R

2.2K 80 5
                                    

Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos na makipaghiwalay ni Rhian sa akin. Akala ko umuwi siya para magkaayos kami yon pala umuwi siya para tapusin ang lahat sa amin at ang masakit pa, araw araw ko siyang makikita dahil hindi siya pumayag na maghanap ako ng bahay na mauupahan. Para sa akin isa itong torture pero kung ito lang ang tanging paraan para makuha kong muli ang loob niya ay titiisin ko.

Unang araw ko ngayon na magtatrabaho dito sa isang coffe shop na malapit lang sa lugar namin  ni Rhian nakakatawang isipin dahil doon sa Pilipinas ako ang may ari ng coffee shop habang dito sa New York isa akong empleyado.

Nang matapos na ang shift ko ay agad akong umuwi sa bahay. Naglakad nalang ako dahil malapit lang naman ito pero bumili muna ako ng favorite coffee ni Rhian para naman may pasalubong ako sa kanya. Hindi ko na muna iniisip na kunin agad agad ang loob niya kasi ayokong magkamali na naman baka masaktan ulit ako. Sa akin lang ngayon ay aalagaan ko siya dahil mahalaga siya sa akin. Nasa tapat na ako ng pintuan ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Rhian na nakatayo sa harapan ko.

"Thanks God at nandito ka na. Akala ko kung ano ng nangyari sayo kasi dapat kanina ka pa umuwi eh." Sabi niya na halatang nag aalala.

Ngumti ako sa kanya.

"Pasensya na bumili pa kasi ako nito eh medyo madami kasing customer kaya natagalan ako." Sagot ko habang inabot ko sa kanya ang kape.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Wow! Favorite coffee ko to ah, thanks Glai nag abala ka pa. Baka naman mauubos yang sahod mo dahil dito." Sagot niya habang naglakad siya pabalik ng sala.

Sumunod naman ako at umupo di kalayuan sa kanya habang pinagmasdan siyang humihigop sa kapeng dala ko.

"Glai, gusto mo ba talagang magtrabaho? Hindi mo ba icoconsider yung offer ko sayo?" Tanong niya.

Bumuntong hininga ako.

"Rhi, gusto ko kasing mag ipon muna para na rin makakatulong ako sa pamilya ko sa Pilipinas. Si Alcris kasi gustong mag aral eh kaya need ko munang isantabi ang sarili kong pangarap." Sagot ko.

"Pwedi ka naman mag aral habang nagtatrabaho eh. Pwedi kitang ipasok dun sa flowershop ng kaibigan ko." Sagot niya.

Nakatingin ako sa kanya.

"Pag iisipan ko Rhi. Ayoko din kasing maging pabigat sayo." Sagot ko.

"Okay, aasahan ko na sana tatanggapin mo ang offer ko. Siya nga pala malapit ng magstart ang klase ko kaya baka gabihin na akong umuwi." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Gusto mo ba susunduin kita after work?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"You don't have to do that may susundo na sa akin eh. Medyo malayo layo din kasi yung school na papasukan ko dito kaya need ko ng sasakyan." Sagot niya.

Tumango lang ako. Tama nga naman pwedi naman siyang maghanap ng tsuper dito sa sobrang yaman niya kaya niya lahat bilhin o abutin kung ano man ang gusto niya.

"So Glai, baka gutom ka na. Halika kain na tayo. Thanks nga pala dito sa coffee ha." Sabi niya sabay tayo at naglakad patungong kitchen.

"Magbibihis lang ako." Sagot ko at pumasok ako sa kabilang kuwarto.

Simula noong tinapos na namin kung ano man ang meron kami ni Rhian ay sa kabilang room na ako natutulog. Aaminin ko nakakapanibago ang ganitong sitwasyon lalo pa't nakasanayan ko na lagi kaming magkatabi.

Nang matapos na akong makapagbihis ay lumabas ako sa kuwarto at nagtungo sa kitchen. Pagadating ko ay nakita ko nang nakaset na ang table at hindi ako makapaniwala na kahit laki sa yaman siya ay marunong siyang magluto.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora