06: Will Believing You Be Fine?

498 34 4
                                    

#IYAALM04: Will Believing You Be Fine?

✿ ♥ ✿

If you are anything like me
With thousands of uncertainties,
Million of silent questions,
Darling, it's fine...
One day, you'll find the answer,
And someone you'll believe in.

✿ ♥ ✿

"So where are we going?" 'Yun kaagad ang bungad sa akin ni Killian nang sunduin ako sa amin. Wala sina Mama at Papa dahil nasa trabaho, parehas namang nasa school 'yung mga kapatid ko kaya naman hindi n'ya pa sila nakikilala ng pormal.

They've met Killian before because he would often fetch me for work and he would drop me off after my shift. Hindi naman nag-uusisa ang magulang ko at sina Leona. Ang mahalaga lang naman sa mga 'yun, okay ako at hindi na katulad 'nung dati.

"Excited lang?" Natatawang sabi ko at saka n'ya kinuha 'yung backpack ko na maraming laman.

"Of course! This is the first weekend you planned to have a date with me!" Bibong sabi nito at saka ako tinaasan at binabaan ng kilay. I chuckled at him as he placed my backpack in the back seat.

"Date mo mukha mo." Dinilaan ko s'ya at sumakay sa passenger seat.

"You like me, Z." Confident na sabi nito bago ako kinindatan at umikot sa driver's seat para sumakay na rin. I rolled my eyes at him and he pinched my cheeks.

"Aw!" Alma ko sa kan'ya pero tinawanan n'ya lang ako. Pagkatapos ay naglagay ng sunglasses sa mata at binuhay ang makina ng sasakyan.

"Ikaw kayang patay na patay sa akin." I told him conceitedly as I crossed my arms. He gave me another sunglass. I accepted it. Sinuot ko 'yun tapos tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. I smiled to myself.

"My beautiful baby." He chuckled and started to drive.

"Tigilan mo ako." Natatawang sabi ko sa kan'ya kasi pakiramdam ko pinamulahan kaagad ako ng pisngi at biglang kumabog 'yung puso ko. Grabe talaga 'tong lalaking 'to.

"Sa'n tayo?" he queried.

"Hmmm. You been researching for a lot of beach and a good destination for a small vacation, right? Why not take me there?"

"Are you serious? Walang plano?"

"Well, now... we have a plan."

He laughed at me but still did what I told him. Halatang excited kasi hindi matanggal ang ngiti sa mga labi tapos pasulyap-sulyap pa sa akin. I couldn't help but smile too as I glanced at the window, looking at the hot and humid weather. Perfect day to go to somewhere cool.

I allowed Killian to enter my life completely. Hindi na basta kaibigan lang na dadaan at mawawala pagdating ng panahon. Magkaibigan pa rin kami ngayon at patuloy pa rin s'yang nanliligaw. Ang kinaibahan lang, hindi ko na s'ya pinapatigil o kinukuwestyon sa disisyon n'ya.

I am taking time for this thing. I don't want to rush. I like our pace. I like being around each other.

Nang makumpirma ko na wala na talaga akong nararamdaman kay West, lalong lalo na 'nung makita ko s'ya no'n sa parke kasama si Tricia—na buntis na. Hindi ko 'yun sinabi kay Killian.

If You Are Anything Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon