L

2.3K 84 14
                                    

Namamaga ang mga mata ko pagbalik ko sa bahay. Ang sikip sikip ng dibdib ko nang makita ko si Rhian na umiiyak habang tumatakbo palabas ng bahay. Hinabol ko siya para sana yakapin at icomfort pero hindi ko na siya naabutan.

"Glai, okay ka lang ba? Bakit ganyan hitsura mo?" Tanong ni Alcris sa akin.

"Nakita ko siya, nagkita kami." Sabi ko habang nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha.

Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto at pagkatapos ay inilock niya ang pintuan.

"Si Rhian ba ang nakita mo? Saan kayo nagkita? Anong nangyari?" Sunod sunod niyang tanong.

Tumango ako habang pinupunasan ko ang mga luhang dumadaloy na sa aking pisngi.

"Sa bahay ni tita Arlyn, nandoon siya kanina. Nagkausap kami at nakikita ko kung paano nadudurog ang kanyang puso Cris. Sobrang sama ko dahil sinaktan ko siya ng sobra sobra. Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito." Mahaba kong sabi.

Niyakap ako ni Alcris.

"Kung may maitutulong lang sana ako sayo Glai, tutulungan kita pero hindi naman pweding ako yung magpapakasal kay Rain." Sabi niya.

Pareho kaming natatawa. Ganito si Alcris kapag alam niyang nalulungkot o nasasaktan ako ay gumagawa siya ng paraan para mapatawa ako.

Pareho kaming tahimik nang biglang may narinig akong isang sasakyan na humihinto sa harapan ng bahay. Sabay kaming napatayo ni Cris para tingnan sa bintana kung sino ang dumating. Pagtingin ko ay nakita ko si Rain kasama ang kanyang mga magulang.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Alcris sa akin.

"Hindi ko alam. Lumabas ka dun at alamin mo." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig ko si Nanay na tumaas ang boses.

"Hindi ninyo pweding gawin sa amim ito. Labis na kahihiyan ang maidudulot nito sa pamilya namin." Dinig kong sabi ni nanay.

"Kumare, we can't force our son to marry your daughter. Rain changed his mind when he came home tonight. Kaya kami nagpunta dito para humingi ng paumanhin." Sabi ng Mama ni Rain.

"May sinabi ba sayo ang anak ko kaya ka umatras? Ano na naman ba ang ginawa ni Glaiza ngayon ha? Sabihin mo sa akin Rain." Sabi ni Nanay.

"Wala pong ginawa ang anak ninyo tita. I just realized that I'm not ready to get married." Pa slang na sagot ni Rain.

"Isang malaking kahihiyan ito sa pamilya namin at hindi ko hahayaang ipapahiya ninyo kami." Sabi ni Nanay.

"Tita, I'll take the blame. Don't worry bukas pupunta ako ng simbahan para humingi sa mga tao at sa pamilya ninyo ng kapatawaran." Sabi ni Rain.

"Papakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo Rain. Walang makakapagil sa gusto kong mangyari." Pagmamatigas ni Nanay.

"Kumare, it's not right na diktahan mo ang anak ko. Rain is my only child and if he back out the wedding so be it. Ang mahalaga sa amin ay ang kaligayahan ng anak namin." Sagot ng Dad ni Rain.

"Paano naman ang anak ko? Paano naman kung hindi siya makakamove on sa pangyayaring ito?" Sabi ni Nanay.

"Tita alam po nating lahat na fix marriage lang ito. Glaiza and I did not love each other so hindi po siya mahihirapan." Sagot ni Rain.

"Sabi mo mahal mo ang anak ko. Diba ikaw pa mismo ang lumapit sa akin noon at nakiusap na makilala mo si Glaiza, tapos ngayon aatras ka?" Galit na sabi ni Nanay.

"Tita I'm so sorry, admiration lang pala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kanina ko lang napagtanto na hindi pa ako handa para sa buhay na may asawa." Sabi ni Rain.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon