Faith 🔹 35

18.6K 906 69
                                    

Raven's POV

MABILIS pa sa apoy ng kumalat ang balita. Alam na kaagad ng buong Council Ministry na isa akong Legendary at ako ang amour ni Vander.

Marami ang nagulat at hindi makapaniwala. Kung dati ang maraming tumitingin sa akin habang dumadaan, ay wala pa rin pagbabago iyon. Kung may nagbago man, iyon na ang klase ng tingin na binibigay nila. Takot at paghanga.

Pero hindi ko iyon pinapansin. Inasahan ko na iyon. Hindi na nga ako nagulat ng biglang nagkaroon ng emergency meeting ang council ministers.

"Kasama ka po, Ms. Haust." Magalang na saad sa akin ng sekretarya ng isa sa mga council.

Napatango na lang ako dahil may pakiramdam na ako kung bakit kasama ako. Hindi nga lang ako sigurado sa mga mangyayari.

"Baby, let's go." Tawag naman sa akin ni Vander na nakalabas na pala sa opisina niya at inaayos niyo ang butones na nasa wrist sleeve niya.

"Tara." Sagot ko rito at mabilis na akong tumayo at lumapit kay Vander na agad naman pumalibot ang braso nito sa bewang ko.

Hindi na ako nag-abalang tanggalin iyon dahil tumigil na din kami sa pagpapanggap. Pumanhik na kami sa elevator para bumaba sa floor kung saan pagdadausan ng meeting.

Pagkarating namin doon ay agad na sa amin nakatingin ang mga empleyado ng floor doon. Ni walang boses kang naririnig dahil tumigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

Umakto naman kami ni Vander na tila walang napapansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa meeting room.

Pagkapasok pa lang namin ay agad na tumambad sa amin ang mga nagtatalong panauhin. Magulo sila at tila may hindi napagkakasunduan.

"No, we should. This is the time we've been waiting for—"

"It's still too early, Ricaforte! Don't be too hasty!"

Tumikhim naman si Vander para makuha niya ang atensyon ng mga taong nagdedebate. Natigil naman ang lahat na nagtatalo at napatingin sila sa amin ni Vander.

"M-mr. Cambridge!" Sabay na sambit nila at lumipat naman ang tingin nila sa akin. "Ms. Haust!"

I went still. Hindi sila ganito dati sa akin. They act like I was not existing before. Just a mere assistant who's not worthy of their attention.

"Don't brawl inside the meeting room. You can do that when you're outside." Saad lang ni Vander sa kanila na ikinatahimik nila lalo.

Hindi ako nagsalita. Aakto lang ako ng kagaya dati.

"Mr, Cambridge, Ms. Haust, thank you for coming." Sinserong saad ng isang may edad na lalaki. I forgot his name, but who cares?

"What do you need?" Derechang tanong ni Vander sa kanila. I sat beside him but not saying anything kahit halata naman na kasali ako sa magiging usapan.

"Mr. Cambridge, we are here to congratulate you for finally having your amour who's Ms. Haust. But aside from that, we are wishing that you will run now for presidency since Ms. Haust—"

"That won't happen, Mr. Ricaforte." Putol ni Vander dito.

Presidency? They want him to run for president? But why?

"Mr. Cambridge, you know that you are the only one qualified for the position of being a president. The era of human kind had long ended. The future awaits for eons and the future generation lies under you. We want a secure future. Ms. Haust can replace you in the ministry—"

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now