritong tao ang magandang resulta ng dalawang babae na nagmamahalan. Gusto daw niyang magsalita na para matapos na ang panghuhusga sa kanyang mga magulang.

Hindi pumayag ang mag asawa dahil para sa kanila ay mas lalo lang magkakagulo kapag ginawa iyon ng anak nila. Pinaintindi nila sa anak na normal lang sa isang katulad nila na babatuhin ng kung anu ano lalo na't sikat silang pareho, di daw dapat pinapatulan ang mga katulad nila dahil nagpapapansin lang ang mga ito. Matagal bago naintindihan iyon ni Aziah kaya naman sa mga panahong iyon ay nagtatampo siya sa kanyang mga magulang sa unang pagkakataon pero naisip niya na tama ang mga magulang niya kaya siya na mismo ang humingi ng tawad sa naging ugali niya. Pinatawad naman siya ng mga magulang niya at pinaintindi ulit ang trabaho nila, kaya normal lang na may mga taong ayaw sa kanila at may mga tao ding tanggap at minamahal sila.

End..

A/N:

In real life Glaiza just finished her studies last Sept.11 , so expect her na lagi niyo na siyang makikita sa tv.

Morning mga labz!!! Thank you so much for sticking up with me until now. Please suportahan ninyo ulit ang ongoing kong story, ang STRANGE LOVE. Again and again maraming maraming salamat sa walang sawang pagvotes, comments and pagbabasa sa mga stories ko. Your votes and comments are really mean a lot to me and I appreciate it so much every time na makikipag usap kayo sa akin. Until here, ingat kayo lagi and God Bless us all.xoxo

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now