Faith 🔹 40

18.3K 883 51
                                    

Third Person's POV

MARAMING duguan ang nakakalat sa paligid. Mas lalong naging magulo ang Metropolis dahil sa agaran na evacuation. The city declared already in the state of calamity.

The buildings are burnt down and turned into rubbles. The place can no longer be described. It looks like a place from the underworld risen from it's slumber and preparing to welcome the sinners to hell.

Ang paligid ay nababalot ng maitim na usok at mga abo na sumasama sa ihip ng hangin. Maraming mga nagkalat na mga patay na mga rebelde at kasama din ang mga walang buhay na mga eon na pinaslang ng mga rebelde. The place can almost be called as graveyard dahil sa mga patay.

Tumulong na sina Haze sa pagpaslang ng mga rebelde. Si Josh ay sanay na rin sa pakikipagpaligsahan kay kamatayan kaya hindi naging mahirap sa kanya ang pagkitil ng buhay.

Si Vander naman ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito. Pero mas nakakatakot ang ginagawa nito dahil namamatay ang mga kalaban sa paligid nito kahit wala itong ginagawa. They are turning into ashes, like vampire in the movies who got struck by sunlight and burnt into ashes and nothingness.

Hindi maiwasan ng tatlo ang matakot kay Vander. Seeing his skills and ability will overwhelm anyone. The fact that Vander is known as a legendary is already scary, ano pa kung nakikita ng lahat kung ano ang kaya niyang gawin.

"Sana hindi niya makalimutan na kasama niya tayo." Natatakot na saad ni Haze dahil baka mabaliw na lang bigla si Vander at pati sila ay madadamay pa.

"He's still sane not to kill us. But we need to be out of his way. With his mood right now, he won't hesitate to kill anyone." Paliwanag naman ni Josh.

Kung may nakakakilala man ng mabuti kay Vander, wala ng iba yun kundi si Josh. They grew up together at alam nito ang ugali ni Vander, masama man o mabuti.

Kaya susundin nila ang sinabi ni Josh. They can't risk their lives just because of some stupidity.

"TODAY, WE WILL CREATE OUR HISTORY! CAMBRIDGE THIS IS YOUR END!" Narinig nilang lahat ang sigaw ng isang rebelde na may hawak na machine gun.

Alam nila na isa itong eon na nasa panig ng kalaban.

A bone chilling grin escaped from Vander's lips. Inside Vander's mind think it's preposterous when a mere eon threatened a legendary like him, who can even turn him into a mere dust if he wanted to.

"A brave one. You must not fear to die." At isang iglap ay biglang sumabog na lang ang ulo nito at nagsitalsikan ang mga dugo sa paligid. "Going here in my territory means you are prepared to die."

At ikinumpas lang ni Vander ang kanyang kamay ay biglang nagsabugan ang mga katawan ng mga naiwan na rebelde at kumalat ang mga dugo sa paligid.

Halos bumaligtad ang sikmura ni Haze dahil sa nakikita niya. It was brutal and merciless. Kahit sina Josh at Bryce ay pikit matang hindi pinipigilan si Vander dahil alam nilang hindi na nila ito mapipigilan. This is the collateral damage. They choose to strike then they must pay it with their life.

Bigla naman sumabog ang kinatatayuan ni Vander at biglang may mga lumabas na mga matutulis na mga salamin. Mabilis na nakaalis si Vander doon dahil tila naramdaman nito ang atakeng paparating bago pa ito matamaan.

Nayanig naman bigla ang lupa na naging dahilan para tumilapon sina Haze, Josh at Bryce. Agad naman nahawakan ni Bree si Haze ng tumama sila sa isang wasak na gusali. Agad silang kumapit para hindi sila masama sa mga patuloy na tumitilapon.

"S-sinong may gawa nito?" Naitanong na ni Haze dahil alam nilang hindi si Vander ang may gawa nun.

"There is someone in the middle who just jumped in." Saad naman ni Josh. Pareho silang nakatingin sa gitna na maraming alikabok kaya hindi nila makita kung sino ang nandoon. "It's a legendary."

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now