S

2.2K 81 3
                                    

Naaawa ako nang makita ko ang reaksyon ni Glaiza nang sabihin sa kanya ni David na fiancee niya ako. Nakikita ko kung paano lumungkot ang kanyang mukha.

"Ano ba ang ginagawa mo?" Galit kong tanong kay David.

Nagkibit balikat lang siya. Nandito kami ngayon sa may balcony inilayo ko siya kay Glai dahil baka ano pa ang kwentong iembentuhin niya kung patuloy niyang kaharap si Glaiza.

"Di mo dapat sinabi yon. Alam mong tapos na tayo David." Sabi ko.

"Alam ko naman yon. Bakit Rhi? Kayo diba tapos na din kayong dalawa? Bakit galit na galit ka ngayon?" Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

"Pinutol ko lang ang sa amin David pero hindi ko pa tinapos yon dahil gusto kong magtagumpay siya sa pangarap niya." Sagot ko.

"Kahit ano pang sasabihin mo hindi ko na babawiin pa ang sinasabi ko sa kanya. Isa pa kung talagang mahal ka niya ipaglalaban ka niya sa akin, yan kung may lakas ng loob siyang gawin yon." Sagot niya habang nakangiti.

"Next time huwag mo akong pangunahan sa mga plano ko. Baka nakalimutan mo pinagbigyan lang kitang lapitan ako dahil kay Mom, kaya huwag mo masyadong ifeel na okay na tayo." Sagot ko.

Hindi siya sumagot.

Hanggang sa narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Rhi, mahal pa din kita, kahit na alam kong hindi mo na ako mahal pero ikaw? Ikaw pa din ang laman nitong puso ko." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

"David, akala ko ba malinaw na sayo ang lahat? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na hanggang magkaibigan nalang tayong dalawa? Please huwag mong gawing komplikado ang lahat David dahil alam mo na ang mangyayari kapag pinilit mo pa ang gusto mo." Sabi ko sa kanya.

"I'll have to go Rhi." Bigla niyang sabi habang hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi ko na siya hinatid sa labas dahil naiinis ako sa kanya. Kaya naman nagstay muna ako dito sa balcony baka sakaling pupunta dito ngayon si Glaiza. Pero lumipas nalang ang isang oras ay walang Glaiza ang dumating kaya naglakad ako pabalik sa loob ng bahay at pagdating ko sa sala ay pansin kong tahimik na ang loob. Siguro natutulog na siya kaya pumasok nalang ako sa aking kuwarto at nagpunas para matulog.

Kinaumagahan ay late na akong nagising, dali dali akong bumangon para  pumunta sa kitchen pero pagdating ko dun ay may nakahanda ng pagkain, at may note na nakalagay sa fridge. Note iyon galing kay Glaiza na nagsasabing pumasok siya ng maaga sa trabaho. Tiningan ko ang wall clock masyado pang maaga para sa shift niya kaya naman naiisip ko na baka iniiwasan niya ako.

Bigla akong nalungkot, iniiwasan niya ba ako dahil ss mga pinagsasabi ni David kagabi? No! Sana nagkataon lang na maaga talaga ang shift niya. Masaya kong kinain ang mga pagkaing inihanda niya. Infairness masarap magluto si Glaiza.

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nilinis ko ang buong bahay. Nasa mood ako ngayon na gumalaw kasi ramdam ko na para akong asawa ni Glai na pinagluluto niya. Mamaya ako naman ang maghahanda ng pagkain para sa aming dalawa. Ang saya saya pala ng ganito noh? Yung tipong inaalagaan ninyo ang isa't isa. Sana ganito nalang kami palagi sana wala nag hahadlang sa aming dalawa.

Gabi na at hindi ko namalayan ang oras dahil busy ako sa pagluluto nang marining kong may kumatok sa pintuan. Naglakad ako at binuksan ko ang pinto at nakita ko si Glaiza na parang namamaga ang kanyang mga mata. Ibinigay niya ang kapeng dala niya sa akin.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, medyo pagod lang ako sa work." Sagot niya habang iniwas niya ang kanyang tingin sa akin.

