1F

1.8K 69 14
                                    

Excited na ako sa araw na ito dahil unang beses na magtipon tipon ang pamilya ko at ang pamilya ni Glaiza. Ang alam lang nila Mommy at Daddy ay simpleng family dinner lang ang magaganap pero sa gabing ito ay ipapaalam ko sa kanila ang plano naming pagpapakasal ni Glaiza. And speaking of Glaiza kanina ko pa siya hinintay na dumating pero wala pa siya, hindi ko din makontak ang kanyang number  kaya naman pumasok ulit ako sa kuwarto upang tingnan muli ang aking sarili sa salamin. Gusto ko maganda ako sa paningin ni G kaya paulit ulit kong tiningnan ang sarili sa salamin.

Isang sulyap pa at may kumakatok na sa aking pintuan.

"Sandali lang." Sabi ko sabay lakad patungo sa pinto.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang napakagandang nilalang. Sobrang hot ni Glaiza ngayon kahit na hindi naman ganun ka revealing ang suot niya. Ngumiti siya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa labi.

"Bakit parang natulala ka diyan?" Nakangiti niyang tanong.

Heto na naman ang mga ngiti niyang mapang akit.

"Paanong hindi ako matulala eh, kaharap ko ngayon ang isang anghel na bumaba mula sa langit." Sagot ko.

"Nakz naman! Bumalik na talaga ang tunay na Rhian." Sagot niya.

Tumawa ako ng mahina.

"Akala ko ikaw yung matutulala kapag nakita ako pero baliktad eh." Sagot ko.

Tumawa din siya ng mahina.

"Lets go na nga baka saan pa mapunta ang usapang ito." Sabi niya habang inalalayan niya akong maglakad.

Habang naglakad kami patungo sa may harden kung saan naroroon ang aming selected guest at kapamilya ay panay ang sulyap ko kay Glaiza. Hinahatak talaga ang mga mata ko na tumingin sa kanyang mga labi at alam ko napansin niya ito.

"Rhian, tigilan mo nga yan, hindi ako makakilos ng maayos dahil diyan sa mga tingin mo na yan eh." Reklamo niya.

"Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko Glai." Sagot ko.

"Pigilan mo muna yan, mamaya na yan kapag tayo nalang dalawa." Sabi niya.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sinabayan niya ng kindat ang pagkakasabi niyang iyon.

Nasa harapan na kami ngayon ng aming mga bisita kaya naman inayos ko ang sarili ko.

Lumapit si Bianca sa amin upang ipaalam na nandito na ang lahat ng bisitang inexpect namin kaya naman kinuha ko ang mic at nagsimula akong magsalita.

"Sa lahat ng nandito ngayon, sa pamilya ko, sa pamilya ni Glaiza. Mga kaibigan ko at kaibigan din ni Glai, taos puso kaming nagpapasalamat dahil pinaunlakan ninyo ang aming imbetasyon. Sa gabing ito, gusto naming ipaalam sa inyo ang nalalapit naming kasal." Sabi ko.

Nakita ko naman na nagugulat ang mga bisita kaya naman kinuha ni Glaiza ang mic mula sa kamay ko.

"Tama po ang naririnig ninyo. Me and Rhian are getting married soon. At dahil malapit kayo sa mga puso namin masaya namin itong ibinahagi sa inyo sa gabing ito. Sana ay hindi magbabago ang pakikitungo ninyo sa amin pagkatapos ng inyung natuklasan." Sabi ni Glaiza.

Tumayo si Nadine at lumapit siya sa amin.

"Oh my God! You guys finally made it. I'm so happy to both of you. Asahan ninyo na hindi pa din magababago ang pagtingin ko sa inyo. Ikaw parin ang little sister ko Whiwhi and ikaw pa din ang Glaiza na kilala ko G. Congratulation guys" Sabi ni Nadine.

Niyakap namin si Nadine.

"Thank you Nadine, alam ko naman na lagi lang nakasuporta sa akin eh. I love you." Sabi ko.

Ngumiti siya at tumingin siya kay Glaiza.

"You take care of my sister okay? Alam ko hindi mo siya sasaktan." Sabi ni Nadine kay Glaiza.

Tumango at ngumiti naman si G.

"Makakaasa ka Nadine. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin dito sa kapatid mo." Sagot ni Glaiza.

Pagkatapos ni Nadine ay tumayo at lumapit sa amin si Mommy at Daddy.

