09: The Thing About Promises and Heartaches

368 25 13
                                    

#IYAALM09: The Thing About Promises and Heartaches

✿ ♥ ✿

If you are anything like me
Who values promises,
One day you'll find someone who will forever keep them,
If you are anything like me
Who is afraid of heartaches,
Darling, it's okay, but don't let it be broken because of yourself...

✿ ♥ ✿

"Nasa labas na ako, Love."

Napangiwi ako saka dali dali na isinuot ang sling bag sa sarili at inipit ang cellphone sa balikat at tainga.

"Saglit lang, pababa na rin." Nagmamadali kong sabi at saka nag-suklay ng mabilisan, halos hindi na ako magkaintindihan kung alin ang unang gagawin kaya naman kahit medyo magulo pa ang buhok ay tumakbo na ako pababa.

"Hay nako, Ate ngayon ka pa nalate? Dali, galit na sina Mama." Iiling iling na sabi ni Leona sa akin. Tamo 'tong batang 'to, s'ya naman may kasalanan ba't ako late ng gising tapos sa akin pa isisisi, tsk, iba talaga. Inirapan ko s'ya at saka binalik ang atensyon sa cellphone ko.

"Palabas na kami. Pasensya na sa paghihintay." I told him but he just chuckled before ending the line.

"Tara na?" I asked my family with a little grimace on my face. Sinamaan ako ng tingin ni Mama kaya naman napaatras ako sa kinatatayuan. Grabe s'ya? Ngayon lang naman ako nalate ng gising?

"Ikaw na lang inaantay, Ate." Javier stated the most obvious thing in the world with a teasing smile. I pouted and grabbed my sandals then wrapped my arms around Javier. Tinawanan lang ako nang loko.

When we went out of the house Killian greeted them with a huge smile on his face. Binati naman s'ya nina Mama na akala mo'y hulog ng langit kaya naman dinilaan ko s'ya. Grabe talaga 'tong pamilya ko, si Killian yata ang anak at hindi ako.

"Nako, Joaquin pasensya ka na kay Letizia. Late gumising, naghintay ka pa tuloy." Wow! Para namang naglasing ako kagabi kung makapagsabi 'tong si Mama. Tinulungan ko lang naman si Leona tapusin project n'ya at saka hindi kasi ako ginising 'nung isang 'yun kaninang umaga, kaya ako lang late ang gising.

"Okay lang po. Sanay na ako." Biro ni Killian kaya nagkatawanan silang lahat maliban sa akin na pabirong sumimangot.

My family entered the car and Killian opened the door for me. Panakaw pang nagdampi ng halik sa pisngi ko kaya naman kaagad kong kinurot ang gilid. He laughed loudly because of that, my ever curious family looked at both of us.

"Tara na, late na tayo sa simabahan." I told everyone and pushed Killian away. Nang maisara ang pinto ay kaagad din pumunta sa pwesto n'ya.

While travelling I just closed my eyes to get some rest and Killian continued to converse with my family. It's Sunday today. Magsisimba kaming lahat, at nang malaman ni Killian na sisimba kaming pamilya, gusto n'ya rin sumama kaya nandito s'ya ngayon.

It was a little traffic but we managed to arrive a little early. Kaya naman may naupuan pa kami. Katabi ko si Killian at si Leona.

It was a little hot and I could see Killian's sweat. Kaya naman kumuha ako nang panyo mula sa bag ko at saka inabot sa kan'ya 'yun. Kunot-noo n'ya akong tiningnan.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now