F

3.5K 138 25
                                    

"Glaiza I'm here." Tawag ko kay Glaiza nang makita ko siyang nakalabas na sa airport.

Nag aalangan pa siyang lapitan ako kaya naman ako na ang lumapit sa kanya.

"Hi, kumusta naman ang byahe mo?" Tanong ko habang tinutulungan ko siyang dalhin ang iilan niyang mga gamit.

"Mabuti naman, medyo nakakapagod din pala yung ilang oras kang nasa himpapawid." Nakangiti niyang sabi.

Masaya ako dahil kinausap na niya ako. Ang akala ko kasi ay hindi niya ako kikibuin oras na magkaharap kami.

"Halika, nandun ang sasakyan ko." Sabi ko.sabay turo sa kanya sa pinaparadahan ng aking sasakyan.

Nauna akong naglakad sa kanya. Nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko kaya naman nilingon ko siya.

"Yes? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko.

"Ah, wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sayo. Kung hindi dahil sa iyo hindi ako makarating dito." Nahihiya niyang sabi.

"Ano ka ba, akala ko naman kung ano na yung sasabihin mo eh. Huwag ka ngang magpasalamat sa akin. Isipin mo nalang nagbabayad ako ng utang ko sayo." Nakangiti kong sagot.

"Huwag mo ng isipin yun, nangyari na yon eh. Siguro nga may rason kung bakit nawala ang career ko doon sa Pinas siguro nandito sa New York ang trabahong nababagay talaga sa akin." Sabi niya.

"Hmmm, siguro nga, halika ka na pasok kana para naman makapagpahinga ka sa bahay." Sabi ko.

Pumasok naman siya sa loob ng sasakyan at umupo siya sa passenger seat. Habang nasa daan kami ay panay ang tingin ni Glaiza sa mga buildings na madadaanan namin. At natutuwa akong pagmasdan siya dahil kitang kita ko kung paano siya na amaze sa mga nakikita niya.

"Alam mo bang pangarap ko din na makapuntang New York." Sabi niya.

"Talaga? Ano pa ba ang pangarap mo Glaiza?" Tanong ko.

"Pangarap kong makapag aral ng music sa London pero hindi ko alam kung matutupad ko pa ba yon o hanggang pangarap nalang talaga yon." Malungkot niyang sabi.

"Bakit hindi ka mag aral sa London? Make your dream come true." Sabi ko.

Tiningnan niya ako ng malungkot.

"Gustuhin ko man Rhian pero alam kong hindi mangyayari yun. Mahirap lang kami. Hindi naman ako kagaya mo na anak mayaman." Sabi niya.

Naawa ako sa kanya. Buo nga ang pamilya niya pero hindi niya naman ganun kadaling maabot ang mga gusto niya dahil sa kakulangan sa pera. Samantalang ako, kayang kaya kong mag aral kahit saan pang paaralan sa buong mundo kung gugustuhin ko pero sira naman ang pamilya ko. May pera nga ako pero hindi naman kayang bilhin ng pera ang gusto ko. Bakit napaka unfair ng buhay, yung pangarap ko na buo ang pamilya ay nandun kay Glaiza, si Glaiza naman pangarap niyang makapag aral sa London pero wala siyang sapat na pera.

"Rhian, okay ka lang ba? Natahimik ka kasi." Bigla niyang tanong.

"Ah, sorry may iniisip kasi ako eh. Pero seryoso ako Glai about the London thing? Pag isipan mo." Sabi ko sa kanya.

Umiling lang siya.

"Magtatrabaho muna ako Rhi para makapag ipon ako, at kapag nakaipon na ako malay mo pwedi na akong mag aral sa London." Nakangiti niyang sabi.

"Glai, I can help you. Sige na para naman hindi na ako uusigin ng konsensya ko." Sabi ko.

"Bakit ka pa nakokonsensya eh, nandito na ako oh! Tinupad mo na ang isa sa mga pangarap ko." Sabi niya.

"Hindi pa sapat yon Glai. I want to help you pa, please consider my offer." Paki usap ko.

"No, gusto ko kapag nakapasok ako sa paaralang iyon ay taas noo akong papasok dahil alam ko pinagpaguran ko ang binayad ko para lang makapag aral doon." Sabi niya.

"Okay fine, how about ituring mo nalang na utang yon sa akin? Babayaran mo din yun pagdating ng araw." Sabi ko.