"Wow! Nasurpresa kami ng Daddy mo hija. Ang buong akala namin ay simpleng family dinner lang ito." Sabi ni Mom habang niyakap at hinalikan niya akomsa aking pisngi.

"Sorry Mom kung hindi namin ito nasabi sa inyo. Alam ko naman kasi na hindi ka tututol sa aming dalawa kaya hindi na muna namin ito pinaalam sa inyo." Sagot ko.

"I understand. Basta kung kanino ka sasaya asahan mong susuporthan kita anak." Sabi ni Mom.

Tiningnan ko si Daddy.

"Well, I expected this to happen but not this soon." Sabi ni Dad.

"Tito we're really sorry if biglaan po. Gusto na po kasi namin ni Rhian na bumuo ng sarili naming pamilya eh." Sagot ni Glaiza.

"Sino ba naman ako para tumutol. Basta Glaiza mangako ka sa akin na hinding hindi mo sasaktan ang anak ko, dahil kapag ginawa mo yon ay babawiin ko siya sayo at hinding hindi mo na siya makikita." Sabi ni Dad.

Tumango si Glaiza.

"Pangako po Tito, makakaasa po kayo na hindi ko sasaktan ang anak ninyo." Sagot ni Glaiza.

Ngumiti si Dad.

"Kung ganun eh, wala na tayong problema basta lagi ninyong tatandaan na kapag may problema kayo pag usapan agad ninyo ito para hindi na ito lumala pa. Maging totoo kayo sa isa't isa, malinaw ba yun Glaiza? Rhian?" Tanong ni Dad sa amin.

"Yes po tito." Sagot ni Glaiza.

"Yes Dad." Sagot ko.

At muli ay niyakap niya kaming dalawa.

"Ikakasal na ang baby ko; tandaan mo hija kahit na may mga anak ka na mananatili ka pa ding baby para sa akin." Bulong ni Daddy.

Natawa naman kaming pareho ni Glaiza sa sinasabing iyon ni Dad.

Pagkatapos kaming batiin ng mga pamilya namin ay sumunod naman ang mga kaibigan ni Glaiza. Nakapagtataka lang na sa lahat ng kaibigan niya ay si Chynna lang ang hindi dumalo.

"Glai, bakit wala si Chynna?" Tanong ko.

"May importante silang lakad ng boyfriend niya." Sagot niya.

Tumango lang ako dahil pakiramdam ko ay hindi nagsasabi ng totoo si Glaiza sa akin. Pero ayokong masira ang gabing ito dahil lang sa hinala kong wala namang basehan kaya winaglit ko sa isipan ko ang iniisip kong iyon.

Lumapit si Bianca sa akin at ibinigay niya ang kanyang cellphone.

"Si Sos, gusto ka lang batiin." Sabi niya.

Kinuha ko ang phone at itinapat ko ang front cam sa mukha naming dalawa ni Glaiza.

"Congrats Rhian and congrats Glaiza. Masaya ako para sa inyong dalawa." Masayang bati ni Sos.

Kinuha ni G ang phone at masaya siyang sumagot kay Sos. Nakaramdam ako ng konting selos sa mga sandaling ito pero pinigilan ko ang aking sarili dahil alam ko na mahal ako ni Glaiza.

"Sos, sana makadalo kansa kasal namin ni Rhian. Aasa ako na hindi mo ako bibiguin." Sabi ni Glai.

Ngumiti naman si Solen na ubod ng tamis.

"Asahan mo hindi ako mawawala sa araw na yon kahit na iyon ang dudurog sa puso ko." Nakatawang sagot ni Sos.

Binawi ko ang cellphone kay Glaiza.

"Solen, tanggapin mo nalang na ako ang mahal niya." Sagot ko.

Tumawa siya ng malakas.

"Relax Rhirhi. Ikakasal na din ako kaya sayong sayo na si Glaiza, inaasar lang talaga kita." Sagot niya.

"Oh awat na, ikaw talaga Sos loko loko ka talaga napakalayo mo na nga pero hindi pa din nakakaligtas sa pang aasar mo si Rhian." Sabi ni Bianca habang kinuha niya ang kanyang cellphone.

Hinawakan naman ni Glaiza ang aking kamay.

"I love you. At ikaw lang ang mahal ko kaya huwag ka na ngang sumimangot diyan, gabi natin ito kaya dapat lang na maging masaya tayo." Bulong niya habang hinalikan niya ako sa labi.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now