05: Chasing Endlessly, Stopping Suddenly

536 36 65
                                    

#IYAALM05: Chasing Endlessly, Stopping Suddenly

✿ ♥ ✿

If you are anything like me,
You always run as fast as you can,
Darling, someone will eventually get tired,
But someone will also catch up
And will run by your side with that little smile on his face.

✿ ♥ ✿

"Letizia, papasa naman 'nung document."

"Napasa ko na sa emails ng team. Pa-check na lang din." Sagot ko sa sinabi 'nung isang kasamahan ko na mukhang pagod na ang mga mata dahil maghapong nasa computer.

"Hey, can you check the file in J-drive?"

"Wait a second. Tatapusin ko lang 'yung pinapa-upload ni Boss." I answered the other guy who called my attention. He proceeded back on his work. Medyo mukhang natataranta na rin. I just sighed and turned my chair around.

Tumutok na muli ako sa computer ko at inayos ang mga kailangang gawin. Nanakit na rin ang mga mata ko, kaya naman tinanggal ko muna ang reading glasses ko at saka napaunat-unat. I went to the water dispenser near our break room.

Habang nakatayo ro'n, nakita ko kung gaano ka-busy sa trabaho. Ilang linggo na rin kaming ganito kaya naman napapabuntong hininga ka na lang talaga bigla. Minsan nga hinihiling ko na bumagal man lang ang oras sa trabaho namin para matapos ko 'yung mga kailangang gawin. Nang matapos uminom ng tubig bumalik na ulit ako at tinapos ang kailangan isubmit ngayong araw.

Some of my workmates, including me, had to do an overtime because of the chaotic and packed day. My muscles were aching and my eyes felt really tired when I finished and went to where the jeepney commonly stop around.

Sumakay na ako ro'n at nang makauwi sa bahay ay kulang na lang matulog na kahit nakapangtrabaho pa akong suot. Kung hindi ako sisilipin ni Leona baka nakatulog na ako kaagad habang hindi pa bihis.

Gano'n din ang nangyari sa dalawang sumunod na araw. Ni hindi na nga ako nagla-lunch at nagtitinapay na lang dahil sa dami ng ginagawa. I focused on my work and I just rested fully whenever I go home. Hindi ko akalain na gano'n magiging takbo ng mga araw ko. Nakakapagod na lang! Kailangan ko magre-charge na ng energy.

Gustuhin ko mang mag-leave hindi naman pwede kasi mauubos 'yung bakasyon ko. Sayang naman. Naiisip ko na lang nadarating din ang weekend at makakapagpahinga rin ako.

I also helped in the house before going to work. Gone was the crybaby Letizia who couldn't function well because of heartbreak. Although my work right now is super busy and tight, I still managed to prepare some breakfast for the family. Konting ganti man lang sa sakripisyo at pagtitiis nila sa akin 'nung lugmok na lugmok ako sa sakit at pait na naranasan.

"Bye Ate, ingat!" Bati ni Leona sa akin habang kumaway lang si Javier. Si Mama naman may kung ano anong bilin tapos si Papa tahimik lang na may ngiti sa labi habang tinatanaw ako paalis ng hapag para pumasok sa trabaho.

Biyernes na. Wala ng pasok bukas. Konting tiis at konting overtime na lang, Letizia! Let's do this! I cheered for myself silently as I entered the jeepney and begun the busy and stressful life of being a worker.

Kapag talaga marami kang ginagawa hindi mo rin na papansin ang oras. I skipped lunch again. Hindi lang naman ako, may mga ilan din akong katrabaho na gano'n. Nag-sky flakes na lang ako at saka nagpatuloy sa ginagawa. I also run around the whole building today just to get something from the other offices. Ang daming inaasikaso, ang daming utos ng boss namin. Pagod na ako.

If You Are Anything Like MeWhere stories live. Discover now