1G

1.8K 82 24
                                    

Mahimbing ang tulog ni Glaiza kaya naman dahan dahan akong bumangon para hindi ko siya magising. Nang makatayo na ako ay pinagmasdan kong mabuti ang hitsura niya. Alam ko nakikita ko na ang mukha niya sa mga panaginip ko kaya naman lumapit ako at hinalikan ko siya sa noo.

"I love you so much G. Salamat at sa pangalawang pagkakataon ay naging bahagi ka pa din ng buhay ko." Bulong ko sa kanya.

Tatayo na sana ako para magpunta sa banyo pero may nahagip ang aking mga mata na isang envelop na nakalagay kasabay sa mga ginawa niyang kanta. Kinuha ko ito at binuksan.

Isa itong medical result, binasa kong mabuti kung ano ang nakasaad sa papel.

"Rhi...Rhian?!!" Gulat na gulat na tawag ni Glaiza sa akin nang makita niya ang hinahawakan ko.

"I..I can explain.." pautal niyang sabi.

"Alam ko isang buwan nalang at ikakasal na tayo, but believe me may balak naman talaga akong sabihin sayo ang tungkol diyan, naghahanap lang ako ng timing at nag iipon lang ako ng lakas ng loob para masabi ko sayo lahat pero naunahan mo na ako eh. Please don't hate me." Sabi niya habang lumuhod siya sa harapan ko.

Nalilito ako sa pinagsasabi ni Glaiza.

"What are you talking about tumayo ka nga diyan?" Lito kong tanong habang inalalayan ko siyang tumayo.

Niyakap niya ako mula sa aking likuran.

"I know masyadong selfish ang naging desisyon ko pero ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ay tama. Ayokong makita ka na nalulungkot dahil diyan, gusto kong sulitin ang bawat araw na masaya habang kasama kita." Sabi niya.

"Pero Glai..." hindi na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.

"Rhian, magpapakasal tayo, bubuo tayo ng pamilya natin para naman hindi ka malulungkot kapag umalis na ako." Sabi niya.

Tumaas ang aking kilay sa huling salitang binanggit niya.

"Aalis ka? Magpapakasal ka sakin, bubuo ng pamilya na kasama ako tapos iiwanan mo ako ganun??" Inis kong tanong.

"Hindi ko naman gusto na iwanan ka eh. Pero wala akong choice Rhian." Sabi niya habang nakatitig siya sa aking mga mata.

"Bakit mo pa ako papakasalan kung aalis ka rin lang naman." Sabi ko.

Bumuntong hininga siya at kinuha niya sa akin ang papel na hawak ko.

"Hindi mo ba nabasa ang laman nito? Ito yung dahilan kung bakit ako mawawala sayo, ayokong iwanan ka pero wala na akong magagawa because of this." Sabi niya.

Lalo akong nalilito sa mga pinagsasabi niya ngayon.

"Glaiza, alam mo ba yang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

Tumango siya at inilapag niya sa kama ang papel.

"Masakit para sa akin nang nalaman ko ang nakalagay diyan pero who am I to complain? Kung ito talaga ang nakalaan para sa akin. Yes! I cried in silent for how many nights dahil ayokong makita mo akong mahina. Pero I know hindi ko na mababago ang kapalaran ko kaya tinanggap ko ito ng bukal sa kalooban at nagdesisyon ako na gamitin ko ang natitirang araw para maging masaya atleast kapag na dumating na ang panahon na kukunin ng ako ng Panginoon ay masasayang ala ala ang babaunin ko." Sabi niya.

Hindi ko alam kung maiinis, maaawa o matatawa ako sa mga naririnig ko ngayon. Ganito ba katanga ang magiging mapangasawa ko? Tanong ko sa aking sarili.

"Glaiza? Anong pinagsasabi mo na kukunin ka ng Panginoon dahil ba sa nakasaad dito sa papel na ito?" Tanong ko.

Tumango siya.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now