1J

2.4K 84 15
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang maging ganap na Mrs Galura. Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako, halos hindi ako makatulog sa sobrang pag iisip sa magaganap mamaya. Magkahiwalay kami ni Glaiza dahil ang sabi nila ay hindi daw dapat magkita ang ikakasal sa gabi bago sila ikasal kaya naman doon si Glaiza at ang pamilya niya tumuloy sa kamag anak nila, habang kami naman ng pamilya ko ang naiwan dito sa apartment namin ni Glaiza. Naisipan kong umakyat muna sa rooftop para lumanghap ng sariwang hangin, may oras pa naman para ayusin ko ang aking sarili.

Naglakad ako papunta ng rooftop at nang marating ko na ang favorite spot ko tumayo ako at tumingala ako sa itaas. Ilang minuto lang ay may naririnig akong mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko nilingon ko ito at nakita ko si Mommy.

"Good morning Mom." Bati ko sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Morning baby. Ang aga mo naman yatang nagising." Nakangiti niyang tanong habang tinabihan niya ako.

"Hindi ako makatulog ng maayos eh, I was thinking about  our wedding." Sagot ko.

Hinawakan ni Mommy ang aking kamay.

"Anak, don't think about it too much, everything will be fine. Isa lang ang tanong ko sayo ngayon." Sabi niya.

Tiningnan ko siya.

"Ano po yun Mom?" Tanong ko.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong ito? Alam natin pareho na hindi biro ang pag aasawa." Sagot niya.

Ngumiti ako.

"Ma, buong buhay ko ngayon lang ako sigurado sa ginawa kong desisyon. I can't lose her again Mom. Alam ko nabigla kayong lahat sa ginawa ko pero paninindigan ko ang desisyon kong ito." Sagot ko.

Tumango si Mommy.

"Yun lang naman ang gusto kong marinig eh, ayoko kasing matulad ka sa akin anak, hindi ko kayang makita ko kayong mga anak ko na pagdaanan ang napagdaanan ko." Sabi ni Mommy.

Niyakap ko si Mom kasi alam ko hindi pa ako nakahingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya.

"I'm so sorry Mom. I'm sorry for leaving you alone hindi ko kasi kayang makita kang unti unting nawawala sa sarili mo. Alam ko malaki ang naging kasalanan ko sayo pero despite of what I've done, tinulungan mo pa din ako noong mga panahon na muntikan ng mawala sa akin si G." Naiiyak na ako sa mga sandaling ito habang nakayakap ako kay Mommy ng mahigpit.

Hinagod niya ang aking likod.

"Forget about it, matagal na kitang pinatawad dahil alam ko na may kasalanan din ako. Kaya noong nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni G ay gumawa ako ng paraan para makatulong dahil hindi ko kayang makita kitang nasasaktan. Di bale ng ako ang masaktan huwag lang kayong mga anak ko." Sagot ni Mommy habang pinahiran niya ang aking mga luha.

"I love you Mom." Sabi ko.

"I love you too baby." Sagot niya.

"Tama na yan, dapat maging masaya ka kasi ilang oras nalang at isang ganap na Mrs. Galura ka na." Sabi ni Mom habang nakangiti.

"Salamat sa lahat lahat Ma, salamat sa walang sawang pagmamahal at pag intindi mo sa akin napakaswerte namin ni Nadine dahil ikaw ang naging ina namin." Sabi ko.

Ngumiti si Mommy.

"Napakaswerte ko din dahil kayo ang naging mga anak ko." Sagot ni Mommy.

At sa mga sandaling iyon ay puno ng kaligayahan ang aking puso dahil sa wakas ay nagawa ko ng humingi ng tawad kay Mommy. Sobrang gaan ng pakiramdaman ko, yung bigat sa dibdib ko na matagal kong dinadala ay bigla nalang nawala sa mga sandaling ito.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now