02: She's A Mess But The Mess He Wanted

817 46 54
                                    

#IYAALM02: She's a Mess but The Mess He Wanted

✿ ♥ ✿

If you are anything like me,
Who love with a whole heart unconditionally,
Darling, keep some for yourself,
So, if one day they decided to leave you,
You'll survive even though,
It'll be hard to forget.


"Letizia, tawag ka ni Boss sa office n'ya." Nanlamig ako sa kinauupuan ko at saka napatitig sa katrabaho kong si Deus dahil sa sinabi n'ya sa akin at saka s'ya bumalik sa lamesa n'ya. Napalunok ako nang ilang beses at nanginginig ang mga kamay na tumayo para tumungo sa opisina ng nakatataas sa amin.

I knocked gently before entering the cold and neat office of our boss. I stood up nervously and gazed at him while he was writing down something on his papers. When he saw me he gestured me to sit down on the chair in front of his table.

Do'n ko nalaman na seryoso talaga ang bagay na sasabihin n'ya para sa akin. Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko. I found it hard to breathe. He was making me feel so alarmed.

"What's happening, Zia?" He asked looking keenly at me. I bowed down looked at my shoes because I don't even know what to reply. I kept mum and he sighed in disappointment.

"You were once an ace. You are even in line for the promotion, aren't you?" I was stabbed directly at my heart. Alam kong napakarami kong kasalanan at pagkukulang. At ito na ang patunay no'n... umabot na sa mismong amo namin.

"But you let me down. You let this opportunity slipped under your watch. I thought you were professional?" Dagdag pa niya kaya lalong kumirot ang puso ko at pakiramdam ko nanubig ang mga mata ko. This was a wake up call, a fucking slap in a face that even though my time stopped because of my heart aches, others time didn't. They kept going and now, I am all left in this lonely and awful path.

"Kung may pinagdadaanan ka, huwag mong idamay ang trabaho mo, Zia. You were better than this." He stated directly and gave me instructions and papers for revision. Tumambak bigla ang ginagawa ko. Kaya bagsak ang balikat at mabigat ang loob akong bumalik sa trabaho.

'Yung trabahong pinaghirapan ko ng sobra bago ako nakuha, 'yung trabahong naging daan para gumaan naman ang buhay ng pamilya ko. 'Yung trabahong 'to... ito na lang yata ang naiwan sa akin simula nang iwan ako ni West.

Pero dahil sa kan'ya muntik na 'tong mawala sa akin? Gago lang, Letizia. Pati ba naman 'to manganganib dahil sa pagiging broken hearted mo? Oras na para gumising ka! Kasal at masaya na 'yung tao! Tigilan mo na. Tama na. Maawa ka naman sa sarili ko.

That night was the last night you promised to be a fool because of him. You need to stop. You need to wake up!

Kaya naman buong maghapon akong tutok sa trabaho. Walang ibang inisip kung hindi ayusin ang mga maling nagawa. Ni hindi man lang hinayaang makahinga ang sarili mula sa tambak ng mga papel dahil baka maiyak lang ako kapag ginawa ko 'yun.

I drowned myself in work, trying to forget everything. It worked. At least. Ngayon, alam ko na ang gagawin. Lunurin ang sarili sa trabaho. Bukod sa makakatulong na para sa sarili ko, babalik na ang magandang record ko.

Nang mag-uwian kaagad kong inayos ang mga gamit ko at bumababa sa hagdan na karaniwan ay wala namang nagamit. While going down, I decided that I should go somewhere first before going home.

Dumiretso ako sa isang abandonadong parke na hindi na nagagamit dahil mas ginugusto na ng mga bata ngayon na kaharap ang mga modernong imbensyon kaysa ang lansangan na maaring magbigay ng walang kasing sayang memorya.

If You Are Anything Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon