Faith 🔹 38

16.6K 846 63
                                    

Third Person's POV

MABILIS na kumilos si Haze at agad itong umalis ng Cambridge palace at nagdrive ito pauwi kahit disoras na ng gabi. Pero alam ni Haze na gising pa si Prime hanggang ngayon dahil matagal talaga itong natutulog.

Mabilis ang kanyang naging takbo dahil wala ng mga bumibyahe. Agad na pumasok ang sasakyan ni Prime papasok sa subdivision na tinitirhan niya. Wala na siyang pakialam kung mabulahaw pa ang mga ibang nakatira doon sa subdivision, but all she wants right now is Prime.

If Josh is having suspicion about Raven's disappearance, she's into it as well. Dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Raven. Hindi man iyon napapansin ni Vander, Raven was getting good at faking it, but she can't fool me.

Agad na nagpark si Haze ng marating niya ang bahay niya at mabilis na pumasok sa loob. Bukas pa ang mga ilaw kaya alam niya na gising pa si Prime.

Narinig naman niya na tahimik na naghuhum si Prime at sa may bandang kusina ito. Kaya agad na dumerecho si Haze sa kusina at nakita niya si Prime na kumakain ng chocolate ice cream mula sa lalagyan. Hindi man lang ito nag-abalang kumuha ng lalagyan.

Nagulat pa ito na makita siya. "Haze! Akala ko hindi ka makakauwi." Gulat na tanong nito hanag nabitin sa ere ang pagsubo nito ng ice cream.

Oo, dahil yun ang paalam niya na hindi siya makakauwi pero dahil kay Josh, ay napauwi siya bigla.

"Napauwi ako, dahil sinusundo kita." Sagot naman ni Haze rito.

Napakunot naman ng noo si Prime. "Teka, yun ba yung kanta? Sinusundo kita, sinusundoooooo..." at kumanta pa ito.

Napahawak naman sa sentido si Haze dahil sa sagot ni Prime. If Josh is an asshole, then Prime is crazy. Mukhang bagay ang dalawa.

"Hindi, Prime. Kailangan ka doon sa Mansyon." Sagot naman ni Haze.

"Bakit? Bakit ganitong disoras?" Natural na magtaka ito. All she knows is she can go there if she's going to tour but at this hour is definitely not time for tour.

Napabuntong hininga naman si Haze. "Do not be shock. But Raven is......missing."

Kahit nagbigay na ng babala si Haze ay rumehistro pa rin ang gulat sa mukha ni Prime at nabitawan nito ang hawak na kutsara.

"N-nagbibiro ka lang di ba?" Namutla bigla si Prime na tila nakarinig ito ng isang kahindik-hindik na pangyayari.

"If only I am." Sagot naman ni Haze rito na bakas ang pag-aalala. "Let's go to the mansion, now." Hindi na sinabi ni Haze ang totoong dahilan kung bakit kailangan sumama ni Prime sa mansyon. Ayaw niyang makaramdam ng pressure si Prime. Being questioned, even you're not at fault is still nerve wrecking.

"O-okay." Naging sagot ni Prime at nagsimula na silang lumabas sa bahay at sumakay ng kotse na ginamit ni Haze.

Ni hindi na naisipan ni Prime na magbihis at tulala na itong nakasakay na tila hindi pa nito matanggap ang narinig. Nakatanaw lamang ito sa labas at kay layo ng tingin, kahit wala itong maaaninag sa labas.

Hindi na umimik si Haze. Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagdadrive. Her mind is clouded right now with questions. Iniisip niya na may isang tao ba na kayang kalabanin ang isang Legendary ng hindi namamatay. Alam niya na kayang tapusin ni Raven ang lahat ng magtatangka rito. Pruweba na ang pag-atake doon sa condo unit na walang natirang buhay at patay lahat. Armado ang mga iyon at kapwa mga eons.

"Not unless, there is something that will hold her back—" at halos mapapreno naman si Haze ng biglang sumagi sa utak niya ang kaisa-isang taong kahinaan ni Raven—ang kanyang ama. "Shit!" She totally forgot about it. She forgot that the guards who are tailing Eric did not give any reports.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon