Faith 🔹 4

22.1K 1.1K 294
                                    

Raven's POV

"YES PAPA! Natanggap po ako!" Tuwang sagot ko kay papa habang kausap ko siya sa cellphone ko. Umupo naman ako sa sofa at tinanggal ko ang pagkakasuot ko ng stilettos na kulay itim dahil nangangawit na din ang mga paa ko.

"That's great to hear, Raven. Inaasahan ko na din yan—I mean, I always knew you'll do great at nakita nila iyon." Sagot naman ni papa sa akin.

Tumayo naman ako at nilagay ko ang sapatos ko sa shoe rack.

"I don't know papa. Pero palagay ko sinuwerte lang talaga ako. Marami ang mas magaling kesa sa akin na nag-apply doon. Sinuwerte lang talaga na ako ang nagustohan nila." Sagot ko naman rito. I know my capability at alam ko na mas marami pa ang mas magaling sa akin doon.

"Of course he loves you—I mean, they will love you and like you kaya ikaw ang napili. So just be good with your job okay? I don't want you to quit on your first day dahil naninibago ka." Paala-ala naman ni papa sa akin.

"Of course not papa! Ang laki kaya ng sahod, kaya kahit halimaw pa ang boss ko titiisin ko. Hindi ako makakahanap ng ganoon kalaking sahod bukod dito." Tugon ko naman rito. Kahit pa siguro gaano ka sungit ang boss ko ay pagtitiisan ko. Hindi biro ang $2000.00 na sahod sa isang buwan! That is way too big! Katumbas na iyan ng apat na buwan sahod ng regular na empleyado!

"Alright then, I'll trust your word. Be good to your job and your boss okay?"

"Alright papa. Bye!" At ibinaba na niya ang tawag.

Dumerecho na ako sa kuwarto para maligo. Maaga pa ako bukas sa council ministry dahil itetrain pa ako ng isang lingo.

Naalala ko naman bigla si Prime. I just learned that her full name is Alexa Prime Fox. She likes to be called Prime rather than Alexa dahil kapangalan daw yun ng isang machine na may voice command.

Unfortunately ay hindi siya natanggap. Pero hindi naman naging malungkot si Prime dahil mag-aapply na lang daw siya sa iba. Sabi niya, maybe it is not her time pa kaya siya nareject.

Mag-aapply na lang daw siya sa isang private company na malapit lang din dito sa condo.

Mabilis na pagligo ang ginawa ko at agad akong nahiga. Gabi na kaming nakauwi ni Prime dahil nagselebra pa kami ng pagkatanggap ko sa council ministry. Kahit secretarial position yun ay proud pa rin kami. It's a perfect position for common.

Dahil sa pagod ko ay madali lang din naman akong nakatulog kaya ng magising ako ay umaga na rin at dahil iyon sa alarm na walang tigil sa kakatugtog.

I love it when you call me señorita.
I wish I could pretend, I didn't need yah.
But every touch is so lalala.
It's true lalala.
Oh I should be running.
Oh you keep me coming for you.

Napaungol akong pinatay ang alarm. I love this song dahil na rin sa tugtog. It's just my jam. Pupungas pungas akong tumayo at agad na kumuha ng tuwalya papuntang CR.

Hindi naman ako nagtagal doon at agad na akong lumabas at nagbihis ng isang kulay old rose high waist pencil skirt at isang long sleeve na puting blouse na dekuwelyo at nakabukas ang unang dalawang butones nun.

Agad kong pinatuyo ang aking buhok at pumanhik na ako sa kusina para gumawa ng sandwich. Yun na ang agahan ko dahil kahit papaano ay nakabili naman ako kahapon mula sa convenience store ng mga anik-anik.

Agad ko naman naubos iyon at kinuha ko na ang shoulder bag ko na kulay puti at pumanhik na ako sa shoe rack ko at kinuha ko na ang kulay kremang pumps ko.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now