Faith 🔹 1

25.4K 1.1K 216
                                    

Raven's POV

MAINGAT na inilagay ko ang mga damit ko sa kabinet ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Isa ito sa mga nagtatayugang condominium dito sa Metropolis. Nagdalawang isip pa ako kanina kung tama ba talaga ang address na ibinigay ni Papa. It's just that, how could he afford something like this? This place is obviously pretty expensive lalo na at malapit lang ito sa council ministry tower.

Everything is really great in this place. Halatang inayos talaga ng maige. Pero hindi ko rin naman matanggaihan ito dahil pinaghirapan din ito ni Papa.

I have a scheduled interview tomorrow with the HR. Sa madaling salita, marami kaming aplikante bukas at nanganganib ang mga slot dahil tatlo lamang ang kailangan nila. It's a secretarial position ng Head Council President, Director at Manager. Tatlo ang matatanggap pero sigurado ako na mas higit pa sa tatlo ang mag-aapply.

Blogsh! Kablam! Kablagh!

Agad na tumigil ang mga mata ko sa pintuan. Nagmumula ang ingay na iyon sa labas. Pakiramdam ko ay may mga nahulog na mga gamit. Kaya agad akong napatakbo sa pintuan para silipin kung ano ang nangyari.

Binuksan ko kaagad ang pintuan upang masalubong ko lamang ang dalawang taong nag-aaway.

"—Leave me alone! Ayoko ko na sayo! Alis!" Bulyaw ng babae sa lalaki ngayon na namumula sa galit.

Napahilamos na ang lalaki sa kanyang mga palad at mukhang hindi na nito alam kung ano ang sasabihin sa babae.

"Sweetie, it was just—"

"Fuck you! Kung hindi ko pa nakita, hindi ka aamin? Ano? Gagaguhin mo ako ng todo-todo? Buwiset ka umalis ka dito baka di ako makapagpigil at masaksak kitang hayop ka! Get out!" Galit na galit na saad ng babae at pinagtutulak na niya ang lalaki.

Para naman akong naging yelo sa kinatatayuan ko. Sobrang awkward ang nararamdaman ko ngayon lalo na at nakikita ko sila.

"I will leave but I will be back. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Cool your head down, mag-uusap tayo pagkalmado ka na—"

"Gago! Kahit kumalma man ako, hindi na ako makikipag-usap sayo!" Galit na sagot naman ng babae sa lalaki.

Napapailing na lang ang lalaki na umalis at pumasok ito sa elevator. Pagkasarado pa lang ay biglang pumalahaw na ng iyak ang babae.

"Hayop siya, hindi man lang nagpumilit na samahan ako—hindi talaga niya ako mahal." Umiiyak na saad nito at sumalampak na ito sa sahig.

Napapakunot naman ang noo ko. Pinapalayas niya yung lalaki kanina tapos ngayon iiyak dahil umalis nga. Hindi ko alam kung ano tuloy ang gusto ng babaeng ito. She's complicated.

Nagulat na lang ako bigla ng napatingin ito sa akin at nagulat ito ng makita niya ako. Kahit ako ay nagulat ulit at nahuli niya akong nakichismis. Nakakahiya lang, pero di ko naman sinasadya. Akala ko kasi may mga gamit na nahulog lang sa labas.

"—B-bakit ka nandyan?"

Bahagyang napataas naman ang kilay ko sa tanong niya pero sinagot ko iyon. "Dito ako nakatira." Simpleng sagot ko rito.

"I mean, bakit ka nakinig?!" Tumayo ito at halatang nahihiya dahil nakita ko ang nangyari.

Umismid naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung may sayad ba ang babaeng ito o kung ano. "Kung ayaw mo palang marinig ng lahat, dapat di ka sumigaw. Sana itenext mo iyon sa boyfriend mo para hindi malaman ng mga tenante dito." Sarkastikong sagot ko rito.

I know I am not that nice, pero nakakabadtrip naman kasi ang tanong ng babae. Nakakabobo lang. Isasarado ko na sana ang pintuan pero biglang pinigilan naman iyon ng babae.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now