Faith 🔹 23

21K 1.1K 124
                                    

Raven's POV

"YOUR house?" Di makapaniwalang kumpirma ko. I know it's not impossible and this is not just a freaking house. It's an enormous mansion!

"Hhmm...I guess." Sagot naman nito sa akin na ikinataas ng kilay ko. It's obvious na sa kanila ito. What should I expect from a son of the richest man in the country?

"Magandang hapon Señorito!" Napalingon na lamang ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Then I saw a middle aged woman who's wearing a maid's uniform of color black and white.

"Manang Dalia, I have my girlfriend with me. She's Raven." Kung nakatingin ako ngayon kay manang Dalia ay halos mabali naman ang leeg ko sa bilis ng pagkakalingon ko kay Vander.

Ano daw? Girlfriend?

"Naku, ang ganda-ganda ng girlfriend mo señorito Vander. Bagay na bagay kayong dalawa." Tuwang tuwa naman na saad nito at hindi ko man lang magawang itama ang maling akala nito. "Naku, señorita Raven, ikinagagalak kitang makilala." Bati nito sa akin.

Napangiti naman ako. "Ako din po manang Dalia. Pero Raven na lang po ang itawag niyo sa akin." Hindi ko na nagawang itama ang mali dahil excited na excited ito. Kaya nanahimik na lamang ako

Parang kinilig naman ito ngayon ng magsalita. "Ang bait pa, pero miss Raven na lang ang itatawag ko sayo kung ayaw mo ng señorita."

Tumikhim naman si Vander ngayon kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. "We're going in manang Dalia." Paalam nito at tsaka hinila na ako nito papasok sa mansyon.

"Sige señorito, pasok na po kayo." Saad naman nito kaya nagpatianod na lamang ako habang hawak hawak ako ni Vander.

Nakapasok na kami sa bulwagan at agad na tumambad sa aking mga mata ang grand staircase na may carpet na kulay pula. It has golden bannister. The chandelier is also huge hanging from above. There are huge paintings and vases that I am sure it cost a fortune.

"What are we doing here Vander?" Nagtataka ako kung bakit niya ako dinala rito. Dapat nga ay bumalik na lang kami sa council at hindi dito. O di naman kaya ay hinatid na lang sana niya ako sa condo.

"We'll have our dinner here, baby. And dad want's to see you." Napatigil naman ako sa kanyang sinabi.

Ano daw? Yung daddy niya? Yung presidente?! Si tito Solomon?

"No way..." naibigkas ko at dinarasal na sana ay pinagtitripan lang niya ako.

Tumitig naman ito sa akin dahil nakaawang ngayon ang aking bibig. His eyes travelled down to my lips and he slowly bite his lower lip, like he's holding back from some temptation.

"Come on, baby... before I.......lose myself." He answered while breathing heavily.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Diyos ko may hika ba siya?

"T-teka, okay ka lang ba? Ba't parang nahihirapan kang huminga?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya and I even move closer to him at nakita ko naman na biglang napalunok ito bago sumagot.

"You don't want to know." Sagot nito sa akin at basta hinila na lang ako nito paakyat sa grand staircase.

Hala, okay lang ba siya? His ears are burning red. Ni hindi ko na napansin ang paligid dahil nakapako na lang ang mga mata ko kay Vander. Nagtataka ako kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Son!" Biglang naputol naman ang pagtitig ko kay Vander ng marinig ko ang boses na iyon na kahit matagal na panahon na ay kilala ko pa rin.

"Dad." Tugon naman ni Vander kaya napatingin na ako sa nagmamay-ari ng boses.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now