"Haha, hindi ako mahilig sa utang eh, kaya no, pa din sagot ko." Sabi niya sabay ngiti.

"Sige, hindi na kita pipilitin pa baka sabihin mong ibalik na kita sa airport dahil uuwi kana ng Pinas." Pagbibiro ko.

"Wala na akong uuwian doon, itinakwil ako ni inay." Malungkot niyang sabi.

"What? Dahil ba sa ginawa ko?" Mahina kong tanong.

Tumango siya.

"I'm so sorry, kung alam ko lang sana na ganito ang magiging resulta ng ginawa ko sana pinigilan ko ang sarili ko that night." Mahina kong sabi.

"Ano ka ba, diba sabi ko sayo huwag mo ng isipin yon? Lilipas din ang galit ni Nanay sa akin alam ko yon." Sabi niya.

"Glai, alam mo maiintindihan ko kung munurahin mo ako ngayon, maiintindihan ko kung pagagalitan mo ako ngayon dito. Kasi kasalanan ko naman talaga eh." Sabi ko.

"Relax Rhian, hindi ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit sa kapwa. Napatawad na kita bago mo pa ako pinadalhan ng letter." Sabi niya.

"Thank you Glai, don't worry magiging mabait ako sayo. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanang nagawa ko." Sabi ko.

"Buhay mo naman yan eh, kaya nasa sayo yan kung paano mo paiikutin ang buhay mo. Basta ako magtatrabaho ako ng maayos dito alang alang sa pamilya at sa sarili ko." Sabi niya.

"Wow! Ang swerte ng magiging boyfriend mo. Bukod sa maganda kana, mabait kapa. Nasa sayo na lahat ng hinahanap ko sa isang babae." Sabi ko.

Natulala naman siya.

"Oh, what I mean is nasa sayo na lahat ng katangiang hinahanap ng lalaki sa isang babae." Paglilinaw ko.

Ngumiti naman siya ng malungkot.

"Wala rin kasi kung totoo yang sinasabi mo sana hindi ako nagawang lokohin nung ex ko. Pero pinagpalit niya ako sa iba kaya, may kulang pa din sa akin Rhi." Malungkot niyang sabi.

"Para sa akin Glai, perfect kana eh. Alam mo kung diko lang alam na straight ka,liligawan na kita. Pero alam ko naman na wala akong pag asa sayo kaya kontento na ako na hanggang magkaibigan lang tayo." Sabi ko.

"Grabe ka naman, hindi ko alam ganyan ka pala ka straight forward magsalita. Bigla tuloy akong natakot sayo." Sabi niya.

"Haha! Joke lang yun, masyado ka kasing seryoso eh. Pero half ng sinasabi ko sayo ay totoo." Sabi ko.

"Ewan ko sayo, ginogood time mo ako eh. Alam ko naman na mataas ang standards mo. Syempre famous ka and alam ko na ang pinapatulan mo ay ang kalevel mo lang." Sabi niya.

"No! Honestly wala nga akong type sa mga kapwa ko models eh. Kasi naman kilala ko sila at mahilig silang magcollect and collect ng jowa kaya hindi ko sila type." Sabi ko.

"Ano pala yung mga type mo? Yung madali mo lang mapapaikot? Ganyan ba mga type mong babae Rhian?" Tanong niya na may halong bitterness.

"Ikaw ang type ko Glaiza." Sagot ko.

"Stop it Rhian, hindi magandang biro yan." Sabi niya.

Inihinto ko ang sasakyan at hinarap ko siya.

"Anong pwedi kong gawin para maniwala kang gusto kita?" Sabi ko habang inilapit ko sa mukha niya ang mukha ko.

"Rhian..don't give me that look." Sabi niya.

Pero sa halip na sagutin ko siya ay inilapit ko ang aking labi sa mga labi niya hanggang sa tuluyan ng magtagpo ang mga labi naming dalawa. Nakita kong dahan dahang pumikit si Glaiza kaya naman kinagat ko ang upper lips niya at hindi ko inaasahan na tinugon niya din ang halik na ginawa ko sa kanya.

Noong una ay dahan dahan lang hanggang sa naging mapusok na siya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin pagkatapos nito basta isa lang ang alam ko. Wala akong ibang labi na gustong matikman kundi kay Glaiza lamang.


A/N:

Pahingi naman ng isang Rhian diyan..haha swerte ni Glaiza ah.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now