Faith 🔹 8

21.5K 1.1K 113
                                    

Raven's POV

MAAGA akong nakarating sa ministry tower at agad akong dumerecho sa HR office para ipasa ang aking mga requirements. May deadline kasi ito at ayokong putaktehin nila ako dahil lang sa mga iyon.

Pansin ko ang mga tingin ng ibang mga empleyado doon at nagbubulungan pa. Hindi ko na sila pinansin pa dahil palagay ko ay alam ko na rin ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Sa nangyaring palabas nga naman kahapon sa harap ng buong empleyado ng council ministry, I made a little scene. Kaya ngayon, inaani ko na ang itinanim ko kahapon.

Sumakay na ako sa elevator. Yung ordinaryo lang ang ginamit ko dahil awkward para sa akin na gamitin ang kay Vander.

Dumating naman ako sa top floor at napahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na wala pa si Vander. May indicator kasi sa pintuan kung nasa loob na siya o wala pa.

Umupo na ako sa upuan pero hindi pa umiinit ang puwet ko sa upuan ay bumukas naman ang pintuan at iniluwa doon si Diamond—hindi kasama si Martha.

Nagtatakang nakatingin ako sa kanya dahil ang aga niya para pumunta rito at hindi ko rin alam kung ano ang kailangan niya. Maybe another instruction?

"Spill the beans girl. Nag-effort talaga akong pumunta dito sa top floor just for your to spill the beans." Bungad nito sa akin na pakiramdam ko ay sinisingil ako nito sa isang imaginary utang.

Mas lalong napakunot ang noo ko. "I don't have beans with me, Diamond." Seryosong sagot ko. Sino ba naman kasi ang taong magdadala ng beans dito?

"I mean, ipaliwanag mo ang nangyari kahapon. Everyone saw your reaction towards our boss. At may balita din na kumakalat sa building." Paliwanag nito sa akin na tila may alam ito na hindi niya dapat malaman base na rin sa binibigay niyang tingin sa akin.

Napasimangot naman ako. I saw this coming but not this early in the morning. Keaga-aga pumunta lang talaga para makichismis.

"Diamond, magsa-start na ang shift natin, baka maabutan ka ni boss dito." Simpleng usal ko sa kanya. There is only 10 minutes left and I am sure, Vander is arriving soon.

"I can't help it! The both of you were an item yesterday. You are the talk of the building tapos may kumalat pa talaga na chismis na naging dahilan ng eye bags ko ngayon. I even tried searching it in google pero, wala naman akong makita." Nakasimangot na saad nito at napahawak pa ito sa sentido.

"Mamaya na lang sa lunch, Diamond. The boss is coming." Saad ko dahil naramdaman ko na si Vander inside the building. I don't know why I even felt him this far. Usually ay hindi ko siya maramdaman.

"Ayeeeiii, nagtext? Sige sige, mamaya sa lunch sagutin mo lahat ng tanong namin ah. Humanda ka talaga." Banta pa nito sa akin bago nagmadaling pumanhik sa elevator dahil natakot din ito na baka maabutan ito ni Vander sa top floor.

Binuksan ko na ang planner ko at ang unang nakita ko ay ang meeting with the senate members mamaya sa meeting hall. It's a 3 hours meeting na dadaluhan ni Vander sa meeting hall. And I will be there as well to take the minutes of the discussion.

Ting!

Tumunog ang elevator pero hindi ko itinuon ang pansin ko doon. Sa halip ay tumayo ako at yumukod.

"Good morning sir." I greeted him formally, like nothing happened yesterday.

"Bring me a cup of coffee. Black." Sagot nito na hindi man lang gumanti ng bati.

He sounded like a typical boss to me. But I guess this is better, than us shouting and walking out because of anger.

Agad na pumunta ako sa counter kung saan nandoon ang coffee maker. I stared at the coffee maker at gusto ko naman sampalin ang sarili ko dahil hindi ako marunong gumamit nun!

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now