I

2.7K 102 31
                                    

"Rhian are you sure about this?" Tanong sa akin ni Bianca habang kausap ko siya sa kabilang linya.

"B..ngayon lang ako naging sigurado sa pasya ko sa buhay kaya handa akong harapin kung ano man ang mangyayari sa darating na panahon, ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya kami." Sagot ko.

"Well, mukhang sigurado ka na nga, ano pa nga bang magagawa ko. Hindi mo nga pinakinggan si Rach ako pa kaya ang pakikinggan mo. Basta just let me know kung may balak kang pumunta dito." Sabi niya.

" Thanks B..alam ko naman na maiintindihan mo ako eh." Sagot ko.

"Ikaw pa ba, basta mag iingat kayo diyan okay? ". Sabi niya.

"Sure, ikaw din mag iingat ka diyan. I love you!" Sabi ko.

"I love you too." Sagot niya at pinutol na niya ang tawag.

Napabuntong hininga ako pagkatapos ng pag uusap namin ni Bianca. Medyo matagal na din noong huli kaming nagkitang dalawa. Kung may magandang school man na pweding mag aral si Glai. London ang gusto ko para sa kanya, yun kung papayag siya.

Tumayo ako at pinuntahan ko siya sa may balcony. Nasa malayo pa lang ako pero nakikita ko ng malungkot siya. Alam ko iniisip na naman niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas at habang nakikita ko siyang nalulungkot ay parang nadudurog ang aking puso. Ayokong nakikita siyang nahihirapan dahil alam ko kaya siya napunta sa sitwasyon na ito ay dahil sa akin.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko siya nilapitan.

"There you are. Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko sa kanya habang niyakap ko siya mula sa likuran.

Ramdam kong pinahiran niya ang kanyang mukha. Umiiyak siya at sa mga oras na ito mas lalo akong inuusig ng konsensya ko.

"Is everything alright?" Tanong ko habang nakayakap pa din sa akin.

Tango lang ang tanging sagot niya.

"Love, please ayokong nakikita kang umiiyak. Nasasaktan ako." Mahina kong sabi.

"Hindi ako umiiyak love." Sagot niya.

"Glai, kung may problema ka sabihin mo sa akin. Maybe I can help you." Sabi ko.

Humarap siya sa akin at pilit na ngumiti.

"I'm fine love. May iniisip lang ako kanina. Sorry if nag alala ka sa akin." Sabi niya habang hinahalikan niya ako sa aking noo.

"Okay, di kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo. Basta gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako para sayo ha? Mahal kita Glai, mahal na mahal." Sabi ko.

Niyakap niya lang ako.

Kinabukasan ay nagising ako na wala si Glaiza sa tabi ko. Dali dali akong bumangon at nagtungo ako sa kitchen pero wala siya doon. Naglakad ako papuntang balcony at doon ko siya nakita na may kavedio call.

Nakinig ako sa pinag uusapan nila.

"Dude, hindi ko kayang iwanan siya dito. Oo naging magulo ang buhay ko nang dahil sa kanya pero ramdam kong nagsisisi siya sa mga nagawa niya." Sabi ni Glaiza.

"Dude, sino ngayon ang pipiliin mo? Ipinarating ko lang sayo ang mensahe ng Nanay mo, nasa sayo yon kung sino ang pipiliin mo. Basta ang sabi niya kung ayaw mong tuluyan ka niyang itakwil ay umuwi kana daw dito sa atin at magbagong buhay ka. Kakalimutan daw niya ang kasalanang nagawa mo." Sabi ni Chynna.

Nanlamig ako sa mga naririnig ko. Ayokong marinig ang sagot ni Glaiza kaya dali dali akong umalis papalayo sa kinaroroonan niya. Ito na ang panahon na kinatatakutan kong dumating. Hindi ko inaasahan na ganito kaaaga ito na ang mababalitaan ko.

I Kissed A Girl (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now