Faith 🔹 10

22K 1.1K 109
                                    

Raven's POV

TAHIMIK akong sumakay katabi si Vander na ngayon ay parang walang taong nakikita. Pagkatapos ng pagkalukot ng mukha niya kanina ay hindi na muli ako nito tinapunan ng tingin. Hindi ko na lang din iyon binigyan pansin dahil baka mainit lang din ang ulo nito dahil sa biglaang meeting na nangyari.

Tumakbo na ang sasakyan papalayo sa tower. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ko sa labas ng mga taong naglalakad at mga building na ngayon ko lang din nakita.

Hindi ako nagkaroon ng oras para libutin ang Metropolis. Pagkarating ko pa lang ay agad na akong nag-apply ng trabaho kaya hindi ko pa nalilibot ang lugar. Siguro sa day off ko na lang ako maglilibot. Isasama ko si Prime dahil taga metropolis naman siya kaya kabisado niya ang lugar.

"Miss Haust, what are my other appointments?" Biglang untag naman sa akin ni Vander kaya napalingon din ako bigla sa kanya na naging dahilan para sumakit ang leeg ko. Parang pinulikat lang dahil sa biglaang paggalaw ko.

Napangiwi ako pero hindi ako nagpahalata kaya kinuha ko ang planner sa bag ko kahit namimintig sa sakit ang leeg ko. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa sakit at gusto kong humiyaw pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"At 4pm you'll have a meeting with the Russian Investors and 8pm, you'll have dinner meeting with the Collins, sir." Sagot ko rito na mariin akong napapikit at pasimpleng napahawak ako sa leeg ko at pinisil pisil ko yun para maibsan ang sakit.

"What's wrong with your neck?" Takang tanong nito sa akin pero hindi na ako nagtangkang lumingon dahil sasakit lang lalo ang leeg ko. Mawawala din naman ito alin man sandali kung ipapahinga ko.

"Nothing." Sagot ko rito at binitawan ko ang leeg ko. Sumandal na lamang ako at ipinahinga ko ang aking leeg. Mabuti na lang at komportable itong sasakyan ni Vander at paunti-unti ng nawawala ang sakit sa leeg ko.

Humigit kumulang na mga tatlumpong minuto din ang itinagal ng aming biyahe. Medyo malayo ang Cassiopeia Valley mula sa Ministry. Pero tumambad sa aking paningin ang isang hindi kalakihan pero matatawag ko na isang malaking hall ito.

Nasa loob kami ng Cassiopeia Valley at isang hall ang ipinunta namin dito.

Nakasunod lamang ako kay Vander habang siya ay eleganteng naglalakad. Sumabay ito kanina sa akin pero sinadya kong magpahuli dahil hindi yun magandang tingnan na ang boss at assistant ay magkalebel sa paglalakad, lalo na at kilalang Legendary si Vander.

"Mr. Cambridge, welcome to Cassiopeia Riding Club." Bati ng isang lalaking nakatuxedo na sumalubong sa amin.

Tumango lang dito si Vander at iginiya na kami sa isang conference room sa loob ng hall na iyon. Riding club pala ito at ito ang entrada.

Medyo malaki ang conference room ng cassiopeia at pinaghila naman ako ni Vander ng upuan at naupo na ako doon. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin na pinupukol sa akin. I know they are looking at me dahil sa aksyon ni Vander. Sino ba ako para ipaghila ng upuan ng isang Vander Cambridge?

"Hi, my name is Greg Bradford, may I know yours?" Tanong ng isang lalaking mukhang kaedad ni Vander pero hindi ko ito kilala. But I know he's an eon, maybe Rare? He extend his hand for a handshake.

"Raven Haust, Mr. Cambridge's secretary." Magalang na sagot ko rito at tinanggap ko naman ang kamay niya.

Halatang nagulat pa ito ng sinabi ko na secretary ako. Ano ba ang inisip nila?

Napalingon naman ako sa katabi ko ng makarinig ako ng tikhim at mas lalong naging malamig ang ekspresyon nito na ngayon ay masama ang tingin kay Greg. He's acting weird every minute.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now