1I

2K 81 7
                                    

Natapos na din ang mga kailangan naming tapusin ni Rhian. May venue na sa kasal namin at nasa 50 to 60 guests lang ang expected namin na dumalo mas maliit ang mga guests mas solemn ang kasal. Masaya ako dahil dininig ng Diyos ang dasal ko na sana bago kami maikasal ay maalala na akong tuluyan ni Rhian and nangyari nga yon. Dahil two days ago ay bigla nalang siyang nagising sa kanyang mahimbing na pagtulog habang umiiyak siya, because she finally remembered me, naalala na niya lahat ng mga pangyayari at mga tao na hindi niya maalala. Masasabi kong sobrang blessed na ako dahil lahat ng dasal ko ay natutupad ng paunti unti.

Habang busy ako sa paggawa ng kanta ay lumapit si Rhian sa akin.

"Love, sigurado ka ba na dadating yung kabanda mo sa kasal natin? Baka naman wala sila ha?" Tanong niya.

Ngumiti ako.

"Darating sila love. Kaya relax ka lang ayokong mastress ka." Sagot ko.

"Alam mo may utang ka pa sa akin eh." Sabi niya.

Kumunot ang aking noo.

"Anong utang na pinagsasabi mo?" Tanong ko.

Namumula ang kanyang mga pisngi habang nakatitig siya sa mga mata ko.

"Alam mo na yun, hindi naman gagana ang relationship kung puro love and care lang di ba? May needs din ako love." Sagot niya.

Nagets ko kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naman ngumti ako.

"After sa kasal natin. I'll assure you na hindi kita patutulugin sa bawat gabing darating na hindi ko nasisid yang island mo na yan." Sagot ko habang nakangiti.

Hinampas niya ako sa aking balikat.

"Baliw ka talaga, para naman akong lantang gulay niyan kapag nagkataon." Nakasimangot niyang sagot.

"Eh, sabi mo kasi may utang ako diba? So babayaran ko yun gabi gabi pagkatapos ng kasal natin." Sagot ko.

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan." Sabi niya habang iniwan niya ako at pumasok siya sa kuwarto namin.

Napailing nalang ako dahil sa ginawa ni Rhian. Oo alam ko na matagal ko ng hindi nadadalaw ang hideout ko na yon kasi naman sobrang busy namin pareho eh. Inilapag ko ang mga papel na hinahawakan ko at sinundan ko siya sa loob.

Nakita ko siyang nagbabasa ng libro kaya naman lumapit ako.

"Love, huwag ka ng magtampo." Bulong ko sa kanya habang hinahalikan ko ang kanyang batok.

Hindi siya sumagot pero ramdam ko na tumatayo ang kanyang mga balahibo sa batok.

"Stop it Glai, wala na ako sa mood." Sagot niya.

Hinarap ko siya at hinalikan ko sa labi.

"Kaya mahal na mahal kita eh, kasi napaka moody mo. Kanina lang okay tayo, tapos ngayon ayan nakasimangot ka na." Sagot ko.

"Masisisi mo ba ako? Minsan lang nga ako magrequest di mo pa mapagbigyan." Nakasimangot niyang sagot.

"After the wedding nga, di mo na ba maaantay yon?" Sagot ko.

"Ewan ko sayo, ipagtimpla mo nalang ako ng coffee please." Pacute niyang sabi.

Tumawa ako.

"Ay sus!! Gusto lang naman palang magpatimpla ng kape eh, kung anu ano pa ang sinasabi." Sagot ko habang tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto.

Naglakad ako patungo sa kitchen nang biglang tumunog ang cellphone ni Rhian na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Tiningnan ko kung sino ang tumawag pero numero lang ito kaya naman sinagot ko ang tawag na yon.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now