Prologue

30.6K 1.3K 558
                                    

Raven's POV

IT'S BEEN five years had past at ngayon araw na ito ay ang pagtatapos ko sa aking pag-aaral. Pinilit kong bumangon at kinalimutan ang nakaraan ko. Naging matagumpay ako dahil tuluyan na iyon nawala sa puso ko. I no longer have any feeling if I hear his name. It was like a stranger to me.

Napangiti ako habang sinasalubong ko si Papa hawak hawak ang diploma ko. I finished the degree of Bachelor of Arts in Political Science. Gusto ni Papa na sa gobyerno ako magtrabaho kaya ito ang kinuha ko.

Naging mahirap para sa akin ang kursong ito dahil hindi naman ito ang gusto ko. Pero ayokong madisappoint si Papa kaya kinuha ko pa rin ito. Naging doble ang pag-aaral ko at halos nawala na sa akin ang buhay ng isang teenager dahil puro pag-aaral lang ang inatupag ko. But it was all worth it. I graduate as cumlaude.

"I am so proud of you Raven." Bati ni Papa sa akin at nangilid ang kanyang mga luha.

"Thank you Papa... This is for you." Tugon ko sa kanya.

"Ang bilis ng panahon, dalagang dalaga ka na anak." Nakangiting bati sa akin ni Papa.

Ngumuso naman ako. "Papa naman... Baka apo na ang sunod niyong sasabihin, naku wag muna Papa."

Napapailing naman si Papa. "What's wrong with it? Hinihintay lang kitang makagraduate at ang sunod na pangarap ko sayo ay ang mabigyan ako ng apo—"

"Papa! Ni wala ngang nanliligaw sa akin, tapos apo pa talaga ang hihingin niyo." Bara ko naman rito. Simula kasi noong graduating na ako sa kolehiyo ay nagpapahaging na ito. Hindi na daw siya bumabata at gusto na daw niyang makipaglaro sa mga apo niya.

Ang tanong may boyfriend ba ako? Ni walang nagkamaling manligaw sa akin noon kolehiyo pa ako. Napapaisip na nga ako kung pangit ba ang itsura ko at walang nagkakagusto sa akin. Pero wala naman akong magawa, wala din naman akong magustohan sa kanila.

"Baka may humaharang lang sa mga manliligaw mo." Nakataas kilay na sagot naman ni Papa.

Tumaas din ang kilay ko. "Aba at sino naman yan? Tsaka Papa, wala pa sa isip ko yan pag-aasawa na yan. Twenty three pa lamang ako Papa—I'm not ready to build a family yet."

"Pero anak, kung gusto mo ng mag-asawa hindi kita pipigilan. You have my blessings—"

"Papa! Why are we even talking about this thing? Umalis na nga tayo." Nakasimangot na hila ko kay Papa.

Nakakaasar lang kasi na noon nag-aaral pa ako, ni ayaw niya akong magkaboyfriend kahit wala naman nanliligaw sa akin. Ngayon naman na kakagraduate ko lang, halos ipagtulakan na ako nito na mag-asawa. Hindi ko talaga maintindihan si Papa kahit kailan.

A/N: My dad is just like this.

Agad na pumanhik kami sa car park at sumakay na kami sa sasakyan namin. Sa isang restaurant kami magcecelebrate dito sa Moonriver.

Marami ng nagbago sa mga nakalipas na taon. I can say that I am no longer the same five years ago. Education changed me on how the way I talk and think.

Even the society has changed. Malaya na ang lahat ng Eons na namumuhay. But the truth of being a legendary was still hidden. Hindi ko naman ginagamit ang kakayahan ko.

Lahat ng tiers ng Eons ay may prebelehiyo sa gobyerno. Commons has a place to work at the council ministry as secretaries, while rare has higher positions like supervisor and epic can be directors. While legendaries, can be one of the head council.

I plan on applying in the council ministry dahil yun ang gusto ni Papa. Wala naman akong nakitang masama para tangihan iyon. Council Ministry is the highest work field of a political science graduate.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz