1D

2.1K 90 0
                                    

Paglapag ng eroplanong sinasakyan namin sa NAIA ay  nakaalalay sa akin si Glaiza kasi ang sabi niya nalaman daw ng media na ngayon kami darating.

"Here. Ilagay mo itong hood ng jacket sa ulo mo." Sabi ni Glaiza.

"Bakit di nalang natin sila harapin? Siguro naman it's about time para sabihin sa kanila na we're living together in New York." Sabi ko.

Ngumiti siya.

"Hindi ganun kadali yon. Kapag ginawa mo yon siguradong babatuhin tayo ng mga masasakit na salita at ayokong mangyari yon sayo." Sagot niya.

Kinikilig ako sa mga sandaling ito. Walang ibang iniisip si Glaiza kundi ang kapakanan ko, kaya naman kumapit ako sa braso niya.

"Lets go." Sabi niya habang napapagitnaan kami nila Nadine, Rach at Bianca.

Mabilis ang mga lakad na ginawa namin habang hindi kami nag abalang pansinin sa mga taong nadadaanan naming lima. Dinig na dinig ko na madami ang sumisigaw ng pangalan ni Glaiza at may sumisigaw din ng pangalan ko.

"Famous ba ako dito?" Bulong ko kay G.

Yeah! Kaya bilisan mo ang lakad mo dahil para na akong mabubulag sa mga flash ng camera nila." Sagot niya.

Mas hinigpitan ko ang paghawak sa braso niya hanggang sa marating namin ang sasakyan na sumundo sa amin. Pinasakay agad ako ni Glaiza at dali dali naman siyang sumakay nang makaupo na ako ganun din sina Bianca, Nadine at Rach.

Sakto lang talaga dahil nang maisara na ang pintuan ng sasakyan ay may isang reporter na nakapuslit sa mga guards ng airport at mabilis itong tumakbo patungo sa aming sasakyan.

"Manong tayo na ho, baka kuyugin tayo ng mga taong ito." Sabi ni Nadine.

Agad namang pinaharurut ni Manong driver ang sasakyan.

Habang nasa daan kami ay hindi parin ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay ni Glaiza napansin kong panay ang tingin niya sa kanyang cellphone kaya naman kinuha ko ito.

"Sino ba tong kachat mo bakit mukhang tutok na tutok ka sa phone mo?" Nakasimangot kong tanong.

Nagtinginan naman ang mga kasamahan namin. Kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.

"May hindi ba kami nalalaman tungkol sa inyong dalawa? Tsaka Rhian kahapon lang wala pang ring ah, bakit may ring kana ngayon?" Tanong ni Rach.

"Promise ring to ni Glaiza, nangako siya na hindi niya ako susukuan." Sagot ko.

"Nako! Promise ring pala yan? Paano kapag  wala ng pag asang maalala mo si Glai?" Sagot ni Rach.

Hindi agad ako nakasagot dahil mahigit isang buwan na ang nakalipas mula noong nakalabas ako sa hospital at ang sabi ng doktor ay mahaba lang ang isang buwan na hindi ko siya maalala.

"Hey, okay ka lang ba? Huwag mo ngang pansinin yang mga sinasabi ni Rach sayo. Alam ko malapit mo na akong maalala dahil tutulungan kitang maalala mo akong muli." Sabi ni Glaiza.

"Pero paano nga Glai kung hindi na bumalik ang ala ala ko tungkol sayo?iiwanan mo ba ako?" Malungkot kong tanong.

Ngumiti siya at pinisil niya ang aking kamay.

"Kapag nagkaganun ay huwag mo ng piliting alalahanin ang dating ako. Isipin mo nalang na sa panaginip mo lang ako nakilala noon at mamuhay ka sa ngayon dahil sa panahong ito hindi ka nananaginip." Sagot niya.

Niyakap ko siya.

"Ganyan ka ba sa akin noon kaya minahal kita ng husto?" Tanong ko.

Tumawa naman si Rach.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz