J

2.3K 83 2
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas simula noong bumalik si Glaiza sa Pilipinas, pero ni isang tawag o text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Sobrang nag alala na ako baka kung napaano na siya. Pero hindi naman siguro siya sasaktan ng kanyang pamilya dahil kahit na ganun si Glaiza ay pamilya pa din nila ito. Pinilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil ayokong magpadala sa mga iniisip ko. Babalik siya, nangako siya sa akin kaya alam kong tutuparin niya ito.

Para na akong mababaliw sa sobrang pag iisip ko sa kanya kaya naman naisipan kong magpalamig lang sandali sa labas. Nagtungo ako sa bar na malapit sa place ko, ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ko sandali ang pag iisip ko sa kanya.

Habang papasok ako sa bar ay naaalala ko nanaman ang nangyayari sa amin noon. Noong unang beses ko siyang nahalikan. Bumuntong hininga ako, kahit saan ako magpunta ay nakasunod pa din sa akin ang alala niya. Kaya naman nag order ako ng tequila, nakailang shot na ako at ramdam kong tinamaan na ako ng alcohol dahil unti unti ng umiikot ang aking paligid. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kaya, kaya naman umupo nalang muna ako.

"Miss are you okay?" Tanong ng bartender.

"Yeah, I'm fine." Sagot ko.

Pero tila hindi siya kumbinsido sa aking sagot kaya lumapit siya sa akin.

Hahawakan na sana niya ako nang may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Don't you dare touch her." Sabi ng isang boses lalaki.

"Excuse me? Who are you?" Tanong ng bartender.

"I'm her fiancee so don't you fucking touch her." Sabi nang lalaki.

Nilingon ko kung sino ang sira ulong nang akin sa akin na fiancee niya ako at hindi ko inaasahan ang taong makikita ko.

"David?" Tanging nasabi ko.

Pero hindi siya sumagot sa halip ay naglakad siya papalapit sa akin.

"You're drunk. Lets go I'll drive you home." Sabi niya habang hinahawakan niya ang aking kamay.

"Don't touch me." Sabi ko.

Kita kong nabigla siya pero agad din itong napalitan ng inis.

"You'll go with me sa ayaw at sa gusto mo." Bulong niya sa akin.

Nakita ko namang papalapit na sa kinaroroonan namin ang isang bouncer kaya naman sumama na ako sa kanya dahil ayokong magkagulo.

Mabilis ang mga lakad ni David at ramdam kong inis siya sa akin. Nang makalabas kami ay dinala niya ako isang sasakyan at binuksan niya ang passenger side.

"Pasok!" Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Habang nasa loob ako ay dali dali naman siyang nagtungo sa kabilang side. Pagkapasok niya ay pinaandar niya ang sasakyan.

"Hey, bakit ka ba nandito? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko na pabuhol.

"Don't asks too many questions Rhian." Tanging sagot niya.

Hindi na ako umimik.

Si David ang ex-boyfriend ko pero bago pa naging kami ay magkaibigan na kaming dalawa since bata pa kami. Hindi nagwork ang relationship namin dahil pareho kaming may pangarap at wala ni isa sa amin ang gustong magparaya kaya we decided to break up. But we remain friends. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit nandito siya sa New York dahil ang alam ko ay nasa Korea siya.

"David why are you here? Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng mapang asar.

"If its not your mother who called me, hindi kita pupuntahan dito. Why drowning yourself to alcohol? Dahil ba sa hindi na bumalik ang girlfriend mo?" Sagot niya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now