Faith 🔹 2

22.1K 1.1K 194
                                    

Raven's POV

NAKAKUNOT noong nakaharap ako ngayon kay Prime at gusto ko ng lamukusin ang papel na binigay nito sa akin.

"Ayokong gawin yan Prime. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin?" Naiinis na saad ko. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung pati ako ay madadamay sa plano nito?

Balak lang naman nitong magdrama na isa ako sa mga babaeng naikama ng Simon na iyon. Siyempre hindi ako pumayag. Halos pamulahan pa ako ng mukha ng mabasa ko ang mga linyahan ng dialog na para sa akin. It's too forward and sinfully sexy! Ni sa panaginip ko ay hindi yun sumagi sa utak ko na masasabi ko ang mga bagay na ito.

Halos umiyak naman ang itsura ngayon ni Prime. "Sige na please. Alam ko naman na may mga babae talaga yan si Simon, at hindi niya rin maaalala na hindi ka naging babae niya. Basta na please—"

"No Prime! Kabaliwan yan sinasabi mo—doon na muna ako at mag-isip ka ng ibang paraan." Naglakad ako at pumunta sa gilid.

Nandito na kami sa loob ng council ministry tower, dito sa lobby at wala pang masyadong empleyado ang naririto. Pero marami ng mga aplikante na naghihitay na kagaya ko.

Nakangusong nakatingin si Prime sa akin at tinaasan ko naman ito ng kilay at inirapan. Hindi ko talaga alam kung paanong nasali ako sa mga kalokohan niya. Ilang sandali lang ay napatingin ako ulit kay Prime ng nakita kong nilapitan ito ng lalaki na sa pagkakaalala ko ay Simon dahil ito din ang lalaking nakita ko kahapon.

"I said were over! Doon ka na sa mga babae mo!" Gigil na saad ni Prime rito.

Medyo nakakaani na sila ng atensyon kaya napapatakip na ako ng mukha. Ako yung nahihiya para sa kanila!

"No! Lalayo ako sayo kung mapapatunayan mo lang na may babae nga ako." Nakangising saad naman ni Simon kaya naibaba ko ang kamay ko at tumaas ang kilay ko.

So this is the dickhead that she wanted to dispose. Kaya naman pala. I wonder kung bakit sinagot pa niya ang kulugong yan. Halos maiyak na si Prime dahil wala itong mahagilap na salita. Napakagat labi ako at pikit matang nagsimulang maglakad. Bahala na. Bahala na talaga kung ano man ang mangyayari pagkatapos nito.

I walk sexily and suddenly wrap my arms around his turso na ikinagulat ng Simon na ito. I grinned at him and batted my thick and long eye lashes. "I want to have another steamy night with you.." sabay kagat labi. "Want to come to my place again?"

Parang gusto ko ng maligo sa holy water sa mga sinabi ko. Kaya nainis ako kanina dahil ito yung script! Yes! Everything I did was part of the script!

"Hayop ka! Yan! Ang kapal ng mukha mo!" Biglang napahiwalay ako sa Simon na ito ng hinila ako ni Prime at pinagsasampal niya si Simon.

Biglang umawat ang mga gwardiya at ngayon ay sapilitang hinila na palabas si Simon ng Tower. Napabuntong hininga naman ako pero gusto ko naman lumubog sa kinatatayuan ko ng sa akin na ngayon nakatingin lahat ng mga aplikante doon.

I tried my best not to let my expression falter. I kept on slamming in my mind that it was just an act and everything is not real. Pumihit ako patalikod pero halos takasan naman ako ngayon ng kaluluwa ko dahil sa taong hindi ko inaasahan.

A man with 6'3 foot tall standing in his three piece suit with a dark expression looking down at me. I felt like I am a dwarf compared to him. Pero lahat ng gulat ko ay biglang napalitan ng malakas na pagpintig ng puso ko na pakiramdam ko ay sasabog na iyon.

Vander.

Shit! Shit! Shit!

Ito na ba iyong sinasabi nila na akala mo ay wala na pero meron pa pala? I am standing right in front of him at halos magwala ang puso ko at may nag-uudyok sa akin na lumapit sa kanya at yumakap. Pero pinigilan ko ang sarili ko. It's not normal for crying outloud and why do I even feel this way?

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now