"Magbihis kana, dahil kakain na tayo ihahanda ko lang ang mesa." Sabi ko.

"Okay." Sagot niya at iniwan na niya ako.

Nakakapanibago yata ang mga kilos ni Glaiza ngayon. Galit ba siya sa akin? Bakit parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin? Ano kaya ang problema niya. Ang daming nabuong tanong sa isipan ko pero hindi ko na muna yon iisipin pa ngayon.

Tapos ko ng nainhanda ang mesa pero wala pa si Glaiza kaya naman nagtungo ako sa kuwarto niya at kinatok ko ito.

"Glai, kakain na tayo matagal ka pa ba diyan?" Tanong ko.

Matagal bago siya nagsalita.

"Okay Rhi, lalabas na ako." Sagot niya.

"Mauna na ako sayo." Sabi ko.

"Sige." Tanging sagot niya.

Naglakad ako pabalik sa kitchen at hinintay ko siya.

Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya at magang maga ang kanyang mga mata.

"Glai, may problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman Rhi." Sagot niya habang nakayuko.

"Okay, kain na tayo." Sabi ko.

Tahimik kaming kumain hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Rhi, tungkol nga pala sa inooffer mo sa akin. Napag isipan kong tatanggapin ko iyon basta ba may trabaho pa din ako." Sabi niya.

Ikinibigla ko ang naging pahayag niya. Hindi ko inaasahan na ganito kaaga niya tatanggapin ang inioffer ko sa kanya.

"Sure, tatawagan ko si Bianca para ipasok ka sa shop niya. Sigurado ka na ba sa naging desisyon mo?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

"Sa...sa London ka pala mag aaral dahil doon ang may magandang paaralan sa music." Sabi ko.

Nabigla siya at nakatingin siya sa akin.

"Lo..London? Diba mahal ang mga paaralan doon?" Tanong niya.

"Huwag mo ng isipin yon, ang mahalaga ay pagbutihin mo ang pag aaral mo doon." Sabi ko.

"Paano ka dito?" Tanong niya.

"Huwag mo na akong iisipin kaya ko naman ang sarili ko, isa pa nandito naman si David eh hindi niya ako pababayaan." Sabi ko.

"Oo nga pala nandito naman pala ang fiancee mo." Sagot niya na maluha luha ang mata.

"Glaiza, mangako ka sa akin na hindi mo ako makakalimutan ha?" Sabi ko.

Tininingnan niya ako.

"Kahit kailan hinding hindi kita makakalimutan Rhi." Sagot niya.

Tumayo ako at niyakap ko siya, dito na bumuhos ang kanyang emosyon. Humagulhol siya ng iyak kaya naman pati ako ay naiyak na din. Bakit ramdam kong sobrang nasasaktan si Glaiza ngayon. Ako ba ang dahilan kung bakit maga ang mga mata niya? May kinalaman ba ang ang pangyayari noong nakaraang gabi sa biglaang desisyon niya ngayon? Paano kung kaya niya tinanggap ang offer ko para makaiwas sa akin? Ang sakit pero wala akong magagawa dahil noong una ito na ang gusto kong mangyari. Gusto kong matupad muna niya ang mga pangarap niya bago niya iisipin ang tungkol sa amin.

Tama ba ang naging desisyon kong ito? Paano kapag makakita si Glaiza ng mamahalin niya doon? Makakaya ko bang tanggapin ito pagdating ng panahon? Naguhuluhan ako bigla, parang gusto ko ng pigilan si Glaiza pero ayokong maging selfish. Bahala na ang tadhanang magdesisyon para sa aming dalawa. Kung may papalit man sa akin sa puso ni Glaiza ay tatanggapin ko nalang ito kahit na masakit dahil sobrang mahal ko siya kaya gusto kong suportahan ang kaligayahan niya kahit na hindi na ako parte nito.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora