Faith 🔹 34

18.6K 992 51
                                    

Raven's POV

HINDI ako mapakali habang naghihintay ako ng oras na wala ng katulong sa labas. Kailangan kong makalabas ng alas diyes para makapunta sa West Terrain.

Ang alam ko ay nasa study room si Vander at ang alam din niya ay tulog na ako ulit. Pinakiramdaman ko ang buong paligid at wala na akong marinig na ingay.

Nagsuot ako ng itim na long sleeve at isang jogger pants at dahan dahan kong binuksan ang pintuan at mabilis pa sa kidlat na lumabas doon at nilock ko ang pinto para babala kay Vander na wag siyang pumasok. Hindi naman siguro niya pupwersahin iyon.

Parang akong hangin na lumabas sa bahay nina Vander ng walang nakakapansin. I'm using my ability to seal my presence and to move like a speed of light.

Agad na nakalabas na ako sa vicinity at tumayo ako doon sa lugar na hindi na sakop ni Vander. Inilabas ko ang cellphone ko at tiningnan sa map kung nasaan ang West Terrain at agad ko iyong nahanap.

Hindi naman siya mahirap hanapin dahil literal na kapatagan nga ito. Parang bakanteng lote kung tutuosin. Pamilyar na ako sa rota kaya hindi na ako sumakay ng sasakyan, at ginamit ko na lang ang abilidad ko.

Mabilis ang naging mga galaw ko at halos hindi kapansin pansin ang galaw ko sa paligid. Pero akala ko ay magiging tuloy tuloy na iyon dahil bigla na lang may pumigil sa akin na isang mabilis na bagay din kaya napahinto ako sa aking paggalaw.

Agad na namataan ko ang dalawang kamay na ngayon ay pumipigil sa dalawang braso ko at nagulat ako ng makita ko kung sino ang pumipigil sa akin. Hindi ko inakala na makikita siya sa lugar at sitwasyong ito. Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito si Blaire?

Walang emosyon ang kanyang mga mata pati mukha. Kung ang dating Blaire na kilala ko ay ngingiti alam ko na may magiging reaksyon yun.

"Blaire..." naiusal ko at napatingin ako sa likuran nito ng makita ko na may naglalakad na lalaki na hindi ko kilala. Ngayon ko lamang siya nakita pero alam ko na mas matanda siya sa akin.

Kitang kita ko ang malademonyong ngiti sa mga labi nito.

"Magaling Blaire. Magaling, magaling." Saad nito at napakunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang boses niya. Parang ganito ang boses ng kausap ko sa cellphone. Siya na kaya ito? "Bitawan mo na siya, dahil kakausapin ko pa siya."

Bimitiw naman kaagad si Blaire sa akin. Nagtataka ako kung bakit sunod-sunoran ito sa lalaking ito.

"Blaire, bakit ka sumusunod sa taong yan?" Kunot noong tanong ko kahit nag-aalala ako.

Hindi sumagot si Blaire at binigyan niya lang ako ng malamig na tingin.

Tumawa naman ang lalaki. "Walang silbe kung kakausapin mo siya. Hindi na niya kontrolado ang sarili niya. She's under our control...She is now, just a killing machine."

Pakiramdam ko ay tila may pumutok na ugat sa ulo ko dahil sa mga narinig. Kontrolado? Killing machine? Nagbibiro ba ito?

"Nagbibiro ka ba? Paanong nakokontrol mo ang isang kagaya ni Blaire na isang Legendary?" Ayaw kong maniwala dahil wala talagang katutoran iyon.

Tumawa ulit ito ng nakakairita. "Marami ka pang hindi alam, Raven Haust. Akala mo ba dahil Legendary ka ay hindi ka na maaaring magalaw? Just look at her right now." Sabay turo nito kay Blaire. "Isa siyang halimbawa na kahit kayo ang pinakamalakas at makapangyarihan ay hindi imposible na makontrol kayo."

"Ano ba ang layunin mo at kailangan idamay mo ako? Gaya ng sinabi mo ay hindi naman sa akin kayo may galit?" Nagpipigil ng galit na tanong ko. Ayokong basta na lang sumabog dito dahil may pakiramdam ako na makakalaban ko si Blaire at wala ito sa sarili.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon