Faith 🔹 15

20.2K 1K 93
                                    

Raven's POV

NAKATAYO kaming tatlo ngayon at parehong nakayuko. Ako na sabog at parang dinubog ng isang katerbang aswang ang buhok at ang dalawa naman na parehong may blackeye at ang matangkad na babae ay putok ang nguso nito.

"Nagawa mo ito sa kanila Miss Haust?!" Hindi makapaniwalang saad ni Miss Canary habang nandito kami sa clinic. Halos tumalon na ang kilay niya sa taas patunong kisame. "Kebago bago mo pa lang dito ay gumawa ka na ng gulo. Hindi ka na nahiya, mga senior mo sila."

"I just did that as a self defense miss Canary. Inaatake nila akong dalawa—"

"No! Don't believe her miss Canary. She's lying. Nananahimik lang kami sa rest room ng biglang sinugod niya kami—"

"Wag mong baliktarin ang pangyayari. You both went to the CR para lang pag-usapan niyo ako ng masama. It was just a talk to defend myself, but instead of letting me out from the CR, sinabunutan niyo ako and as defense, I just defended myself from the both of you." Putol ko naman sa kanya. She's a lying octopus. Sana dinagdagan ko na lang ang blackeye niya, tangina lang niya.

"But why do you have to punch them? Can't you see their faces right now Miss Haust? Should a fragile girl act that way?" Nakataas kilay na tanong ni Miss Canary. It's too obvious na pinapanigan niya ang dalawa. Paanong hindi kung ka-department niya ang dalawang ito.

"Hindi ako marunong manabunot miss Canary. If I fight, I punch them on the face." Sagot ko naman rito at wala na akong pakialam kung mas lalo pa siyang magalit.

"That's it! I'll make sure you'll be fired. We don't allow barbaric woman here in the—"

"And who gives you the right to fire someone not under your watch, Miss Zapata?" Napatingin naman kaming lahat ngayon sa pintuan ng clinic.

Nanlaki pa ang paningin ko ng makita ko si Vander na nakatayo doon at madilim na naman ang mukha nito lalo na ng dumako ang tingin nito sa akin na mas lalong ikinadilim pa ng mukha nito.

"Mr. C-cambridge." Gulat na saad nito at agad itong lumapit sa kanya. "No Mr. Cambridge, your secretary is violent. She hit these two from my department. We do not tolerate such attitude. We have a rule—"

"I know exactly what the rule is, Miss Zapata. And as my secretary said, she only defended herself from being beaten by those two. And Raven doesn't know how to play cat fight. She learned fighting in the fortress, if you are not aware of that. But she won't hit in the first place if these two did not initiated the fight." Parang kulog na sagot ni Vander rito. He has a menacing aura right now na parang gusto nitong manapak!

"Mr. Cambridge we did not start the fight she—"

"Before I will listen to your excuses, the CCTV footage is already been reviewed by now. Whoever started the fight, pack your things and I don't want to see your faces here in the premise." Matalim na saad ni Vander na ikinaputla ng dalawa.

Tumingin ulit si Vander sa akin bago ito lumabas sa clinic na tila bomba na handa ng sumabog.

"Miss Canary!" Biglang naiyak naman ang matangkad na babae. "This iso unfair!"

It's a big reason for her to cry dahil nalalapit na ang katapusan niya sa trabaho.

I cannot stand her wailing kaya lumabas na ako sa clinic at pumanhik na ako sa elevator at pumunta sa top floor. Pagkabukas pa lang ng elevator door ay nakita ko na si Vander na nakaabang at agad ako nitong hinila papasok sa opisina nito na ikinagulat ko naman.

He shut the door close at agad na humarap sa akin. "Are you okay? Is somewhere hurting? Do you want me to call an ambulance? Fuck those bitches for hurting you." Hindi ito mapakali at hinawakan nito ang kamay ko at tiningnan kung may galos ba at rumonda naman ang katawan nito sa katawan ko.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now