T

2.2K 82 9
                                    

"Glaiza right?" Tanong sa akin ng isang magandang babae habang nakatayo ako sa may lobby ng airport.

"Yes, ikaw ba si Bianca?" Tanong ko.

"Yup! So kumusta naman ang byahe mo?" Nakangiti niyang tanong.

"Ayos lang naman." Sagot ko habang nakatitig ako sa kanya.

Maganda si Bianca, maputi at tama lang ang kanyang tangkad. Kung ikukumpara ko sila ni Rhian ay mas maganda para sa akin si Rhian. Syempre mahal ko yon eh. Sabi ko sa isipan ko.

"Done checking on me?" Biglang tanong ni Bianca, bago ko narealise na nakatingin pala ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Namula ako sa hiya.

"Sorry, I didn't mean it." Sabi ko habang nakayuko.

"It's fine. Sanay na ako sa mga ganyang tingin. So shall we go?" Tanong niya.

Tumango lang ako at sinundan ko siya habang nauna siyang maglakad sa akin. Nang marating na namin ang kanyang sasakyan at agad kong inilagay ang aking mga bagahe sa likuran at sumakay ako sa may passenger side.

Nang makapasok na siya ay tiningnan niya ako saka siya ngumiti.

"Hmmm..no wonder kung bakit patay na patay sa'yo ang bestfriend ko." Sabi niya sabay pinaandar ang sasakyan.

Nang nasa daan kami ay panay ang tingin ko sa mga buildings na madadaanan namin. Hindi ako makapaniwala na narating ko ang lugar na ito, kung dati ay hanggang sa panaginip ko lang ito nararating pero heto ako ngayon nandito na ako sa London.

Bigla akong nahinto sa aking pagdaydream nang biglang magsalita si Bianca.

"B..yes kasama ko na siya ngayon. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw ka sa kanya kasi naman dyosa pala itong nahanap mo." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako ng init ng aking mukha nang magtama ang aming paningin ni Bianca, ganito ba talaga ang babaeng ito? Walang preno ang bunganga, reklamo ko sa sarili ko.

Napansin kong ibinigay niya sa akin ang mamahalin niyang cellphone kaya naman nagtataka ako.

"Kakausapin ka raw ni Rhian." Sabi niya.

Kinuha ko ang phone sa kanyang kamay at itinapat ko ito sa aking tainga.

"He..hello Rhian?" Sabi ko.

"Hi, kumusta naman ang byahe mo?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang naman, nakaka-kaba alam mo naman first time ko to eh." Sabi ko.

"Pasensya kana Glai ha kung hindi kita nahatid, may kailangan din kasi akong asikasuhin sa school, but don't worry si Bianca na muna ang bahala sayo diyan, sasamahan ka niya sa school kung saan ka mag eenroll, huwag kang mahiya sa kanya okay?"  Malambing niyang sabi.

Bigla kong namiss si Rhian, gusto ko siyang yakapin ngayon pero may bigla akong naalala kaya nawala agad ang pagkakamiss ko sa kanya.

"Glaiza, are you still there?" Tanong niya.

"Yeah, hmm, Rhi, hi...hindi mo ba ako dadalawin dito?" Tanong ko sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Pupuntahan kita diyan kapag naaayos ko na ang problems ko dito sa school ha? I promise bibisitahin kita, but for now si Bianca na muna ang bahala sayo okay?"sagot niya.

"Okay, I'll understand mag iingat ka diyan ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo okay?" Sabi ko.

"Thanks, don't worry about me, kaya ko ang sarili ko. Ikaw mag iingat ka din diyan basta kung may kailangan ka sabihin mo lang kay Bianca." Sabi niya at pinutol na niya ang tawag.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now