Faith 🔹 21

21.3K 1.1K 227
                                    

Raven's POV

"MAKE me a home-made lunch everyday, baby." Biglang naglambing ito pagkatapos namin kumain.

Laking pasalamat ko na lang at nagustohan niya yung luto ko, dahil kung hindi ay nakakahiya talaga. Pero bakit naman ako mahihiya? Sapilitan nga niyang kinuha lunch box ko.

"Limitado lang ang alam kung lutuin. Kaya hindi pwede yung everyday na sinasabi mo." Sagot ko sa kanya. Aba kung okay sa kanya yung araw-araw ay prito, bakit hindi?

"Anything will do, as long as you cook it." Yung lambing ng boses niya ay parang kinikilabutan ako. I don't know why we became like this dahil lang sa simpleng confession na siya pala ang amour ko at ako ang amour niya. Ganito ba talaga yun?

Pero hindi ko naman siya mahindian. Iniisip ko pa lang ang lahat ng mga masasakit na sinabi ko sa kanya at kinamuhian siya ng hindi naman niya kasalanan ay nakokonsensya na ako.

"Oo na, basta wag kang magrereklamo." Sagot ko na lang. Pansin na pansin ko rin ang pagtawag niya sa akin ng baby. Pero hinayaan ko na dahil noon pa man ay yan na ang tawag niya sa akin. Hindi na ako nakakaramdam ng ilang.

Tumayo na ako at kinuha ko ang mga take outs para itapon iyon. Ang lunch box ko naman ay kinuha ko. Sa condo ko na lang ito huhugasan.

"You have an outdoor meeting with the Devereux's. That's outside metropolis." Turan ko ng maalala ko ang schedule niya this afternoon.

His schedule is 3PM pero kailangan pa niya magtravel nun kaya dapat mga ala-una pa lang ay umalis na ito.

"Come with me." Saad nito sabay tayo.

Makakahindi ba ako? Yun naman ang nasa kontrata at tsaka kahit wala sa kontrata kung gusto niyang sumama ako ay hindi rin ako tatanggi.

"Okay, sir." Sagot ko sa kanya.

Lumabas na ako at nagmadali akong pumanhik sa restroom para magtoothbrush at magretouch na din. Mabilisan lang naman yun. Kailangan presentable pa rin ang itsura ko para hindi ako magmumukhang alalay ni Vander.

Pagkatapos sa restroom ay lumabas na ako at nadatnan ko na ito na naghihintay sa tabi ng desk ko.

"Let's go." Yaya nito sa akin kaya agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit iyon sa balikat ko at tsaka ang laptop para sa documentation ko mamaya.

Napansin ko na lang na tumabi ito sa akin sa loob ng elevator at yung kamay niya ay pumaikot sa bewang ko kaya ang bilis akong lumayo rito.

"They will see us." Paalala ko sa kanya dahil mukhang nakalimutan 'ata nito ang pinag-usapan namin kanina. Ang bilis naman 'ata nitong magka-amnesia.

"Damn, I hate keeping this a secret." Reklamo pa nito.

"At tsaka, hindi ka pa nga nanliligaw pero kung makahawak ka sakin, parang may label na? Umayos ka at wag kang magreklamo." Litanya ko pa rito. Nagrereklamo pa siya sa lagay na yan.

Pumayag na nga akong ipagluto siya ng lunch everyday, ang pagtawag niya sa akin na baby at ang pagyakap yakap niya sa akin tapos kung makareklamo, akala mo luging lugi siya.

"I know. But I wanna tell the world how much I—"

Ting!

Natigil naman ito sa pagsasalita ng pagbukas ng elevator ay may mga empleyadong dumadaan. Tumahimik si Vander ng sinamaan ko ito ng tingin.

Nauna na akong naglakad at agad na maraming bumabati kay Vander na hindi ko na nilingon pa. Nakasunod naman ito sa akin at hindi sumabay.

"I love this view." Biglang komento ni Vander habang nasa likuran ko.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now