V

2.2K 78 8
                                    

"Good morning!" Nakangiting bati sa akin ni Solen nang madatnan ko siya sa may sala.

"Morning, gising na ba si Bianca?" Tanong ko sa kanya.

"Yup!pero may pinuntahan siya eh. She told me na sasabihin ko nalang daw sayo na umalis siya kapag gising ka na." Sagot niya habang hindi niya inalis sa akin ang kanyang paningin.

"Okay, magtitimpla lang ako ng kape." Paalam ko sa kanya at dali dali akong naglakad patungo sa may kusina.

Habang naglalagay ako ng kape sa aking tasa ay may biglang nagsalita sa aking likuran kaya naman nagulat ako at napalingon ako sa kanya.

"Ano ulit ang sinasabi mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"Ang sabi ko, bakit parang hindi na kayo madalas nagkakausap ni Rhirhi ngayon." Ulit niya sinasabi niya.

"Ahh, yon ba, mukhang busy siya sa school eh. Ako naman busy din sa pag aaral kaya iniintindi ko nalang siya." Sagot ko.

"Kahit na ngayon? Di ba birthday mo ngayon? Happy birthday G..here, sana magustuhan mo." Bati niya sa akin sabay abot ng maliit na regalo.

"Thank you! Paano mo nalaman na kaarawan ko ngayon?" Tanong ko.

"Haha, need mo pa bang malaman kung paano ko nalaman na kaarawan mo today?" Sagot niya sa tanong ko.

"Hindi naman sa ganun. Pero ayos lang kung hindi mo sasabihin sa akin. Salamat ulit dito ha? Nag abala ka pa." Sabi ko sabay ngiti.

"Ano ka ba, syempre special ka sa akin eh." Bigla niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinasabi niya.

Pero agad din naman niya itong binawi.

"In a different way naman G...it's not what you think." Sabi niya habang namumula ang kanyang mukha.

Tumango lang ako.

"Buksan mo, pasensya ka na ha? Yan lang ang nakayanan ko." Sabi niya.

Binuksan ko ito at nakita ko na isa itong necklace na infinity ang pendant at galing ito sa isang sikat na brand dito sa London.

"Ang mahal nito ah, nakakahiya naman sayo." Nahihiya kong sabi.

"Ano ka ba, di ba sabi ko sayo special ka para sa akin. Huwag ka nang mahiya." Sagot niya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya ulit.

Pero hindi ako nakasagot dahil pagtingin ko sa likuran ni Solen ay nakita ko si Rhian na hindi maipinta ang mukha. Kaya naman agad kong binitawan ang hawak kong regalo na siya namang ikinagulat ni Sos.

"Rhian? Kailan ka pa dumating?" Tanong ko habang malakas ang kabog ng aking dibdib.

Pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hinarap niya si Solen.

"Sos, bakit nandito ka?" Mataray niyang tanong.

Ngumiti naman si Solen na para bang hindi siya natatakot sa ekspresyon ng mukha ni Rhian.

"Ano ka ba Rhirhi get over it, hanggang ngayon ba hindi ka pa din nakakalimot?" Sabi ni Solen.

Pero sa halip na sagutin siya ni Rhian ay naglakad patungo sa akin si Rhian at siniil ako ng halik sa labi.

"Happy birthday love, namiss kita sobra." Sabi niya habang niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sobrang namiss din kita love." Sagot ko at hinalikan ko siya sa labi. This time matagal kong binitawan ang kanyang mga labi. Ang sarap sa pakiramdam nang magtagpong muli ang aming mga labi, dito ko napatunayan na sobrang mahal ko ang babeng ito.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now