Faith 🔹 6

21.6K 1.2K 109
                                    

Raven's POV

Masagana ang kain namin nina Diamond at Martha. Pero konti lang ang inorder ko dahil hindi ko naman mauubos iyon. Pero mas lalong gumana ang kain nila ng malaman nila na may dumating na bisita si boss na eskandalosa.

"Alam mo, self proclaimed girlfriend yun ni boss. Ang alam ko, walang girlfriend yan si boss. Single siya pero hindi available. Chismis nga sa council na nahanap na ni boss ang amour niya kaya ganun. Pero wala pang nakakakilala ng amour niya." Saad ni Diamond.

Amour? Ibig sabihin, Eon din ang boss ko?

"True, kasi kahit umatake na sa kanya ang mga naggagagandahan mga babae, tila walang epekto kay boss. Kagaya ng pugitang iyon. Araw-araw yun nagpupunta rito, kaya ihanda mo ang sarili mo dahil araw-araw mo rin palalayasin yun." Saad naman ni Martha sa akin habang ngumunguya ng pagkain niya.

Kaya pala parang alam na ni boss na may darating dahil suki pala iyon. Bilib din ako sa effort at lakas ng loob ng babaeng iyon.

"Buti at napaalis mo iyon ng ganoon lang dahil yun sa iba, nagkaroon pa ng bonggang sabunutan kaya galit na galit si boss dati." Kuwento naman ni Diamond.

Napangiwi naman ako. Bakit umabot pa sa sabunutan? Nasaan na ang dilekadesa ng babaeng iyon?

"Naku, mahadera talaga ang babaeng iyon. Nambabakod kahit di naman niya teritoryo. Pakiramdam ko nga kung naging lalaki yan babaeng yan, nasapak na yan ni boss, kaso itong si boss, umaandar lang din ang respeto niya sa mga babae. Masungit yun pero hindi yun nananapak ng babae." Kwento naman ni Martha at humigop pa ito ng sabaw.

Natural na dapat irespeto ang mga babae di ba? Kasi higit na mas nakakalamang sa lakas ang mga lalaki. Iilan lang ba ang babae na mas malakas kesa sa lalaki? Nabibilang lang iyon sa kamay.

"Wish ko lang talaga na sapakin niya ang babaeng iyon, dahil saksakan ng kapal ng mukha nun." Sulsol naman ni Diamond.

Napapailing ako sa kanilang dalawa. They sounded like they are jealous than being concern about the welfare of my boss.

"You both sounded jealous though." Puna ko sa kanilang dalawa habang pasimple lang akong kumain ng saging.

"Nagseselos kami sa lakas ng loob niya Raven, because we don't have that. I mean, we are older than the boss by few years at tsaka isa siyang—" naputol naman ang dapat sasabihin ni Diamond dahil biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"Everyone, meeting daw lahat ng department sa town hall!" Biglang may sumigaw naman na lalaki na may edad doon sa pantry. "All employees proceed to the town hall within 20 minutes."

"Naku bilisan na natin. Baka magalit na naman si boss pag di tayo kompleto lahat dun." Saad ni Martha.

Pareho kaming nagmadali sa pagkain na mabilis ko naman naubos ang sa akin. Wala akong nakita sa planner na may meeting ngayon. Baka abrupt lang ito at wala naman sinabi si boss sa akin kanina.

Agad kaming tumayo at nagsipuntahan ng comfort room para magtoothbrush. Inayos ko na rin ang sarili. Mapula naman ang mga labi ko at natural na rin na malarosas ang mga pisnge ko.

Si Diamond at Martha naman ay nagretouch bago kami lumabas ng comfort room at tumungo sa town hall.

Pagkadating namin doon ay nandoon na rin ang mga empleyado na kadalasan ay may mga edad. May mga nakikita din ako na kaedad ko at napapatingin din sila sa akin na nagugulat pa ang iba.

Kilala ba nila ako? Siguro kasama ko sa fortress ang mga ito dati kaya ganoon ang reaksyon nila.

"Miss Haust, doon daw kayo maupo sabi ni boss." May lumapit naman sa akin, si Miss Zarena na nakangiti.

FAITH |Deathly Fate Series 2|Where stories live. Discover now