K

2.3K 76 8
                                    

Ilang araw na akong nandito sa Pilipinas pero walang nakakaalam na nandito na ako. Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin o kung paano ko makikita si Glaiza para makapag usap kami ng maayos. Hanggang sa naisipan kong puntahan si Chynna. Siguro naman may alam siya kung saan ko pweding makita si Glai.

Nasa harapan na ako ng coffee shop na pag aari ni Chynna at Glaiza.Dali dali akong bumaba sa taxi na sinasakyan ko at naglakad ako papasok sa loob ng shop. Agad kong nakita ang taong hinahanap ko kaya naman nilapitan ko siya at natatawa ako sa naging reaksyon niya nang makita niya ako.

"Rhi..Rhian?!" Halos pasigaw niyang sabi.

"Surprise!" Sagot ko.

Nakita ko namang biglang nag iba ang hitsura ng kanyang mukha. Kung kanina ay nabigla siya ngayon naman ay napalitan ito ng lungkot at pag aalala.

"Rhian, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang may tinitingnan siya sa computer.

"Relax, I heard ikakasal na si Glaiza so umuwi ako." Deretsahan kong sagot.

"Rhian, please irespeto mo nalang ang naging desisyon niya. I think mas mabuti sana kung hindi ka nalang umuwi." Sabi niya.

Medyo naiinis ako dahil kulang nalang na ipagtabuyan ako ni Chynna palabas ng shop.

"Ouch! Hindi pala ako invited sa kasal ng girlfriend ko?" Sabi ko.

"Ex-girlfriend Rhian." Pagtatama niya.

Tumaas ang aking kilay.

"Say it again?." Sabi ko.

"Ex- diba hiwalay na kayo? So why are you here? Kung balak mong guluhin muli ang buhay niya please ako na ang nakikiusap sayo lubayan mo na si Glaiza." Sabi niya.

Tinignan ko siya deretso sa kanyang mga mata.

"Ex-girlfriend? Yan ba ang sabi sayo ni Glaiza?." Tanong ko.

Tumango siya.

"Bakit? Hindi ba yon totoo?" Tanong niya.

Ngumiti ako para itago ang sakit na naramdaman ko sa mga oras na ito.

"Look Chynna, hindi ako nagpunta dito para guluhin siya. Gusto ko lang masaksihan ang kasal ng taong minsan nang naging bahagi sa buhay ko." Sabi ko.

"Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo  Rhian. Kalimutan mo nalang na minsan sa buhay mo ay may Glaiza kang nakilala, dahil kahit kailan hindi talaga kayo pwedi. Madaming tao ang tututol kapag ipagpilitan ninyo ang gusto ninyo." Sabi niya.

"Relax, diba sabi ko sayo, hindi ako pumunta dito para manggulo. Please tell me kung saan gaganapin ang kasal niya." Paki usap ko.

"Sorry Rhian pero hindi ko sasabihin sayo. Kamuhian mo na ako pero wala kang makukuhang sagot mula sa akin." Malungkot na sabi ni Chynna.

Bumuntong hininga muna ako bago ako naglakad papalayo sa kanya.

Ilang hakbang pa ang nalakad ko nang tawagin niya ako.

"Rhian wait!" Tawag niya.

Paglingon ko ay may iniabot siyang papel sa akin.

"Please mangako ka na hindi ka mangugulo alang alang kay Glaiza." Sabi niya.

Tumango ako at ngumiti ng mapait.

"Salamat Chynna." Sabi ko.

Niyakap niya ako pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang ginagawa.

Nasa labas na ako ng shop at nag aabang ng taxi nang may biglang humintong sasakyan sa harapan ko.

"Rhian?" Tawag ni Rachel.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now