1C

2.1K 87 6
                                    

"Good Morning!" Bati sa akin ni Glaiza nang madatnan ko siya sa kitchen.

Ngumiti ako.

"Ang aga mo namang nagising." Tanong ko.

"Yeah, ipinagluto kasi kita ng favorite mo." Sagot niya habang kinuha niya ang isang upuan at sumenyas siya na paupuin ako.

Tiningnan ko kung ano ang niluluto niya at sobrang saya ko dahil matagal ko ng gustong kumain neto.

"Wow! Omellete...favorite ko to Glai." Nakangiti kong sabi.

"Yes I know. Kaya nga gumising ako ng maaga para ako naman ang magsilbi sayo." Sagot niya.

"Ang swerte ko talaga sayo, magaling na singer, magaling magluto at magaling mag alaga." Sagot ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Nabigla naman siya sa ginawa kong iyon kaya naman inulit kong halikan siya but this time sa mga labi na niya. Smack lang ang halik na ginawa ko pero kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata.

"Bakit ganyan reaksyon mo? Hindi ba tayo nagkikiss dati?" Tanong ko.

Ngumiti siya at kita ko na namumula ang kanyang mga pisngi.

"Glaiza don't tell me, hindi pa tayo nakapag something noon kasi yang reaksyon mong yan parang virgin ka pa eh." Pang aasar ko sa kanya.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin at ngumiti siya.

"Sa mga pananalita mong iyan, isa lang ang masasabi ko magaling kana talaga." Sabi niya habang nakangiti.

"Hmmm, changing the topic Glai? Pero sige kung ayaw mong pag usapan natin yan I'll respect that. Halika na nga dito sabayan mo akong kumain." Sabi ko.

Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.

Ilang sandali pa ay pumasok naman si Rach at Nadine.

"Okay lang ba kayong dalawa?" Tanong ni Nadine.

Tumango naman si Glaiza.

"Kain na tayo, mag eempake pa kasi ako after neto eh. Nadine okay lang ba sayo na ikaw ang susundo kay Bianca mamaya?" Tanong niya kay Nadine.

"No problem Glai. Just let me know kung nasa airport na siya." Sagot naman ni Nadine.

Tahimik kaming apat na kumain habang panay ang sulyap ko kay Glaiza. Ang ganda talaga niya lalo na pag sa malapitan, para siyang buhay na manika. Siguro mukha niya yung lagi kong nakikita sa mga panaginip ko. Sana naman maalala ko na siya.

"Rhian darling okay ka lang ba?" Tanong ni Nadine.

Ngumiti ako.

"Yes Nadine. May naalala lang kasi akong pangyayari noon eh, kaso yung kasama ko sa pangyayaring iyon ay malabo ang mukha." Sagot ko.

"Anong naalala mo?" Tanong ni Rach.

"I was walking along the hallway when a girl accidentally bumped on me. Tapos yung mukha ng babaeng nakabangga sa akin is malabo eh." Sabi ko.

Ngumiti naman si Rach habang nakatingin siya kay Glaiza.

"Rhian yun yung panahon na una mong nakilala si Glaiza, yun din ang unang pagkakataon na nakita kita kung paano ka nabaliw sa isang babae." Sagot ni Rach.

"Really? Excited na tuloy ako na maalala kita G." Sagot ko.

Ngumiti siya at sumubo ng egg.

"Huwag mong madaliin Rhian. Di ba sabi mo magsimula tayo ng panibagong chapter ng buhay natin?" Sagot ni Glaiza.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now