Faith 🔹 17

20.2K 1.1K 185
                                    

Raven's POV

PARANG gusto ko ng tumakbo ng biglang tumunog ang elevator at iniluwa doon ang isang matangkad na lalaking halatang galit ang itsura.

Napalunok naman ako ng dumako ang tingin nito sa akin at mas lalong bumakas ang galit nito na pakiramdam ko ay matutusta na ako alin man sandali.

Shit. Galit nga si Bree.

"Bebe girl?!" Parang naghahamon ng away na tawag nito sa akin.

"B-bree." Nauutal na saad ko at parang papanawan na ako ng ulirat ng biglang sumugod ito.

"Walang hiya kang babae ka! Porke maganda ka, iniwan mo na lang kami ng ganoon lang! Hihilain ko talaga yan magandang buhok mo!" Pero lahat ng iyon ay hindi niya ginawa kundi ay sinugod niya ako ng yakap at biglang umiyak si Bree! "Bebe girl, namiss kita ng sobra pero ang sama mo sa akin. Friendship goals tayo di ba? Pero bakit nang-iwan ka sa ere?"

"I'm sorry Bree..." tanging naisagot ko sa kanya. Ano pa ba ang maipapaliwanag ko kung kasalanan ko naman talaga?

"Pero masaya ako dahil sa wakas nakita ka na rin namin. Ang hirap kaya maghanap ng kaibigan na kasing ganda mo—walang makapantay." Sumisinok pa na saad nito.

I just can't believe that Bree is still the same, but he really looks like a man now—dati pa naman, mas malala nga lang ngayon dahil kung walang boses kabaklaan ito ay lalaking lalaki na ito. Kung hindi ito tumili kanina ay iisipin ko na talaga na naging lalaki na ito ng tuluyan.

"Wala din naman akong naging kaibigan na kagaya niyo. Wala din naman makakapalit sa inyo." At bumitiw na kami sa isa't-isa.

Matangkad si Bree at ang gwapo nito. Ang medyo abuhin na buhok niya ay may mga iilang hibla na nakalugay sa noo niya. Nakasuot ito ng isang itim na coat pero ang loob nito ay isang puting polo na nakabukas ang tatlong butones.

"Pero bebe girl, mas lalo kang gumanda ngayon at dito ka pa talaga nagtatrabaho kay papa—" natigil ito na tila may biglang naalala. "and he did not even told us?! Naisahan ako ng boss mo!" Parang may nalaman itong isang napaka-unfair na bagay.

"Hindi ko naman kasi alam na close na pala kayo ni Vander." Nakangusong saad ko sa kanya.

"Natural, we are—"

"Ang lakas ng boses mo vaklah. Abot sa loob. Nilunok mo ba microphone niyo?" Biglang salita naman ni Haze na lumabas na pala sa opisina kasama si Vander.

"Aba vaklah, ano gusto mo? Maging mahinhin na hormones after ko nakita ang babaeng ito na talo pa ang barkong dumaan sa bermuda triangle at biglang naglaho?" Nakataas kilay na saad ni Bree rito.

Kung makasita naman ito parang hindi naman ito sumigaw kanina.

"Ang lakas kasi ng boses mo vaklah. Nakakahiya, baka akalain ng mga tao sa baba eh meron baliw na nagwawala rito." Sagot naman ni Haze na nakangisi.

Based on how they interact na parang baliwala lang ang prisensya ni Vander. There is no awkwardness, and it seems like there is a wall between the four of us that I could not crossover. Somehow, I feel out of placed.

"Pero boss Vander, hihiramin muna namin itong bebe girl namin ah? Bayad utang mo yan kasi di mo sinabi sa amin na nagkita na pala kayo." Turan ni Haze kay Vander na nakangisi pa.

Boss? Bakit boss tawag niya? Empleyado din niya si Haze?

"I will, but keep what you said, or I'll come running ripping your heads off." Banta naman ni Vander sa kanila na nakasimangot rito.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now