Faith 🔹 3

22.1K 1.1K 346
                                    

Raven's POV

NAKALABAS na rin kami sa elevator pero hindi maiwasan na umani ako ng tingin mula sa mga kapwa ko aplikante. Pero binalewala ko na lang iyon dahil wala naman silang alam.

Nasa loob na kami ng function hall at napakalawak nito. Isang buong hall talaga ito na pwedeng pagdausan ng mga party dahil sa lawak. Marami din mga upuan doon at nakaupo na nga doon ang ibang mga aplikante.

Ibinigay na namin ni Prime ang aming mga resume at application letter sa assistant ni Miss Zarena. Umupo na rin kami doon dahil maghihintay kami sa pagtawag sa aming pangalan para sa interview.

"Raven, may kakilala ka ba rito?" Nagtatakang tanong ni Prime sa akin. "Kasi pinasakay ka doon sa elevator kahit bawal iyon sakyan." Nagtatakang tanong nito pero mahina lamang dahil alam nito na nakikinig din ang iba.

Umiling naman ako. Matatawag ko bang kakilala si Vander kung bisita lamang siya rito?

"Hindi ko rin alam kung paanong nakilala nila ako at pinasakay kanina sa totoo lang." sagot ko rito at pakiramdam ko ay itatapon na ang kaluluwa ko sa impyerno dahil sa kasinungalingan na iyon.

Ngumuso naman ito. "Hhmm... baka crush ka nun mamang bodyguard na iyon kaya ka pinasakay."

Parang gusto ko naman mainsulto. May edad na yung bodyguard at halatang wala yung gusto sa akin dahil respeto ang nakikita ko sa bawat galaw nun.

"Malabo, may asawa na iyon... pero siguro may nakakilala sa akin dito dahil dati sa fortress ako nag-aaral, kaya siguro ganun." Sagot ko naman rito.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "Talaga? Sa fortress? Balita ko maganda doon at doon din dati nakatira ang halos lahat ng mga eons."

Tumango naman ako. "Totoo yun, pero hindi naman ako matagal doon dahil ilan buwan lang din ay umalis na ako dahil sumama na ako sa Papa ko."

"Ah, yun ba na naialis na yung dating presidente? Kahit kami din ay tuwang tuwa noong nabigyan na ng kalayaan ang lahat ng kagaya natin." Sang-ayon naman nito. "So meaning kilala mo yun si Mr. Cambridge kanina?"

Tila nanlamig naman ako dahil sa sinabi nito pero napilitan akong tumango. "Schoolmate."

"Woah, kaya pala nakatitig siya sayo ng matagal. Hindi ko lang yun pinansin kanina kasi inisip ko na nagandahan lang talaga siya sayo, kahit sino naman magagandahan talaga sayo. Pero di ko inakala na magkakilala kayong dalawa. Biruin mo isa siyang Legendary." Namamangha na saad nito na muntik ko ng mapagkamalan na may mga bituin sa mga mata niya.

"Ah, baka namukhaan lang niya ako. Di naman kami magkaibigan nun." Sagot ko rito. Dapat siguro ay uminom na ako ng holywater mamaya dahil makasalanan na ako dahil sa pagsisinungaling.

"Siguro ganoon na rin. Sa ganda mong yan, imposibleng hindi ka niya mapapansin habang nasa fortress kayo." Tugon nito.

Imposible nga dahil niligawan pa nga ako ng lalaking yun tapos traydor pala. Ano kaya ang ginagawa nun dito? Hindi pa rin yan maalis sa isipan ko kung ano ang dahilan kung bakit siya nandito.

Kung anu-ano pa ang napag-usapan namin. May mga napapansin akong nakatingin sa akin pero hindi ko na yun pinagbigyan ng pansin. Ikinuwento ni Prime kung saan siya ipinanganak at saan siya nagtago. Kagaya ko rin pala siya na walang alam sa mundo dati.

Pero ngayon ay malaki na talaga ang ipinagbago namin. Ang bakas ng pagiging walang alam ay hindi na makikita sa amin. We are educated and mature somehow, pero minsan umaandar pa rin ang pagiging immature ko.

Marami na ang natawag at hindi ko alam kung may napili na ba o wala pa. They are only hiring for 3 secretaries pero ang applicants, more than a hundred.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now